Chapter 28: Words

26 1 0
                                    


Hindi na lumuluha si Mama pero nanatili siyang nakatulala. Nakatingin sa kawalan. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang higaan. Muling nangintab ang mga mata niya. Tinignan niya ako.

"I'm sorry, Mia. Bigyan mo ako ng oras wala pa akong sapat na lakas na loob para ipagtanggol ka," sabi niya at humagulgol na naman.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Naiintindihan ko naman po. Sasama naman ako sa lahat ng desisiyong gagawin niyo. Dadalawa na lang tayo diba?"

"Balang araw magkikita rin kayo ng Papa mo. Gagawa tayo ng paraan."

Tumango lamang ako. Itinatago nila ako sa tatay ko. Ganoon na lamang siguro ang galit ni Lola sa tatay ko. Kahit na maglupasay pa kaming dalawa ni Mama wala nga naman kaming magagawa. It's not worth trying sa totoo lang lalo na kung nakasara ang isip ng isang tao. Wala kang magagawa sa isang taong kasintigas yata ng bakal ang damdamin.

I wonder kung bakit may ganoong mga tao. Sarili lang ang iniisip at ang mga bagay na sa tingin nila ay makapagpapasaya sa kanila kahit na may natatapakan silang tao. Laman sa laman. Minsan napapaisip din ako sa kasabihang 'Blood is thicker than water ', kung ganoon bakit sariling kadugo mo pa ang nananakit sayo hindi man physically pero emotionally. Kasakiman.

Nagkalat na ang mga gamit ko sa kwarto dahil sa kakahanap ng phone ko. Nagsisimula na akong pagpawisan ng malamig. Halos baligtarin ko na ang buong mwarto ko pero wala hindi ko parin mahanap. Pabalik-balik ako sa paglalakad para isipin kung kailan ko ito huling ginamit. My goodness! Hindi yun pwedeng mawala.

Bumaba ako para hanapin sa sala baka doon ko naiwan. Medyo may pagkaburara kasi ako minsan. Nagulat ako ng madatnan ko si Mama sa kusina, naghahanda ng breakfast.

Lumingon siya nang maramdaman na nakatitig ako. Inaya niya na akong kumain. "Halika na dito, naghanda na ako."

"Wala kang pasok, Ma?" sa halip ay sagit ko.

Tumalikod siya sa akin para magtimpla ng kape. "Nagresign na ako." maikling sagot niya.

"H-ha? Bakit? Lilipat ka ba ng ibang ospital?" takang tanong ko.

Umupo na ako sa isa sa mga upuan sa dining. Tinitignan ko lang ang bawat paggalaw niya. Nagtataka. Matagal na siya sa ospital na yun sa pagkakaalam ko din ay malapit na nga siyang mapromote kaya walang dahilan para lumipat siya.

"No. We're going abroad. Pagkatapos ng sem na 'to lilipad na tayong Alaska. Sisimulan ko ng ayusin ang kakailanganin nating mga papeles."

"Ma! Ano na naman ito? Sa Alaska pa talaga? Anong gagawin natin doon? Panibago na namang pakikisama ang gagawin natin doon."

"I'm sorry but that's final. Gustuhin ko mang manatili dito pero wala na talaga akong magagawa." aniya, umupo siya sa harap ko. Kitang-kita ang hirap sa kanyang mga. Namumugto rin ito dala ng pag'iyak niya kagabi. Hinawakan niya ang kanyang mga mata niya. "I failed you, anak. Wala akong magawa laban sa Lola mo. Ginawa ko na ang mga naisip kong  mga bagay na kaya kong gawin pero matigas parin siya."

Wala na akong ibang nagawa kundi ang malungkot. I need to leave my life here dahil lang sa sinabi ni Lola. Si Lola na walang ibang ginawa kundi manira ng kaligayahan ng iba.

Maybe This Time (Maybe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon