Mabilis ang lakad ko habang hawak-hawak ang mga handouts ko sa Science. Maya't maya kong tinitignan ang relo ko dahil malapit na akong malate para sa isang quiz namin.
Nasa handouts ang atensyon ko at papasok na sa building namin ng may biglang humila sa akin papunta sa tapat ng STL building. "Hoy! Teka, bitawan mo nga ako!" Pahihisterya ko. Kung kailan naman ako nagmamadali. Baka malate ako sa 4th floor pa naman ang room namin.
Humarap naman ang taong humila sa akin na walang iba kundi si Jack.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagbadyang aalis dahil nagmamadali talaga ako at wala din akong balak kausapin siya dahil hindi ko naman talaga siya kilala. I only know him by name.
"Teka sandali! May sasabihin lang ako." maagap niya akong nahila pabalik. "Please." dugtong niya.
"Hindi kita kilala kaya bakit kita kakausapin? Tsaka nagmamadali ako." nagmamadaling tugon ko. I don't have enough time para makipagkwentuhan sa kanya hindi pa ako nakakapagreview.
May kinapa siya sa back pocket niya at inabot sa akin. Inilagay niya lamang ang kamay niya sa likod ng kanyang ulo at nagkamot. Tinignan ko naman ang ID card na iniabot niya at binasa.
Cojuangco, Jackson Gabe
College of Business and AccountancyMatapos kong mabasa ang nilalaman ng ID niya ay ibinalik ko na sa kanya. Alam ko naman na ang pangalan niya dahil sinabi na rin sa akin ni Eliana yun.
Tinignan ko siya ng seryoso. Mata sa mata. "If this is about Eliana. Bigyan mo muna siya ng time. Hindi yung palagi mo siyang ginugulo dahil lalo lang talagang iinit ang dugo niya sayo. Mas lalong hindi ka na niya kakausapin."
Tumango naman siya at mukha namang nakikinig siya sa mga sinasabi ko. "Okay, fine. Hindi ko na muna siya guguluhin. May ipapakiusap lang sana ako sayo?" Alangan na sagot niya.
"Ano? Sabihin mo na, may klase pa ako." sagot ko.
"Pwede mo ba akong tulungan sa kanya?" Tinitigan ko lang siya pagkatapos niyang sabihin yun.
Tinignan ko ang relo ko at mabilis na nalalaki ang mata ko ng makita kong five minutes late na ako. "Pag-iisipan ko. Ayoko kasi talagang makialam. Late na talaga ako, mauna na ko."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at sinimulan ko ng takbuhin ang building namin. Hindi na ako nag-abalang sumakay ng elevator. Tinakbo ko na lang ang matatarik na hagdan.
Pagdating ko sa room namin ay halos lumabas na ang lahat ng tubig ko sa katawan ko. Tahimik na ang hallway tanda na nagsisimula na ang mga klase.
Hindi ko malaman kung paano ako papasok ng room dahil nasa harapan pa naman ang upuan ko. Kinain ko na lang ang kahihiyan ko at lakas loob na kumatok sa pintuan. Pambihira! Palagi na lang akong napaperwisyo sa tuwing makakasalamuha ko ang mag yun.
"Eliana, matutulungan mo ba ako sa Algebra?" mangiyak-ngiyak na tanong ko sa kanya.
Nasa bahay kami ngayon. Dito muna niya naisipang tumambay bago umuwi. Umub-ob ako sa study table ko. I feel so helpless.
"Hindi kita matutulungan dyan. Nahirapan din naman ako sa algebra nung ni-take ko yan. Pero nakasurvive naman ako, kaya mo yan. Think positive." pag-eencourage niya.
Kahit siguro buong linggo kong aralin lahat ng lessons namin hindi ko parin maiintindihan. Kailangan kong umisip ng ibang paraan para maipasa ko ang Algebra. By hook or by crook.
Then, an idea popped in my head. I can be brilliant sometimes.
Kanina pa ako naghihintay dito sa Coffee Academy para kaagad kong makita ang sadya ko kung sakali mang dumaan siya. Umaasa ako na makikita ko siyang mag-isa. Malapit na ang next class ko pero di ko parin siya mahagilap.
Lumabas na ako dahil nawawalan na ako ng pag-asa. Nakita ko naman ang hinahanap ko na pasakay na sana sa elevator. Ang tanga ko! Hindi ko naisip na pwede silang gumamit ng elevator. Mabuti na lang at naabutan ko pa sila.
"Jackson!" sigaw ko. Wala na akong pakialam kung pagtinginan man ako ng mga estudyante. Lumingon naman sila at kaagad bumaba para lapitan ako.
"Uy, Mia! Anong satin? Magkakilala kayo ni Jack?" tanong ng kaklase kong si Byant ng makalapit sila sakin. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya.
Binalingan sila ni Jackson at pinauna na para makapag-usap kami. Mabuti na lang, hindi ko yata kayang sabihin sa harapan nila.
"Tutulungan mo na ba ako?" bingad niya pagkaupong-pagkaupo namin.
"Yes, pero may kapalit. Wala ng libre ngayon."
Ngumiti siya bago sumagot. "Anything. Kahit ano pa yan. What is it?"
"Kailangan ko ng tutulong sakin sa Algebra ko."
"No problem. I know someone who can help you. Akala ko pa naman kung ano na." ngiting-ngiting sagot niya.
"Okay. Aasahan ko yan." This is a win-win situation for me. Ayoko namang magpaturo sa mga kaklase ko dahil nahihiya ako. At least, kung kay Jackson ako magpapatulong hindi ako mahihiya dahil may hinihingi din naman siyang pabor.
We exchanged numbers before we part ways. Ihahanda ko na lang ang sarili ko kung awayin man ako ni Eli pagkatapos nito.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Maybe #1)
RomanceWhy do we always complicate life? We always fall into bad one instead of choosing the right one.