Chapter 5

461 7 1
                                        

        Lumipas na ang mga dapat lumipas mga exams at kung ano-ano pang events  pero nandito na ang all time favorite ko ang Sports Fest!


       Ito lang talaga ang hinihintay ko, tuwing sports fest kasi lumalabas talaga ang block spirit eh, kasi kailangan mo talagang mag cheer ng buo.


           Nandito kame ngayon sa may gymnasium, sobrang ingay ng crowd kumbaga labanan na talaga ito, eto na yung last day ng Sports Fest eh, nakakainis nga yung ibang mga sections ang yayabang! Karamihan sa mga estudyante ay may bitbit na clappers, balloons, at mga banners, yung iba pa nga ay may face paint sa mukha, career na career talaga nila.


          Junior vs. Senior na sa volleyball. Sobrang dikit ang laban halos di magkamayaw sa pagsigaw ang mga seniors na nakasuot ng pulang damit at kami namang mga juniors ay naka kulay blue. Marami ring nagpapaulan ng trashtalk at kung ano anong mga banat, lahat ay desididong manalo para sa pride ng year level at block nila.


           "Dali na i-goodluck mo na! Pag di mo ginawa ipagkakalat ko na crush mo siya!"Kanina pa ako kinukulit ni Rica na lapitan si Andrew, isa kasi siya sa mga player ng juniors. Dalawang buwan na rin nung huli kaming nag-usapmasyado yata naming napalala yung petty na asaran namin.

         

           "Oo na! Okay na?! Wag kang maingay. Oo na stop na! Gagawin ko na" Nilakihan ko ang mata ko at halos magmamakaawa na ako sakanya paano ba naman every time na may ipapagawa siya bino-block mail niya ako na crush ko daw si ano.


          Isa sa mga bagay na pinagsisisihan ko eh ang sinabi ko sakanila na may crush ako kay Andrew! Walang hiya ang mga ito! Panay ang blockmail sakin. Hindi naman talaga ako natatakot medyo ayoko lang na magbago ang tingin niya sakin pag nalama niya.


          Tungkol naman samin ni Andrew, hindi na kami madalas magkita, ewan ko ba. Simula ng mag palit ng sem hindi ko na siya halos makita sa campus. Siguro ay naging busy sa training dahil nalalapit na rin kasi ang athletic competition among other schools. 

   

           Inaamin ko na lumungkot ng bahagya ang stay ko rito nung hindi ko na siya ka-block, paano ba naman ay wala ng nangungulit sakin. Tapos tuwing may assembly kami sa gymnasium hindi ko mapigilang hanapin siya.


         I am not stupid not to acknowledge it pero I know may special place na siya sikan, paano ba naman siya ang una kong nakilala sa school na 'to?  Strange din to para sakin. Sabi nga ng isip ko baka may gusto na ako sa kanya pero ayoko namang maniwala, mahirap na magmahal no, wala ng permanente sa mundo. Andami na ngang pamilyang naghihiwalay dahil sa lecheng pagmamahal nay an eh.


          Naglalakad na ako sa may bandang locker room ng quadri para nga puntahan si Drew at i-good luck. Ayos lang naman talaga sa akin since matagal ko na rin siyang hindi nakikita pero di ko pa talaga alam kung anong dapat sabihin sakanya eh, saka hanggang ngayon di ko pa rin siya mahanap! Nanlalamig ang mga palad ko at medyo namamawis ang mga ito pero iginala ko pa rin ang mga mata ko sa lugar habang hinahanap siya.


          Medyo tinalasan ko pa ang mata ko at ayun Bingo! Naaninag ko na yung likuran niyang nakasandal ng bahagya sa mga lockers. Kaso bakit may kasamang babae? Hindi ko mapigilan ang pagkurot ng puso ko. 

Until Forever EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon