Where are you?Kakatapos lang ng klase ko ng makatanggap ako ng text mula kay Franco. Ilang linggo ko na siyang iniiwasan at ilang kinggo na rin niya akong ginugulo kahit na hindi ko naman siya nirereplyan. Iniisip ko pa kasing mabuti ang mga sinabi ni Eli. Nagdadalawang isip na rin ako dahil nga sa mga inaakto ni Franco. Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Ano naman ang mapapala niya sa akin? Wala naman akong alam tungkol kay kuya Troy dapat si Eli ang dinidikitan nila kung ganoon naman pala! Siguro nga dahil na rin nabisto sila ni Eli kaya hindi natuloy ang pinaplano nila.
Ang daming pumapasok sa isip ko. Mga tanong na kailangan ng kasagutan at iba pa. Naguguluhan ako sa totoo lang. Kung dati tatay ko lang ang pinopoblema ko ngayon ay nadagdagan pa sa gulong hindi naman ako dapat sangkot.
"Iniiwasan mo ba ako?"
Nagulat ako ng bigla na lang sumulpot mula kung saan. Nakapamulsa ito ngayon at nakaharang sa dadaanan ko. Abala ako sa pagbabasa sa text niya hindi ko napansin ang paglapit niya. Naiwasan ko sana siya!
Ngumiti ako. "Hindi. Bakit naman kita iiwasan?"
Nagsalubong ang kilay niya. "I don't know either. Why don't you tell me?"
"Abala lang ako. Alam mo na.... Malapit na ang finals," palusot ko. Paano ako makakalusot ngayon? "Uhm... Una na ako? Marami pa kasi akong gagawin."
"You're avoiding me." sabi niya na parang siguradong-sigurado siya.
"Of course not!" I said guiltily. Oh my gosh. Hindi niya yata ako tatantanan.
"Kung ganoon ihahatid na kita." He said with finality.
Mabilis naman ang pag-iling na ginawa ko.
"Naku hindi na! Baka makita ka pa nila mama. Kaya ko naman tsaka may kasabay naman akong umuwi. Hindi mo na ako kailangang ihatid," sabi ko.
Damn! Baka makita pa ako ng kung sinong alipores ng Lola baka ipatapon niya ako sa ibang bansa. Hindi talaga ako bibiruin ng matanda.
"Dahil pa ito sa nalaman mo noong isang araw?" tanong niya, hindi parin naaalis ang pagkasubong ng kilay niya.
Alam niyang alam ko? Teka....
"Ang alin?" kinakabahang tanong ko.
"Yung sinabi ko sayo..... " he said hesitantly.
Natampal ko ang noo ko ng mapagtanto kong iba ang tinutukoy niya. Akala ko aaaminin niya. Napapikit ako ng mariin. Sinabi ko pa naman sa kanyang hindi ko siya huhusgahan. Iniisip niya siguro na hinuhusgahan ko na siya. Hindi ko na nga naisip ang sinabi niya.
"Hindi naman yun ang dahilan. Marami lang talaga akong ginagawa. Mauna na ako ha?" Kumaripas na ako ng takbo palayo sa kanya bago pa siya makaangal.
Alam kong mali ang ginawa ko pero wala na talaga akong maisip pang iba. Bahala na siya kung anong gusto niyang isipin.
Nakarating ako kung saan naghihintay si Eli. Binuksan na niya ang pinto ng kotse at pinauna akong sumakay.
"Akala ko hindi ka na naman sasabay." Tinaasan niya ako ng kilay.
"Bakit hindi nanan ako sasabay?"
"Marami ka namang ibang pwedeng kaibiganin, Mia. Yung matitino, hindi ka dapat sumasama sa mga taong alam mong kaya kang ipahamak. Ikaw lang ang iniisip ko kaya wag kang magagalit sakin. You're more than a sister to me. Kaya babantayan kita simula ngayon."
"You don't need to do that," sagot ko. Para na din silang si Lola kung makapagsalita.
"I have to. Alam ko naman hindi katigasan ang ulo mo pero kailangan talaga kitang bantayan."
"Pero bakit? Bakit kailangan mo akong bantayan? Hindi na ako bata Eliana!"
"I know! Pasensya na pero kailangan talaga kitang bantayan."
"Bakit? Dahil madali akong mauto? Dahil ba doon? Ganoon ba katanga ang tingin mo sa akin?"
"Enough, Mia! Enough." Pinanlisikan niya ako kaya tumigil na ako. Ayokong makita siyang galit.
"I'm sorry..."
It's almost eleven in the evening ng matapos ko ang tina-type kong baby thesis. Hindi ko na napansin ang oras kailangan ko ng matapos dahil nalalapit na ang deadline. Nakapatay na ang ilaw sa kwarto ko maging sa buong kabahayan tanging ilaw na lang sa study table ang nakasindi.
Tumayo ako at nag-inat. Ilang oras din akong naka-upo sa harap ng laptop. Pinatay ko na ang natitirang ilaw para makatulog na rin ako, maaga pa pala ang pasok ko bukas.
Nang dumilim ang paligid may naaninag akong munting ilaw mula sa bintana. Inayos ko ang blinds para makita ng mabuti. Galing ito sa bukas na headlights ng sasakyan. Nagulat ako at hindi makapaniwala. Nagsimulang gumapang kaba sa dibdib ko. Anong ginagawa nila ganitong disoras na ng gabi.
Kahit na hindi ko makita ang mukha ng dalawang taong nakatayo sa harap ng sasakyan. Pamilyar na pamilyar parin sila.
Anong ginagawa nilang dalawa dito?
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Maybe #1)
RomantizmWhy do we always complicate life? We always fall into bad one instead of choosing the right one.