Chapter Twenty-Six [26]

99 3 0
                                    

              Kinaumagahan any nagising ako sa malakas na kalabog, unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at napahawak ako sa noo ko sa sobrang sakit ng ulo ko, tinignan ko ang orasan sa cellphone ko at nakitang eight na ng umaga, shit late na ako.

Fine, baka mag-leave ako ngayon, ang sakit ng ulo ko.

Bumalik ako sa sarili ko ng narinig ko ang isang tikhim, napaupo ako agad sa kama ko at nakita si Andrew na nagtatanggal ng sapatos, gosh I know I look like a mess right now but despite nginitian ko siya. "Good morning." Paglalambing ko sa kanya kahit na ang sakit ng ulo ko.

Pero bakit ngayon lang siya? Eight 'o clock na ha? Uggh. Never mind ang sakit talaga ng buong katawan ko. Tinignan niya lang ako at dumiretso siya sa kusina, sinundan ko naman siya ng tingin.

May sayad na naman ba siya?

Bumalik siya na may dalang baso ng tubig at ininit na soup. Inilagay lang niya sa bedside table ko yun at umupo na siya sa sofa sa gilid ng kama ko. Kinuha ko ang baso ng tubig at ininom ito "Bakit ngayon ka lang?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Bakit hindi ka pa bihis?" Pagbabalik niya ng tanong sa akin. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso muna ako sa banyo para mag hilamos at toothbrush.

I'm late anyways, better take my time.

"Sorry Drew I overslept." Nilapitan ko siya at hinimas ang braso niya, naramdaman ko ang biglang pagka-stiff ng braso niya. Tahimik lang siya. "Nagkatuwaan kasi kami sa birthday ni Rica, alam mo naman ang tagal naming di nagkita and all." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Kay Rica ka ba talaga nakipag catch up?" Firm ang tono ng boses niya at kung kanina ay hindi siya nakaharap sa akin ngayon ay diretso ang titig niya, nanunuot hanggang kaluluwa.

Napaisip ako sa sinabi niya at naalala ko si Leo at ang iba ko pang batchmates, napangiti ako at hinaplos muli ang braso niya. "Andun din si Leo, saka yung ibang taga St. Paulina na ka-batch natin, ano ka ba!" Hinampas ko siya ng bahagya.

"Siya ba yung kasayawan mo?" Nalaglag ang panga ko sa tanong niya, hindi ko na napigilan ang bunganga ko. "How did you know that?!" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Damn Amber it's all over facebook, and what kind of shit were you wearing?! Was that even a dress? Shit." Narinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga niya.

"Listen baby, magkaibigan lang kami nun." Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsilop ang mga daliri namin, bigla akong nangiti nung matandaan kong bi nga pala itong si Lpeo. "At isa pa, bi yun! Lalaki din ang habol nun!"

"I don't care Amber, bisexual nga eh, he can hit on either boys or girls." Pag-iling niya sa akin. Damn this overprotective guy.

"Sorry okay? I was just having fun." Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya bago ko napag desisyunang tumayo para kainin ang soup na inihanda niya.

Kita ko sa mata niya na medyo nagtatampo pa siya sa akin, kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at binalikan ko siya sa sofa. Umupo ako sa mga hita niya at hinarap siya, kitang kita ko ang biglang pag pula ng tenga nya at pag bigat ng hininga niya.

"I'm sorry okay?" Saka ko hinalikan ng marahan ang gilid ng labi niya. Ramdam ko agad ang pagka turn on niya, agad niyang ikinulong ang baywang ko gamit ang dalawang kamay niya.

"You're unfair; you're seducing me to forgive you." Aniya

"I'm not seducing you!" Halakhak ko. Tumataas baba na ang haplos niya sa magkabilang baywang ko at hindi ko na naman maintindihan ang mga daloy ng kuryente sa katawan ko. Umamba siyang hahalikan ako nang biglang nag ring ang cellphone ko kaya napatalon ako sa gulat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until Forever EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon