Chapter Twenty-Three [23]

57 3 0
                                    


          It feels surreal na okay na kami ni Andrew, na hindi na naming kailangang magpanggap na hindi na naming mahal ang isa't isa. Lahat ng sama ng loob ko sa kanya noon ay unti unti ng nawala. Mas masarap pala sa pakirandam yung ganito, yung totoo lang kayo.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" medyo iritableng tanong ko kay Andrew dahil 4 am palang ay pinuntahan na niya ko sa condo dahil may pupuntahan raw kami.

"Ang sungit mo naman, do you have it?" Panunukso niya saakin. Napaka straight forward talaga niya ni walang bahid ng hiya. Siguro ganito talaga if you already know each other for years.

"Oh natulala ka diyan, Oo na I know I'm handsome." Kinindatan niya ako at tinignan gamit ang mapupungay niyang mga mata.

"Alam mo nakakainis ka!" Saka ko ibinato sakanya yung jacket na hawak ko. "Tara na nga! Baka antukin pa ko at magbago isip ko."

"Magbabago na naman isip mo?" Kunwari ay nalulungkot siya at may nalalaman pang pag hawak sa kanyang dibdib.

"Napaka drama mo talaga, tara na!" At saka ko isinabit ang aking kamay sa makikisig niyang mga braso.

"Saan ba talaga ang punta natin ha?" tanong ko sa kalagitnaan ng pag mamaneho niya, I think right now we're heading North but I don't know where, hindi rin kasi ako wise pag dating sa mga lugar.

"Impatient as always." Singhal naman niya. "I remember nung first meeting natin during college, nung nabangga kita at nabitawan mo lahat ng books mo, you were really mad at me." Hindi niya mapigilan ang pagtawa, na lalo pang nagdedepina sa maamo niyang mukha.

"Hoy hindi kaya yun ang first meeting natin! I remember binangga mo ko sa Mall non! You jerk!" Yes our first meeting is still fresh with me, sinong mag aakala na after how many years, we're here nakasakay sa iisang kotse.

"Oh galit ka na naman sungit." Aniya " I remember I used to call you sungit during college days, no matter how much I flirt with you sinusungitan mo lang ako." Dugtong pa niya

"Eh ikaw kaya ang landi landi mo tapos kung sino sino din kinakausap mo nun no, hindi lang ako, womanizer!"

"Oh that hurts, I'm a one woman man, and you know I'm only yours." Atsaka niya ako nginitian, hindi yung mga ngiti niyang mapaglaro kundi isang sincere na ngiti, this is my Andrew.

Hindi ko na napigilan at kahit na nagmamaneho siya ay niyakap ko siya. Narinig ko ang marahan niyang paghalakhak. "That's my girl, very aggressive." Hinampas ko siya sa dibdib dahil hindi ko mapigilang kiligin sa bawat salitang binibitiwan niya, kahit na matagal na kaming magkakilala ay iba pa rin ang epekto niya sakin.

"Baby balik ka muna sa upuan mo." Pang-aasar niya "Alam ko naman na mahal mo ko, at kapag di ka pa lumayo sakin, di ko na mapigilan at –" tinapunan niya ako ng makahulugang tingin.

Hindi ko napigilan ang pamumula ng aking mga pisngi habang siya ay patuloy lang sa pagtawa. "Ano ba nakakainis ka talaga ano, kakain na lang ako bahala ka diyan, I hate you."

"I love seeing your flush face"Aniya

Hindi ko na nga talaga napigilan ang pagkalabog ng aking puso at tinakpan ko na ang mukha ko gamit ang maliit na unan na dala-dala niya lagi rito sa kanyang kotse at tuluyan ko ng hinampas ang makisig niyang mga braso.

"Do I still give you the butterflies?"

"Are you kidding me Andrew? Ikaw lang ang nakakagawa sakin nito, and I hate it." Biro ko sa kanya dahil sa totoo lang ay sa tuwing hinihiritan niya ako naghuhuramentado ang puso ko. Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya.

Until Forever EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon