Chapter 5: Encounter

67 4 3
                                    

Bakit kaya kapag umuulan nakakadama tayo ng lungkot? Nalulungkot ako kapag umuulan lalo na nung bata pa ako. Bumuntong hininga ako sa mga alaalang may kaugnayan sa ulan.

Sa bawat patak ng ulan naalala ko ang bawat luhang pumatak sa mga mata ni Mama ng iwan kami ng Papa.

Bata pa ako ng mga panahon na yun pero hindi ko makalimutan ang sakit ng pang-iiwan samin ni Papa.

Hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang dahilan niya kung bakit niya kami iniwan. Hindi ko naman matanong si Mama dahil alam kong sensitive ang topic na yun sa kanya.

Hindi ko na rin siya hinanap dahil masaya na ako na kaming dalawa lang. We are better without him.

Nabaling ang atensyon ko kay Mama ng tawagin niya ko. "Idadaan kita sa supermarket. Ikaw na muna ang mag-grocery nakalimutan kong mamili may duty pa ko."

"Ma naman. Umuulan oh."

"Kesa naman sa wala tayong makain diba?"Wala naman akong nagawa kundi magbihis at sumunod sa utos.

Nakakatamad talaga pag umuulan. Gusto ko lang humilata maghapon.

Tinignan ko ang listahan ng mga dapat kong bilhin at kumuha ng push cart. Una akong pumunta sa meat section para kumuha ng mga kailangan ko.

Ilang mga bagay pa kinailangan kong hanapin bago ko mabayaran lahat ng pinamili ko.

Hindi naman gaanong mabigat ang pnamili ko kaya naisipan ko munang maglibot. Sabado ngayon kaya maraming tao sa mall.

Karamihan kung hindi mag-boyfriend ang nakakasalubong ko... isang masayang pamilya naman.

Hindi ko maiwasang manghinayang sa mga panahon na sana kasama din namin si Papa. Mamamasyal. Kukunsintihin lahat ng kalokohan ko. Napangiti ako ng mapait sa mga naisip ko.

Kakasabi ko palang na we're better without him pero hindi ko rin pala maiwasang maghanap ng ama. Kung babalik naman siya siguradong hindi na siya matatanggap ni Mama. Lalong-lalo na sina Lola. Kapag dadalaw palang kami sa ancestral house hindi maaaring hindi ma-bring up ang Papa ko sa usapan.

Lahat na yata ng masasamang traits naibigay na sa kanya ni Lola.

Lumipad na naman ang utak ko kaya hindi ko napansin ang lalaking nasa unahan ko.

"Sorry po!" hingi ko kaagad ng paumanhin. "Sorry!"

Tumingala ako para matignan ang lalaking nakabangga ko. Una kong nakita ang hikaw niya sa kanang tainga.

"Watch your step, Miss." napatulala ako sa lalim ng boses niya.

"Dude, tara na!" sigaw ng mga kasama niya.

I was speechless at sa gitna pa ng mall. Iba pala talaga pag sa malapitan. Mas lalong nakakatakot si Franco Navarro. Kahit pa na mabango siya hindi parin nawawala ang maitim na aura.

He's so serious.

Maybe This Time (Maybe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon