Nakakahiya. Pagkatapos ng nangyari sakin kanina sa loob dali-dali akong lumabas para umuwi.
Paulit-ulit kong nakikita ang sarii ko na mukhang tanga sa gitna ng mall. Nakakahiya talaga. Ano na lang ang iisipin ng mga yun?
Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina hanggang sa makarating ako sa bahay. Inilapag ko ang mga pinamili ko at binuksan ang ref para maghanap ng magpapakalma sa akin.
Nakakainis! Wala nga palang laman ang ref kaya walang ibang laman kundi tubig. Pagkatapos kong uminom inayos ko na din ang mga pinamili ko.
Siguro sa susunod na makita ko sila iiwas na lang ako. Shocks! Hindi ko naman ginustong makita sila o makasalubong man lang. Sabi nga nila hindi porke nakikita mo sila araw-araw e meant to be na. Hindi mo lang kasi sila napapansin noon dahil hindi mo sila kilala truth is feeling mo lang meant to be pero hindi talaga. Ngayon mo lang napansin.
Kapag nalaman 'to ni Eli siguradong babatukan niya ako. Anong magagawa ko kung talaga namang gwapo si Franco. Di naman maipagkakaila yun. Heto nga ako di pa nahihimasmasan sa mga kaganapan kanina.
Simula sa Lunes sa unahan palagi ang tingin kailangan walang lingon-lingon para hindi kung sinu-sino ang nakikita ko. I need to focus. Pag-aaral ang purpose hindi mag-boy hunting. This is bad. Really really bad.
Inabala ko ang sarili ko sa paggawa ng assignments. Halos isang oras na yata akong nakatitig sa libro ko. Pilit na iniintindi ang mga nakasulat.
Bakit ko ba 'to pinasok? Ah! Of course, to please Lola. I want to please her kaya ito ang pinasok ko. Ayaw niya ng losers sa family. Malaki ang pagpapahala niya sa image ng pamilya. Gagawin niya ang lahat to protect it.
Pinilit ko paring sagutin kahit na dumugo ang utak ko. Pinilipit ko na para na rin may masagot ako.
Narinig ko ang pagbusina ni Mama sa labas. Lumabas ako para pagbuksan siya ng gate. Maliit lang ang bahay namin sakto lang para saming dalawa.
Ng maipasok na ni Mama ang sasakyan sinarado ko na rin ang gate. Pagbaba niya ng sasakyan ay nilapitan niya kaagad ako at kinantalan ng halik sa noo.
"Kumain na 'ko sa labas. Kumain ka na ba?" dumiretso siya sa kusina para siguro tignan yung mga inutos niya.
"Kumain na, ma." sagot ko.
Hindi ko na din kinulit si Mama dahil bakas naman sa mukha niya ang pagod. Marami siguro silang mga pasyente ngayon because of dengue outbreak.
"Magpapahinga na ako. Siguraduhin mong naka-lock ang pinto't bintana." habilin niya.
Tanging tango lang ang naisagot ko. Minsan ako lang naiiwan sa bahay dahil paiba-iba ang oras ng duty niya. Nasanay na rin ako kahit na mag-isa akong naiiwan sa bahay tuwing gabi.
Itinuloy ko na ang kalbaryo ko sa pagsagot ng problems para naman hindi nako kumopya sa mga kaklase.
Pasarado na sana ang elevator ng bigla na naman itong bumukas. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Deja vu. Pamilyar yata ang eksenang 'to. Wag naman sanang siya to. Parang wala naman akong sinabi nung isang araw.
"Para kang tanga."
Napadilat ako ng mabosesan ko ang nagsalita. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kung sino ang kasama ko ngayon sa elevator.
"Langya, Jethro! Kinabahan ako sayo." Humalukipkip lang siya sa gilid ko habang tinitignan ang floors na nadadaanan namin.
"Bakit ka naman kakabahan? May pinagtataguan ka?" tanong niya.
"Wala naman. Nagkape kasi ako kaninang umaga nasobrahan yata." Palusot ko.
Ngayon ko lang naka-usap ang isang 'to. Kampon 'to ni Franco na wala namang duda dahil di naman magkakalayo ang mga ugali nila. Sabi nga sa kasabihan 'Birds with the same feather flocks together'. Sasama ka ba naman sa mga di mo kauri.
Inismiran lang niya ako at nauna ng lumabas. Halos magkasunod lang kaming pumasok sa room. Nakita ko pa sila ni Byant na nag-handshake ng makapasok ako.
Halos kaka-upo ko pa lang ng lapitan ako ni Sophia. Kaagad kong ginantihan ang ngiting ibinigay niya sakin.
"Mia, may assignment ka na ba sa funac? Pwedeng pakopya?" bungad niya.
Inabot ko sa kanya ang isang piraso ng yellow paper para makakopya siya ng assignment.
Nasa tapat ako ngayon ng room ni Eli. Nandito ako para hintayin siya. Sabay na asi kaming umuwi dahil iisang village naman kami.
Marami ng tao sa hallway dahil halos oras na rin ng labasan at yung iba naman ay papasok pa lang.
Nakalimutan kong same department pala sika ng grupo ni Franco kaya di maiiwasan na makita ko sila dito.
Nakita ko si Eliana na nagmamadaling lumabas at ng makita ako ay bigla na lang akong hinila. "Teka, teka! Ayokong gumamit ng stairs! May elevator naman!"
Liningon niya ako saglit bago sumagot. "Nagmamadali ako. Aabutin tayo ng siyam-siyam kapag sumakay pa tayo sa elevator."
This past few days ay may napapansin na talaga akong kakaiba sa kanya. Akala mo naman may pinagkakautangan siyang tao na palaging pinagtataguan.
Hindi ko na lang siya natatanong, malalaman ko rin naman paniguradong sasabihin din niya sakin.
Napahinto kaming dalawa ng harangan kami ng limang lalaki. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng dumadaan. Una dahil nakaharang kami sa daan at pangalawa mukhang pinaprank kami.
"Where to go, Eliana?"
Nagtatakang napatingin ako sa pinsan ko na mariing napapikit. "Shit!"
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Maybe #1)
RomanceWhy do we always complicate life? We always fall into bad one instead of choosing the right one.