"What was that fo --?" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa labis na pagkagulat.
Nakatingin ako ngayon sa isang lalaking lasing na lasing, magulo ang buhok niya tiwla ba wala sa sarili at para bang wala siyang patutunguhan. Hindi naman siya mukhang marumi sadyang halata lang na lasing siya dahil na rin siguro sa hindi stable ang tindig niya at gusot ang damit niya.
I never saw him like this before. What exactly happened to him at nagkaganito siya? Tanda ko pa noon na sobrang oc niya sa itsura niya, ayaw niya ng pinagpapawisan siya o kahit magusot man lang ang damit niya.
Anong nangyari? Halos bumigay ang nararamdaman ko, dahil hindi ko matanggap na totoo nga yata ang mga ikinwento sa akin ni Rica na ang laki na ng pinagbago niya, pero hindi ko maipagkakaila na ang gwapo pa rin niyang tignan. Lalo siyang tumangkad at nahubog talaga ng husto ang katawan niya, kung iisipin nga parang binugbog niya ang sarili niya sa gym.
Bigla niya akong nilingon then suddenly I felt nervous. Isinilip niya ang mga mata niya sa magulo at mahaba niyang buhok na lampas sa kanyang taingan. I don't know, kinakabahan pa rin ako sa mga titig niya, parang hindi na ako nasanay sa kanya. Ni hindi man lang nagbago ang paraan kung paano siya tumingin, Ganon na ganon pa rin. Same old him.
"Amber" Napabalikwas ako ng bahagya nang tawagin niya ang pangalan ko. Masyado nang matagal nung huli kong marinig ang pangalang yon' mula sa bibig niya. Iba ang pakiramdam ng boses niya, nakakapaso at masarap sa tainga.
Natatakot ako, hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman, should I be happy or scared? Tinignan ko lang siya ng matagal. Nahihirapan pa kase akong i-absorb lahat ng mga pangyayari pati na rin ang mga nakikita ko. Hindi na ma-proseso ng tama ng utak ko. Masyadong magulo.
Sa laki ng Maynila hindi ko halos maisip na magkikita pa ulit kami. Hindi pa rin maproseso ng sistema ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.
Natigilan ako at hindi ako nakasagot kaya nilapitan niya ako at tinangka niyang hawakan ang braso ko, automatic naman na napaurong ang mga paa ko. Now I know, definitely I'm scared. But scared of what? Him? Yan ang hindi ko alam sa ngayon.
He stared at me gamit ang mga nangungusap niyang mata, hindi talaga ako makasagot but then na-manage kong lunukin ang lump na namuo sa lalamunan ko.
"D-drew?" Pagkasabi ko ng pangalan niya tuloy-tuloy na bumalik ang mga memories naming dalawa. Sweet yet painful memories. Ayoko ng maalala pa ang mga yon' dahil matagal ko na silang nilimot kasabay ng pagtalikod niya saakin nung mga panahong down na down ako.
Nabigla nalang ako dahil bigla niya akong niyakap, sobrang higpit na umabot sa puntong halos hindi na ako makahinga. Hindi ako makagalaw, pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ang buong sistema ko ay nagkakagulo. Naramdaman ko ang hininga niya at ang mainit na patak ng luha niya sa balikat ko pero ang mas nagpagulat saakin ay nang bigla siyang bumagsak.
BINABASA MO ANG
Until Forever Ends
Romantizm(Tag-lish Story) Amber and Andrew met during college they were fire and ice back then until it ended into something romantic, but an unfortunate event drifted their paths together without any sense of closure years later they would meet again no l...