Chapter 22: Caught

33 1 0
                                    


Hininto ni Franco dalawang bahay ang layo mula sa bahay namin ang sasakyan. Baka kasi makita kami ni Mama at kung ano pa ang isipin niya.

"Salamat sa pagsama." aniya.

Ngumiti naman ako ng tipid, "Wala 'yun. Salamat din sa libre."

Binuksan ko na ang pinto sa gilid ko. Tumabi ako sa gutter. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako nagsimulang maglakad.

Naramdaman ko kanina na may gusto siyang sabihin. Pinilit ko naman na isipin kung ano ang sasabihin niya.

Natigil ako sa paglalakad ng may naaninag akong bulto ng tao sa harap ng gate namin. Lumakas ang tibok ng puso ko. Tipong lalabas na sa sobrang lakas ng pagtibok. Parang may nagawa akong malaking kasalanan. Wala akong ibang maramdaman kung hindi matinding takot. Umalis ito sa pagkakahilig sa gate.

"E-eli?!" kinakabahang tanong ko.

Seryosong seryoso siya habang palapit sa akin.

"Napaikot ka na ba ng Navarro-ng yun, Mia? Hindi ba sinabi ko wag na wah kang lalapit sa mga 'yun!" turo niya sa kawalan, "Hindi mo alam ang ginagawa mo!"

"Ano? Teka, hindi kita maintindihan." Nagsalubong ang kilay niya.

"Bago pa ito malaman ni Lola lumayo ka na. Uuwi bukas si Kuya Troy. Gagamitin ka lang ni Franco, Mia. Utang na loob."

Ano bang sinasabi niya? Bakit uuwi si Kuya Troy?

"Eliana, hindi kita maintindihan! Kung iniisip mo na may relasyon kami.... wala, walang kami."

"Kahit na! Pipilitin lang niya na mahulog ang loob mo sa kanya. Alam nila! Alam nila na may ugnayan kayo ni Kuya. Alam din nila na papasok ka sa university. Alam na nila kaagad 'yun! Planado lahat. Balak lang nilang gantihan si Kuya. Mia, please...."

Natulala ako sa sinabi ni Eliana. Bakit pati ako nasali sa kung ano mang gulo meron sila?

"Eli...."

"Jack also tried to use me. Nalaman niya na kapatid ko si Kuya Troy. Napagtagpi-tagpi ko ang mga pangyayari.... na gagantihan nila sina Kuya. Uuwi si kuya bukas. Umiwas ka naiintindihan mo ba? Pare-pareho lang sila!"

"Pero.... mga kaibigan ko sila. Mabait naman sila sa akin."

"Of course! Kukunin nila ang loob mo. Ipinapakita lang nila na mababait sila! Mia naman! Gamitin mo naman yang isip mo." Umiling lang ako.

Hindi nila magagawa sa akin 'yun! Hindi ko matanggap.

"Hindi mo naman napatunayan kaya bakit ako lalayo?"

Nanlaki lamang ang mga mata ni Eli. Hindi makapaniwala sa mga binitawan kong salita.

"I cant believe you! Hintayin mong umuwi si Kuya Troy. Para rin naman ito sa ikabubuti mo. Just wait until I say I told you so."

Maybe This Time (Maybe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon