"Be, okay ka lang ba? Kinarir mo yata ang paggawa ng requirements," puna ni Sophia sa itsura ko.Nangingitim ang ilalim ng mga mata ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi matapos ng nakita ko.
Ngumiti ako, "Okay lang ako."
Nagkibitbalikat siya at bumaling kay Andrew para tanungin about sa thesis na ginawa niya.
Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano. Totoo kaya ang sinabi ni Eli? Ilang araw na kasi itong bumabagagabag sa akin at kung anu-ano pa ang nakikita ko. I think I'm about to lose my sanity.
Alam kong si Jack at Franco ang nakita ko kagabi sa labas ng bahay namin. Kahit na madilim ay alam kong silang dalawa ang nakita kong nakatayo sa harapan ng sasakyan.
Oh my gosh! Lalo yatang sumakit ang ulo ko.
Naging payapa lang ang pag-iisip ko ng dumating ang instructor. Pinilit ko paring makinig sa lecture kahit na bangag ako.
"What's with the face?" nakangiwing bungad sa akin ni Eliana. Nagka-ayos na kami, kailangan lang namin ng matinding batukan para magising.
"Hindi ako nakatulog kagabi. Nakita ko kasi sina Franco na nakamasid sa labas ng bahay," sumbong ko.
Umasim ang mukha niya hindi ko alam kung mula sa pagkarinig sa pangalan ni Franco o ni Jack.
"Sinasabi ko na nga ba! Ano na ang gagawin natin ngayon?" kinagat niya ang labi niya.
Maski ako hindi ko alam ang gagawin ko. Walang pumapasok sa utak ko. Lutang na lutang talaga ako ngayon. Sumabay pa ang sakit ng ulo ko. Ang bigat sa pakiramdam.
"Mia!" sigaw ni Eli na nagpagulat sa akin. "Kinakausap kita pero hindi ka naman sumasagot."
"Manmanan kaya natin sila? Ano sa tingin mo?" suhestiyon ko.
"I think that's the least we can do," sagot niya.
"So what's the plan?" sabat ng isang boses na hinding-hindi namin parehong inaasahan.
Oh my gosh. It's him.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Maybe #1)
RomanceWhy do we always complicate life? We always fall into bad one instead of choosing the right one.