Nagising ako sa malakas na busina ng kotse. Nilingon ko ang relo sa aking table. Aba’t? 3:30 AM pa lang! Ang usapan ay 4:40 ng umaga. An aga naman yata? Bumusina ulit ng malakas sabay tunog ng cellphone ko.
Antrew Torres: | Good morning! :) Andito na ako sa baba, still asleep? I’m an early bird baby. |
Okay what the fvcking fvck Andrew? Aga-agang nambubwiset eh. Sapilitan akong tumayo at isinuot ang night gown ko since naka lingerie slang ako.
“Morning.” Ngiting ngiti siya, nakita kong kumukislap ang mga mata niya at mukhang basa pa ang buhok niya. Iba talaga ang dating mo Andrew. Letse ka.
“Ba’t ba an gaga mo?” Kunyaring pagsusungit ko.
“Usapan 4:30 bakit tulog ka pa Baby?” Nakangiti pa rin siya pero ngayon ay isang mapang-asar na ngiti. Letse ayan na naman siya sa baby niya.
Umihip ang malakas na hangin at nilamig ako bigla.
“Bakit kasi ganyan ang suot mo? Provocative.” Umismid siya sabay umiling ng nakakaloko. Napatingin naman ako sa suot ko at bigla kong naalala na manipis nga pala ito. Pumula ang buong mukha ko.
“Bakit ba nangengealam ka? Bahay ko ito kaya kahit anong suotin ko ayos lang!” Humalukipkip ako at pumasok na sumunod naman siya habang tumatawa nang pagkasarap-sarap.
“Upo ka muna diyan sa sofa maliligo lang ako.” Umupo naman siya at sinimulang laruin ang cellphone niya.
“Kbabe.” Tanging sagot niya. Lintek na feeler ito, pasalamat siya at hindi ko siya sinisita.
Pumasok na ako sa banyo at mabilis lang akong naligo at hindi naman ako nilamig dahil may shower heater naman ako. Binuksan ko ang pintuan ng banyo at nakita ko siyang natutulog sa sofa. Early bird niya mukha niya.
Nilapitan ko siya at umupo rin ako saglit sa sofa. Tinitigan ko ang mukha niyang natutulog, naalala ko tuloy nung unang ebses ko siyang Makita. Umpisa pa lang napansin ko na ang kagwapuhan niya noon. Ang landi ko talaga. Haha. Letse lang.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin, naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa basa ko pang leeg. “Amber.” Mahina niyang sambit. Nalaglag ang puso ko at bigla itong nawalan ng ulirat. “H-hoy ayan ka na namang letse ka!”
“Amber…” Pag-uulit niya at hinigpitan pang lalo ang kanyang yakap sa aking baywang. Matamis niyang nilanghap ang buhok ko na nakalaglag sa gilid ng leeg ko. Naramdaman ko ang pagngiti niya. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa hangin at ulap ngayon.
Kumalas siya sa yakap at tinignan ako ng diretso sa mata ngumiti ulit siya “Sabi ko na nga ba pinagnanasaan mo pa rin ako.” Tumawa siya ng nakakaloko. Hinampas ko na! Panira talaga ng moment ang lokong ito. “Ang panget mo! Diyan ka na nga!”
![](https://img.wattpad.com/cover/5881131-288-k103271.jpg)
BINABASA MO ANG
Until Forever Ends
Romans(Tag-lish Story) Amber and Andrew met during college they were fire and ice back then until it ended into something romantic, but an unfortunate event drifted their paths together without any sense of closure years later they would meet again no l...