Chapter 27: Chaos

21 1 0
                                    


Pagkababa ko sa sasakyan ay kaagad umalis sina Eli. Nagmamadaling umalis. Nakita kasi ni kuya ang sasakyan ng Lola na nakapark sa harap ng bahay. Magugulo ang mundo kapag nagkadaupang-palad ang dalawa. Isang malaking riot na silang dalawa ang may kakayahang gumawa.

Bago pa ako makapasok sa loob ay narinig ko na ang sigawan. Napapikit ako at napakamot na lang. Hindi nga nagpang-abot sina kuya at Lola pero mukhang sila ni Mama ang magtutuos.

"Ginigipit na ako ni Anton, Ma! Hanggang kailan mo balak na itago ang lahat? Wala namang mawawala kung magkikita sila! Years have been passed! Can't we just all heal and move on?! Napapagod na ako. Pagod na pagod ako." Narinig kong sigaw ni Mama.

"Gusto mong lumabas ang kalandian mo? Yun ba ang gusto mong mangyari? Wala na kayong ibang ginawa kundi dungisan ang pangalang iningatan ng Papa ninyo! Tapos ngayon gusto mo pang ilabas ito?! Hindi pa ba sapat ang lahat ng panghuhusga ng mga tao sa pagkabuntis mo ng maaga? I can't believe you! Buti sana kung sarili mo lang ang wawasakin mo! Damay tayong lahat dito lalong-lalo na si Mia! Mag-isip ka, Ingrid! Kahit ngayon lang!" Dinig na dinig ang boses ni Lola.

Napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi ng Lola. Mababaks din ang galit nito sa bawat salitang binibitawan niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Ma, pagod na ako. Ayoko ng mangdamay ng ibang tao wala namang kinalaman dito. Naaawa na rin ako sa anak ko." sagot ni Mama.

"Naaawa? Sana bago mo ginawa ang lahat ng ito naisip mo na ang kahihinatnan ng lahat ng ginawa mo! Hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sa inyo! Pero kay-"

"Ikaw ang nagkulang, Ma! Ikaw ang may kasalanan ng lahat. Pangalan lang ang mahalaga sayo. Kumbaga ang gusto mo lang ay yung matatamis na papuri! Pinag-aral mo lang kami para may maipagmamalaki ka sa mga kaibigan mo. Hindi mo naman talaga concern ang kinabukasan namin. Dahilan mo lang lahat ng yan. At ngayon ginagawa mo rin yan sa mga apo mo! Sawang-sawa na ako! Lahat kami!" sigaw ni Mama.

Nagulat ako ng pinagtaasan niya ng boses si Lola. It's a first, palaging kalmado si Mama. Nanginginig ako ng hawakan ko ang doorknob. Nakita ko si Mama na umiiyak kaharap si Lola na mukhang gulat na gulat.

"Wala kang utang na loob!"

At ang mas ikinagulat ko ang pagsabunot ni Lola kay Mama habang umiiyak parin ito na hindi man lang pinigilan si Lola.

Doon na ako natauhan at pilit na inaawat si Lola mula sa pagkakasabunot kay Lola. Pilit itong nagpupumiglas.

"Lola, tama na po!" pigil ko dito. I can't handle this.

Walang ibang nagawa si Mama kundi ang umiyak sa lapag. Ngayon ko lang siya ganito ka helpless. Suot pa nito ang puti niyang uniform. Tumigik na lang bigla si Lola sa pagpipiglas sa akin. Kahit na matanda na ito ay may lakas parin siya lalo na ngayon na galit na galit siya. Hindi lumuluha ang mga mata niya ngunit namumula ito. Nanginginig rin ito.

"La.... " nag-aalalang sambit ko ng hindi parin nawawala ang panginginig nito sa galit.

Nagulat ako ng nakalapit na ito kay Mama at sinampal siya ng ubod ng lakas. Napabaling pa sa kabila ang mukha ni Mama sa sobrang lakas ng pagkakasampal sa kanya.

"Noon ko pa gustong gawin sayo yan! Ayusin niyo na ang dapat ayusin at huwag mo ng pilitin pang magmatigas. Alam mo namang hindi ka uubra sakin, Ingrid. Tandaan mo yan!"

Naiwan kaming dalawa ni Mama. Siya nakatulala habang umaagos ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit.

Maybe This Time (Maybe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon