Halos paliparin ko ang sarili ko palabasng unit dahil isang oras na lang ay 7 AM na at maloya pa ang makati. Kaagad naman akong nakapag para ng taxi dahil malapit kami sa taxi bay.
"Letse naman ang traffic." Busangot na ang mukha ko ngayon dahil first day ng pasok ko ay mukhang mala-late pa ata ako, nakakahiya naman kay tito at siya pa talaga ang nagpasok sa akin sa kumpanya. Damn body clock, nasa Coventry pa rin.
After 15 minutes ay umusad na ang traffic at sa wakas gumalaw na rin ang sinasakyan kong taxi, hindi ko naman kasi sinakyan yung kotse ko dahil baka sabihin ng mga kasama ko show off ako porque galling akong England.
"Manong bayad ho." Kahit na nawala ako sa mood ay nakangiti kong inabot ang bayad sa driver dahil mukha siyang mabait. Nakipagkwentuhan pa nga siya kanina sa akin habang nakatigil ang sasakyan dahil sa traffic, hindi kasi ganito ang mga driver sa Coventry.
"Salamat po." At pagkatapos ay sinaluduhan pa ako ni manong. Napailing na lang ako sa ginawa niya.
Lakad takbo akong pumasok sa building dahil malapit na talaga akong malate. Hinintay ko ang pagbukas ng elevator, nawawalan na ako ng pasensya paulit-ulit ko na itong pinindot. Mga limang minuto na lang ata ang natitira sa oras ko, ang pangit naman kung ganito ang impression na mabubuo saakin.
Pagpasok na pagpasok ko sa main foyer ay nakita ko si Mr. Torres na naka pamulsa, lalo siyang nagmukhang bata at makisig dahil sa bago niyang kulay na buhok.
"Good morning po Tito." Mainhin kong bati sa kanya.
"Good morning rin hija, sakto lang ang dating mo at magstart na ang pagplay ng national anthem." Nakangiting bati niya saakin. Ngumisi ako ng medyo nahihiya dahil dun sa sinabi ni tito na sakto lang ang dating ko. Nakakahiya talaga ako kahit kailan. Hindi na 'to mauulit promise.
Matapos ang ceremony ay agad kong pinuntahan ang designated office sa akin, two days before pa lang kasi ay ibinigay na saakin ang mga instructions para hindi na ako mangapa sa trabaho. This is my first work, I did not attempt to do work in Coventry dahil alam kong uuwi rin ako rito.
"Excuse me but may I ask who's Mr. Ian Liangco?" Tanong ko dun sa isang matangkad na babaeng blonde na dumaan sa harap ko.
"Ayun siya oh." Tinuro niya sa akin yung lalaking masayang nakikipagusap dun sa mga kasama niyang delegates, lahat sila ay mukhang mga professionals at makikisig lahat sila.
"Okay, thanks!" Tinapunan ko siya ng isang maiksing ngiti.
Mabilis kong nilapitan si Mr. Liangco, according sa note na narecieve ko siya ang magiging guide ko at magiging part rin ako ng team niya dito sa company. Sounds exciting.
BINABASA MO ANG
Until Forever Ends
Romansa(Tag-lish Story) Amber and Andrew met during college they were fire and ice back then until it ended into something romantic, but an unfortunate event drifted their paths together without any sense of closure years later they would meet again no l...