Chapter 19: Ally

32 1 0
                                    

Franco

Everything is in chaos. Lahat kami ay aligaga sa mga pangyayari nitong nga nakaraang buwan. Pabagsak kong ibinalibag ang pinto ng sasakyan ng makababa ako. Pagkarating ko sa floor namin naabutan ko sa loob ng lumang condo ko, na nagsilbi na rin naming headquarters, ang halos labinlimang katao. Pagkakita sakin ni Jack ay kaagad niya akong sinalubong.

Napahilamos na lang ako sa mukha. Tangna. Hindi ko na alam kung paano ko sila iha-handle.

"ANO NA NAMANG KAGAGUHAN ANG NANGYARI?! HINDI BA SINAMI KONG MAGPALAMIG MUNA KAYO?!"

Dumagundong ang boses ko sa apat na sulok ng kwarto. Lahat sila nanahimik na parang maamong tupa.

Hindi ko napigilan ang sarili kong sipain ang malapit na mesang gawa sa salamin. Gumawa ng ingay ang pagkabasag nito.

Linapitan ako ni Jack para kalmahin.

"How can I fvcking calm down, huh?! Alam niyo ba kung anong gulo ang dinulot nito?!" Halos patiran na ako ng litid sa pagsigaw na ginawa ko.

I am enraged!

"Tol! Sila yung sumugod. Ano? Tatakbo na lang kami na parang asong nabahag ang buntot?! We won't let that happen! Those assholes need to be beaten up. Ang yayabang akala mo kung sinong makapangyarihan!" lakas loob na sagot ni Jack.

"Kahit na! Inaayos na natin yung gusot sa pagitan natin ng mg Peregrino! Tapos malalaman ko na halos mapatay niyo na yung mga bata nila!"

I don't know what to do. Lalong lumaki ang gusot. Ayaw nang makipagkasundo ng kabilang frat dahil sa nangyari.

"Franco, hindi ko hahayaan na panoorin lang ang mga kasama ko na bugbugin ng mga iyo!" Tumuro pa ito kung saan, emphasizing the Peregrinos. "Lalaban at gaganti kami. Mata sa mata, ngipin sa ngipin!"

Hindi nila ako naiintindihan! Iniwan ko silang lahat at pumunta sa kitchen para kumuha ng maiinom.

Wala na akong magagawa pa. Wala ng makakaayos sa sampung taong alitan sa pagitan namin. Walang gustong sumuko. Naramdaman kong humilig na counter si Jack.

"Nagpadala ng reresbak sa atin ang Peregrino." Tiim bagang na basag ko sa katahimikan.

"Galing ba sa Maynila?"

Tumango na lang ako bilang sagot. I don't know what to do. He's merciless and ruthless. Masahol pa sa demonyo. Walang sinuman ang gustong humarang sa lalakaran niya. Sa muling pagkakataon magkakaharap muli kami sa haba ng panahon.

Maybe This Time (Maybe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon