Chapter Thirteen - [13]

308 13 5
                                    

                 "Aren't you leaving yet?" Iritang pagpaparinig ko sa kanya. Dalawang araw na siyang naka-stay sa unit ko at hanggang ngayon ay hindi pa siya umaalis. Akala ko pa naman ay ka agad siyang aalirs, ang kapal talaga ng mukha niya.

           Lumabas siya mula sa banyo ng naka boxer shorts lang habang ipinupunas niya ang tuwalya sa kanyang basa pang buhok. "Akala ko bang pwede akong mag stay dito as much as I want?" Aniya habang naka ngisi.

           "Fine" Then I rolled my eyes kahit alam kong hindi naman niya nakikita. Paabog ko na lang ibinaba ang remote sa center table at ibinalik ang atensiyon ko sa pinapanuod ko.

           "Anong pinapanuod mo?" Bigla na lang siyang umupo sa sofang inuupuan ko at tumabi pa siya sa akin, ipinatong niya yung kamay niya sa may parang headrest nung sofa, nagmukha tuloy na nakaakbay siya saken. Kaagad na kumalabog ang puso ka nang bahagyang tumama ang hubad niyang katawan sa katawan ko. 

           "Ano bang pake mo sa pinapanuod ko? HAH!? Mind your own business" Kunyari ay inis ako para hindi niya mapansing kinakabahan ako. Matapos non ay dinampot niya ang remote sa may gilid ng center table.

           "Bakit naman Korean series yang pinapanuod mo? Sa pag-kakaalam ko hindi mo naman hilig ang mga yan." Puna niya sa pinapanuod ko.

           "Ano bang alam mo sa mga hilig ko?" Inis na tanong ko sa kaniya.

           "A lot, alam kong mahilig kang ngumuya ng candy, mahilig kang makinig kay Bruno Mars." Tumigil siya saglit at pinakita niya saken na para bang nandidiri siya dun sa pangalan ni Bruno Mars. He continued. "Mahilig kang ngumiti o tumawa pero mahilig ka ring tumakas, umalis ng hindi nagpapaalam."

          Suddenly naging soft ang boses niya, there he is again on being bipolar.

          Umusmid ako ng bahagya "Manuod ka na nga lang, baliw." sinubukan ko ng putulin ang usapan namin dahil baka kung saan pa ito mapunta.

           "Sige, sabi mo eh." Lumapit na naman siya sa akin, that I could feel his arms on mine. I didn't give an effort to growl at him, instead umusog na lang ako sa edge ng sofa and tried to enjoy what I'm actually watching.

          Di naman kasi Korean series ang pinapanuod ko, parang variety show siya sa korea na kunyari ay ikakasal yung mga character. We Got Married ang tawag sa show at favorite couple ko ang 'Goguma Couple' sobrang nakakakilig kasi sila kahit na ang simple lang nila. Ewan ko ba konting galaw lang nila namamatay na ako sa kilig. Ibinabalik ako ng couple na 'to sa paniniwala sa pag-ibig.

           "You're smiling, ano nanaman ang iniisip mo?"

           "I was just thinking 'bout my love." I answered honestly. 

           "Psssh." Rinig na rinig ko ang pagka-asar niya sa naging sagot ko.

           "Aww! Bakit ba umusog ka nanaman?!" Umusog na naman siya at muntik na akong mahulog sa sofa, what a bastard. Nakatukod na nga lang ang kamay ko sa para masuportahan ko ang bigat ko eh.

           "Sa gusto kitang katabi eh." Then he winked at me. "I want you close to me, yung sobrang lapit at hindi ka na mawawala." Aniya, naiinis akosa kanya, bakit ganito siya kung umasta? Bakit sa mga galaw niya parang hindi naging masama ang katapusan namin? Meron nga ba talagang kami noon? Hindi ko sigurado.

           "Umusog ka nga 'don! Ang kapal ng mukha mo, ikaw na nga 'tong nakikitira sa unit ko ikaw pa yang feeling hari!" I pushed him so hard yet hindi ko siya nagawang maitulak, nakalimutan ko yata na mas firm na ang katawan niya ngayon.

Until Forever EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon