Sa loob ng ilang saglit ay parang nabalutan ng karimlan ang buong pagkatao ko. Nakita ko ang biglang pagpasok ni Mr. Liangco.
"Attention guys, I want to introduce you the last member of our team Mr. Andrew Torres." Anunsyo niya.
Kinilabutan ako nang marinig ko ang pangalan niya. Pormal siyang ngumiti saamin walang particular na tinitignan pero nung sulyapan ko ang mga mata niya nakita kong nagtama ang mga mata namin.
Sigurado akong nagtama ang mga maga namin!
Pero bakit parang hindi naman siya nagulat?
Alam ko na! Bwiset! Sinundan na naman siguro ako! Ano na, hindi na ba talaga niya bibigyan ng katahimikan ang buhay ko? Ito na naman ba tayo, maglalaro?
Pumasok siya sa office namin kasabay ng pag-alis ni Mr. Liangco, mga ilang segundo ring awkward ang feeling pero nabasag naman ito ng magsalita si Ate Bitsy. Siya talaga siguro ang bangka dito.
"Hi Andrew, I'm Bitsy at ako ang dyosa dito." Malanding pagkakasabi ni Ate Bitsy atsaka niya kinamayan ito.
"Hoy Bitsy baket hindi ka nagpapatawag ng ate sakanya samantalang kay Marge kulang nalang ipagdukdukan mo sakanya na kailangan na kailangan ka niyang tawaging ate!" Naiiritang sigaw ni Winter mula sa upuan niya. Baklang bakla talaga siya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Eh ano bang pakialam mo, alam mo ba kung ilan na siya!?" Nilingon niya saglit si Winter pero ilang saglit lang ay ibinaling na niya ang tingin niya kay Andrew. "Eh ilang taon ka na nga ba Andrew?"
"I just got 23." Malapad na ngayon ang ngiti niya, Bwiset talaga 'to natural na talaga sa katawan niya ang maglandi! Pweh!
Bakit ba ako naiinis?! Damn.
Bwisit naman kase eh ang landi! Kahit sino namang nasa posisyon ko maiinis. Tapos ano late pa siya samantalang ako kanina halos malagutan na ng hininga para umabot lang sa time.
"Oh kitams? Domingo! Nakikinig ka ba?! 23 lang siya at halos mag ka-edad lang kami, Ano ka ngayon!?" Buong-buo ang ngiti ni ate Bitsy habang tinitignan si Winter.
Nagpakilala pa ang ilang members ng team sa kanya, ako lang ata ang hindi tumayo dahil bakit pa ay magkakilala na naman kami.
Bigla siyang lumapit saakin at umubo ng pakunwanri. Asus. Akala naman niya ang gwapo na niya sa ginagawa niya. Ayoko siyang tignan naaalala ko lang yung ginawa niya sa condo ko, at hindi ko mapigilan ang pag-init ng pisngi ko. Damn Andrew and his charms.
"Excuse me miss... Fletcher?" Simula niya, talaga? Kunyari ay inisip pa talaga niya ang apelyido ko. Nilingon ko lang siya gamit ang mga nanlilisik na mata, napangiti siya ng bahagya at tumuloy sa pagsasalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/5881131-288-k103271.jpg)
BINABASA MO ANG
Until Forever Ends
Romance(Tag-lish Story) Amber and Andrew met during college they were fire and ice back then until it ended into something romantic, but an unfortunate event drifted their paths together without any sense of closure years later they would meet again no l...