Chapter 18: OTP

40 1 0
                                    


Natapos ang araw ko sa makabagbag damdaming quiz namin sa Accounting. Nagulantang kaming lahat sa ibinigay ng instructor namin na halos di namin masagot. Fudge. Natuyo talaga ang utak ko sa kaka-analyze ng mga problems pero wala parin akong mapigang sagot. Nabalik ako sa kasalukuyan ng may tumatakbong estudyante ang nakabangga sa balikat ko. Nagtatawanan sila habang pababa ng hagdan. Napabuga ako ng hangin. Hindi man lang napansin ang nabangga nila!

"Ang lalim naman ng buntong hiningang 'yun." Gulat na napalingon ako sa boses na narinig ko. Nagdalawang isip pa ako kung para ba sakin yun. Ang nakangiting si Jack ang nakita ko pagtalikod ko. Naglalakad siya palapit sa akin pero bago niya ako maabutan tumalikod na akovt pinagpatuloy na ang paglalakad. Ayoko siyang maka-usap at makita. I felt betrayed in behalf of my cousin. Isang pares ng kamay ang humawak sakin para patigilin ako sa paglalakad. Iwinaksi ko ang kamay na humawak sakin.

"Sandali lang, para namang hindi mo ako nakita niyan." ngiting-ngiti niyang saad. Hindi ako madadala ng charms mo. Napahinto siya ng maramdaman niyang hindi ko siya kinikibo. "What have I done, Mia?" aniya habang sinusundan ako sa paglalakad. Akala ko pa naman tumigil na siya.

"Alam mo, Jack. Stop bothering Eliana kung guilt lanag naman ang nararamdaman mo sa kung ano man ang nangyari sa past. You must weigh your feelings baka hindi naman pala pagmamahal yan. We saw you kanina. Hindi nagustuhan ni Eli yung nakita niya kanina. Instead hina mapatawad at pakinggan ka niya hindi ka na talaga niya papansinin. Ever. As in ever. Kaya good luck na lang sayo kasi hindi na kita tutulungan di bale ng bumagsak sa Algebra." mahabang pahayag ko. Malalim ang kunot ng noo niya at mukhang di makapaniwala sa mga salitang binitawan ko. The nerve of this guy.

"Wait... what? You two saw me with a girl?" natatawang tanong niya. "She's just my groupmate. Obligado lang akong tulungan siyang bitbitin yung mga kahon para sa booth namin kasi di ako nakapagparticipate. Walang malisya 'yun."

Nayamot ako sa itsura niya. He's mocking me. Itinago ko lang ang pagkapahiyang naramdaman ko sa pag-irapa sa kanya. Nakakainis! "So... nagalit si Eliana? Apaektado pa rin pala siya." he said dreamily. I can't believe this guy. "No, she's furious." basag ko sa kasiyahan na namumuo sa kanya. I wonder kung ano ang ginagawa ni Eli ngayon at sigirado akong hindi na niya talaga papansinin si Jack. I saw her reaction kanina at hindi talaga maganda yun.

"Gotta go, Mia! I'll just find the love of my life." magiliw na paalam niya.

Kung makikita mo. Napailing na lang ako sa kanya habang tinitignan siyang tumakbo palayo. They're my OTP so let them be.

Hindi ko na inabala pang itext si Eli kung sasabay siya baka nakita na siya ni Jack. They need alone time. I saw a familiar built na nakauponsa mga bench sa harap ng building. He's wearing a black cap. Sinong hinihintay niya? Binilisan ko ang paglalakad ko. Huminto ako sa harapan niya and confirm kung siya nga ba ang nakita ko. Nakayuko ito at abala sa pagkalikot ng phone niya.


"Uh.. Franco?" I said hesitantly.

Maybe This Time (Maybe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon