Naiwan akong tulala sa labas ng bahay. Doon ko lamang napansin ang sasakyan ng Lola. Napapikit ako ng mariin. Paano na lang kung siya ang nakakita sa akin? Hindi niya magugustuhan na hinatid ako ng isang lalaki. Ilang segundo din akong nakatayo sa harap ng bahay bago ko nakuha ang lakas ng loob na pumasok.Ayoko ng ganitong lahat nalang minamanduhan ang mga desisyon ko sa buhay. Wala man lang ba akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko? Ganoon ba ako kawalang kwenta sa paningin nila? For Pete's sake! I am no longer a child. Kahit pa siguro nasa legal na edad na ako makikialam parin si Lola sa buhay ko. Parang palaging may nakahawak sa leeg ko. Wala kaming magawa sa katotohanang batas ang Lola.
Pagpasok ko palang sa loob ng bahay ramdam ko na ang presensya ng matanda. Ganito ang dala ni Lola kahit saan man siya magpunta. Lagi niyang dala ang maitim niyang budhi.
Nadatnan kong naghahanda ng pagkain si Mama sa kusina habang nakaupo naman sa sala si Lola at Eli. Nakita ko pa ang usok na nagmumula sa tsaa sa lamesa.
Pasimple akong inirapan ni Eli. Pinabayaan ko na lang siya. Lumapit ako sa kanila. Inabot ko ang kamay ni Lola para magmano pero hindi niya ibinigay. Simpleng tango lang ang ibinigay niya at inabot ang tasa ng tsaa para uminom.
Mariin na itinikom ko ang bibig ko. Napahiya ako sa simpleng hindi niya pag-abot ng kamay niya.
Paalis na ako ng magsalita siya.
"Umupo ka muna, Mia. Gusto kitang maka-upa."
Umupo ako sa kaliwang niya kung saan kaharap ko si Eli na mataman na nakamasid sa amin. Nagsumbong ba siya? Sinabi ba niya kay Lola na kasama ko si Franco? Nagsimula ng kumabong ng malakas ang dibdib ko sa kaba.
"Tungkol po saan, La?" I asked calmly trying to conceal my rapid heartbeats.
"Anong oras ba natatapos ang klase mo? Araw-araw ka bang ginagabi ng uwi?" Tinitigan niya ako.
"M-may sinamahan lang po ako." I stuttered.
"Sino namang sinamahan mo? Baka kung sinu-sino yang mga sinasamahan mo. Hindi ba sabay kayong umuuwi ni Eliana?"
Napatingin naman ako kay Eli na wala namang imik. Sa pagkakataong ito hindi niya ako pagtatakpan dahil maski siya nagawan kong pagtaguan.
"Kaklase ko lang po." sagot ko. Iniwsas ko na ang tingin ko sa kanya. Hindi ko siya matignan ng diretso sa mata. Pakiramdam ko mababasa niyang nagsisinungaling lang ako.
"Siguraduhin mo lang na kaklase mo yang sinasamahan mo. Hindi mo pa ako nakikitang magalit, Mia. Hindi mo naman siguro gustong makita kung paano ako magalit."
Piping napatango na lang ako kay Lola. Wala naman akong ibang masagot dahil alam kong nagsisinungaling ako. I don't have that much courage to talk back.
Nang hindi ko na makayanan ay nagpaalam akong magapalit ng damit.
Bumaba na ako matapos kong magpalit ng damit. Nadatnan ko na silang nakaupo na sa hapag kainan. Ako na lang talaga ang hinihintay nila para makakain na kami. Katulad ng nakasanayan sa ulo ng mesa nakaupo si Lola. Posturang-postura parin ito hanggang sa pagkain. Kung kumain parang nasa five star hotel. Katabi ko si Eli na walang pakialaman sa presensya ng Lola. Ako naman ay katapat si Mommy. Ngayon na lang kami nagsabay sa pagkain. Halos hindi na rin kami nagkikita sa bahay. Bumabalik ulit ang pakiramdaman na mag-isa ako sa bahay. Parang ako lang ang nag-iisang nakatira dito sa bahay.
Ang dinner na dapat ay comforting naging tahimik. Ito na yata ang pinakamahabang dinner sa buong buhay ko. Minsan napapa-isip ako kung anong klaseng pamilya kami. Normal bang makaramdam ng pagkailang tuwing may salu-salu ang isang pamilya? Kami lang naman yata ang ganito. Hindi ko lubos makayanan ang ganitong klaseng sitwasyon.
Sa laki ng pamilya namin hindi ko pa nakitang nakumpleto ito ni minsan. Madalas seryoso ang atmosphere kapag kumakain.
Anong kaibahan ng pamilya namin sa iba? Anong pagkakaiba? Bakit ba mabigat ang pakiramdam?
"Umayos ka, Mia. Nakamasid lang ang mga mata ko sa tabi-tabi. Kung ayaw mong ipadala kita sa America wag kang sumasama sa kung sinu-sino. Lalo na sa mga walang kwentang lalaki na wala namang maidudulot sa iyong maganda. Lalong-lalo na sa mga Cojuangco. Don't you dare! I'm warning you. Hindi kita bibiruin." Naglapat ng husto ang mga labi niya.
Wala akong naging imik. Nagsimulang mamuo ang malaming na pawis sa noo ko.
"Pinag-aaral kayo ng mga magulang niyo para may pakinabang kayo sa lipunan hindi para sumama sa kung sino lang." dugtong niya.
What? I can't really believe her.
Humigpit ang hawak ko sa kubyertos. Gustong-gusto kong sumagot sa kanya pero naisip ko parin na kadugo ko siya. Ginagalang ko parin siya kahit na ang harsh niya sa amin. Matalas lang talaga ang dila niya. Nanahimik na lang kaming lahat at tinanggap lahat ng sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Maybe #1)
RomanceWhy do we always complicate life? We always fall into bad one instead of choosing the right one.