Matapos ang sports fest sumunod naman ang christmas vacation, I will miss school, I can't believe I'm saying this, I use to hate school before pero ngayon ma-mimiss ko talaga siya kasi andito ang mga kaibigan ko. Last week na 'to ng pasukan bago ang break kaya halos busy ang lahat sa pagpasa ng mga dapat ipasa pati na rin sa pagsulit ng panahon.
♫ Run run runaway, runaway baby
Before I put my spell on you
You better get get getaway get away darling
'Cause everything you heard is true ♫
Naglalakad ako sa hallway ngayon while listening to Bruno Mars voice. Oh I love his songs. Matagal ko na kase tong' crush, may mga posters pa nga ako before sa kwarto ko kaso natanggal na sila ngayon. Nagulat na lang ako na biglang lumapit saken sina Rica, Leo, at Kyle. Parang mga nahaggard na ewan, siguro hindi pa nakapag-pass ng mga requirements.
"Marge! Sama ka naman samen punta tayong mall, diyan lang naman sa may next avenue."
"Ha? Ayoko nga di ako marunong mag-commute maligaw pa ko diyan." Eh di naman talaga ako marunong magcommute eh, dakilang tambay kase ako sa bahay walang ginawa kung hindi tumunganga don. Saka natatakot akong maligaw, much worse yung tipong hindi na ako makakauwe. Childish I know but, ganun talaga ako eh.
"Sige nanaman Marge ang arte kase nitong Rica'ng to gusto may kasama pang ibang babae." Tapos naman ngayon si Leo naman yung nangungulit, habang si Kyle parang kulang na lang magmakaawa na sa harap ko. Bakit naman kase ako pang sinasama nila? Ang dami naman naming ibang mga kablockmates!
"Kainis naman kayo! Sige na nga, basta wag na wag niyo kong iiwan dun." Di ko talaga matiis ang mga to' kahit mga sira ulo at mga blockmailer pa sila, at kahit naman tumanggi ako for sure hanggang mamaya nila akong kukulitin dito. So why waste time diba?
Medyo kinakabahan ako ngayon dahil first time kong lumabas na kasama ang mga kaibigan ko. Oo na, ako nang walang highschool life. Hindi naman kase nila ako gustong sumama so bakit ko pa ipagpipilitan ang sarili ko?
Nararamdaman ko na medyo kinakabahan pa rin ako, Kahit naman sumama ako sa kanila di pa rin talaga ako marunong mag-commute eh, Kaya lang naman ako nagpaiwan sa mall dati kay Mama kase may driver naman akong kasama na naghihintay sa parking lot. Bahala na nga! Di naman siguro ako maliligaw, kasama ko naman sila eh.
"Hoy akala ko bang next avenue lang? Eh kanina pa tayo sa fx ha? tapos wala amang traffic, ang daya niyo talaga!" Pagmamaktol ko sa kanila pero hindi man lang nila ako pinansin.
Naghintay pa ako ng 15 minutes bago kami makarating sa mall. Grabe naman bakit sobrang laki? Ang gara nang pagkakaporma may ka-connect pa siyang ibang mall or something parang yung mall lang na nakita ko sa Dubai!
Actually kameng dalawa lang ni Rica ang magkasama ngayon dahil yung dalawang walang hiyang mga lalake ay may bibilhin daw saglit at ayaw nila kameng pasamahin. As in pagkapasok pa lang namen sa mall humiwalay na sila agad. Sila na nga tong' nagyaya tapos sila pa yung may ganang iwan kame. Pang-asar talaga sila!
BINABASA MO ANG
Until Forever Ends
Romance(Tag-lish Story) Amber and Andrew met during college they were fire and ice back then until it ended into something romantic, but an unfortunate event drifted their paths together without any sense of closure years later they would meet again no l...