Bigla akong sinugod sa ospital last week, bigla kasi akongnahirapang huminga, akala ko ba cured na ako? Pero bakit bumabalik na naman.
Absent na nga ako for a week ni hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos sa mga kaibigan ko pati kay Andrew, di ko na nga rin na-chacharge yung phone ko eh so wala na akong means of communication, sabi naman ni mama wala lang daw to' inumin ko lang daw ulit yung mga gamot ko. Ever since naman na tinatanong ko kung bakit nahihirapan akong huminga sasabihin lang niya okay lang daw nothing serious.
I gathered all my strength para makapasok na today, wala rin akong choice since last day na ito bago ang Christmas break kailangan kong ihabol ang mga requirements ko. Nandito ako malapit sa may quadrangle ng school namen, Kung papansinin mo halos busy ang lahat sa pagkukwentuhan. Ganun ba nila mamimiss ang isa't-isa? Okay... Ganun naman talaga ang nature ng tao. Bigla ko tuloy naalala si Andrew, kamusta na kaya siya? I feel bad na hindi ako nagparamdam sa kanya.
Puntahan ko ba siya? Kawawa naman kasi siya, di ko man lang na-inform kung anong nangyari saken, but maybe he won't really care at all right? Kase isa lang naman ako sa mga babae niya? Damn bakit ganito ba ako mag-isip. Hindi ko rin alam. Bahala na nga, gagala na lang muna ako sa campus kase mamayang 3:25 pa naman yung next class ko, siguro kung magiikot-ikot ako ay may chance na magkita kami.
Napadpad ako sa may mga bleachers sa may quadri tapos nakita ko si Andrew nakaupo sa may mga bleachers, kitang kita ko ang paghalakhak niya mula sa malayo.
Wow? Bago to sa paningin ko, si Andrew ang lakas tumawa. Saka pansin ko din halos ang daming nanunuod sa kanya. Ano to show? Showtime? Pero wala namang bago lahat naman halos siya ang pinapansin. Dahil nga nacurious ako kung bakit siya pinapanuod ng mga ka schoolmate ko, tinignan ko siya ulit.
Saka ko lang napansin na may kasama pala siyang babae, ano pa nga ba? Parang yung kayakap niya before. Kung titignan nga ngayon ay parang ang saya ng mukha niya kahit kasama niya lang yung babae.Pero diba ako ang girlfriend niya? Bakit? Hindi ko napigilan ang kusang pag galaw ng mga paa ko papalapit sa kanya.
"Drew" Tinawag ko siya, gusto ko lang kasi siyang kamustahin dahil na-miss ko siya, isa lang kasi nakakaalam na nasa ospital ako si Mama lang dahil ayaw niya ipagsabi sa iba.
Tinaas lang niya yung kilay niya as a response. Like, what was that? Bipolar nanaman ba siya!? Oh sadyang hindi niya lang ako kayang pansinin kasi may kasama siyang iba.
"Hi!" Masayang bati ko sa kasama niya. Pinilit kong mag mukhang masayahin dahil sa totoo lang ayokong magmukhang kawawa, kung noong kita ko sa kanya ay nakalugay ang kulot niyang buhok ngayon ay naka messy bun siya and she's so pretty. Na-insecure tuloy ako sa itsura niya.
"Ahh...Hello din" Super awkward na bati niya, tinignan lang niya ako saglit at ibinaling na niyang muli ang tingin niya kay Andrew, pakiramdam ko ay useless na ako dito. "Ah sige una na ko may pasok pa ko." Nagmamadali na akong umalis, nakakahiya nanaman ako dun mukha akong tangang stalker ni Andrew.
Umalis ako dun kahit na may mga ilang minutes pa bago P.E. class ko so as usual nag stay lang ako dun sa may school yard. Buti nalang talaga may hide-out ako sa campus na to'. Sabi niya ako ang girlfriend niya pero bakit ganun?
Tanggap ko naman na hindi lang ako, at alam ko naman na hindi naman seryoso kaya alam kong wala akong karapatang masaktan kasi ano ba! Laro lang ito for goodness sake laro lang ito, oo tangina isa lang itong malaking joke, pampalipas oras na lang pala ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Until Forever Ends
Romance(Tag-lish Story) Amber and Andrew met during college they were fire and ice back then until it ended into something romantic, but an unfortunate event drifted their paths together without any sense of closure years later they would meet again no l...