Kanina pa kami magkasama ni Andrew, as usual ako na naman ang inaasar niya wala na siyang ginawa kung hindi manguliyt minsan nakakatuwa pero madalas nakakainis lang talaga!
"Ano na naman ba?" Iritang tanong ko dahil kanina pa siya mukhang constipated dito.
"Can you?" Kanina pa siya parang wala sa sarili niya, yung mukha niya first time ko namang makitang kinakabahan, since naging magkasama kami nito ngayon ko lang talaga nakita ang itsura niyang parang kinakabahan.
"Hah? Ano?" Nalilitong tanong ko kase di ko naman talaga maintindihan kung ano ba yung pinag-sasabi niyang can you, medyo nakakaasar na nga kase baka pinagti-tripan na naman niya ako.
This past few days kase lagi nalang niya akong pinagti-tripan parang ako lang yung nakikita niyang masarap lokohin.
"Can you?" Tangina, ayan nanaman siya sa can you niya, baliw na yata talaga siya.
"Ano nga?! Nakakaasar ka na eh! Puro ka can you diyan!"
"Damn! Can you be my girl!?" Sigaw nito sabay iwas ng tingin, nahihiya yata! Hahaha nakakatawa siya para siyang bata ang cute niyang tignan.
"Anong pinagsasabi mo diyan? May lagnat ka ba?" Kunot noo kong tanong sakanya, tapos nilapitan ko pa siya at hinawakan ang noo niya para kunwaring tinitignan ko kung may lagnat ba talaga siya.
"Manhid ka ba o ano!? Shit! I'm asking you to be my girlfriend!" Ngayon ko palang naramdaman yung gulat sa sinasabi niya, kase naman yung kanina parag niloloko na naman niya ako.
Ayaw talagang mag sink-in sa utak ko ng lahat ng sinasabi niya, Oo gets ko naman eh. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yung pagpaparamdam niya saken but hindi ko naman naisip na tatanungin niya ako para maging girlfriend niya.
"Sa lahat ng nagyayayang mag ka girlfriend ikaw ang galit saka hiyang-hiya naman ako sayo wala ng ligaw-ligaw! Ikaw na! Ikaw na talaga!" Pasigaw at sarkastiko kong sagot sakanya, medyo nawawala na rin yung kaba niya siguro dahil na rin parang nagbibiro na rin ako.
Tatalikod na sana ako sakanya, kailangan ko pa kasing magmadali dahil pinapatawag ako nina Rica para tapusin nanamin yung mga plates na i-susubmitt namen.
"Sus. Ang moody mo naman ni Bie, If I know, gusto mo naman." Makulit na sabi niya sa akin tapos pi-ninch pa niya yung ilong ko. Ang kulit at sweet talaga ng mga gestures niya paminsan, pero hindi ko nalang pinapakita sakanya na nagugustuhan ko. Baka isipin pa niya na gusto ko siya, kapal naman ng mukha niya.
"Marge, pangalan ko" Pagtatama ko sakanya, pano ba naman tawag niya saken is 'Bie' which is barang shortcut ng baby, eh hindi naman kame couple para magkaroon ng endearment.
Hinila niya ako papunta sa parking lot ng school namen, akala ko naman may kukunin lang siya sa kotse niya or what pero laking gulat ko lang nung may nakita akong isang malaking poster na nakadikit sa kotse niya na "Will you be my girlfriend" ang nakasulat doon sa karatula, hindi ko mapigilan ang pagtakas ng mga halakhak ko.
BINABASA MO ANG
Until Forever Ends
Romansa(Tag-lish Story) Amber and Andrew met during college they were fire and ice back then until it ended into something romantic, but an unfortunate event drifted their paths together without any sense of closure years later they would meet again no l...