Chapter 26: The Ally

19 1 0
                                    


Pareho kaming nakanganga ni Eliana nang mapagsino ang taong naghihintay sa amin. Malademonyo itong nakangiti animo'y palaging may binabalak na masama. Halos masitidigan ang mga balahibo ko sa katawan. Nakakatakot talaga siya sa personal, mga sampung beses siguro. Sarcasm is written all over his face. Hindi ko talaga maimagine na pareho ang dumadaloy sa katawan namin. He's really different, a living devil. Anong nang yari sa kanya?

"K-kuya?! K-kailan ka  nakauwi?" ani Eliana, alam kong malakas ang loob ni Eli pero sa lagay niya ngayon kulang na lang ay tumakbo siya sa takot. Maski na ako gusto ko ng makalayo sa kanya.

Inaasahan naming uuwi si kuya Troy pero hindi yung ganitong siya yung susundo sa amin. Oh my god! Gusto ko yatang mag-sign of the cross.

Hindi namin siya napansin kanina at hindi namin inaasahan na siya ang madadatnan namin. Inaasahan kong dadatnan namin sa usual na parking space ay ang driver nina Eliana.

Cool na cool itong nakasandal sa SUV papasa na siyang model basta 'wag lang siyang nagsasalita. May piercing earing siya sa labi at may gilit ang kanyang kaliwang kilay, battle scar sabi nga niya. Kung titignan siya ay para lang siyang normal na hipster pero hindi he's extraordinary... iba siya mag-isip. Ipinatapon siya ni Lola sa Maynila na tingin ko ay hindi naging magandang ideya dahil mas ikakasiya niya doon, at higit sa lahat lalo siyang lumala.

"Hindi niyo man lang ba ako sasalubungin ng yakap?" his brows knitted. As if kailangan niya wala ng makakatunay sa puso niyang sintigas ng bakal.

Lumapit naman si Eliana sa kanya at yumakap. Hindi ako nagtangkang lumapit.

"Let's go?" ani kuya Troy sabay lahat sa sasakyan. Itinapon na lang niya kung saan ang hawak niyang yosi.

Nagpalitan muna kami ng makahulugang tingin ni Eli bago sumakay. Si Eli ay umupo sa harapan habang ako naman sa likod. Tumulak na kami when we were settled. Tahimik lamang kami habang tinatahak ang daan pauwi.

"Ano nga ulit yung sinasabi ninyong plano?" Seryoso ang mukha niya habang nasa daan ang atensyon.

Nilingon ko si Eli na hindi mapakali. Maya't-maya ang pagkalikot niya sa mga daliri niya.  Ako na ang sumagot dahil mas tensyonado pa siya kesa sa akin to think na kapatid niya ang katabi niya ngayon.

"Wala lang yun, kuya. Nagpapatulong lang ako sa-"

"'Wag ako, Mia. Papunta palang kayo pabalik na ako. Mukha ba akong tanga?" singhal niya.

Natahimik ako at walang masagot sa kanya. He acts cool pero kami ni Eliana ay tense na tense na. I don't know what to do. Natahimik ang sasakyan na parang may dumaan na aparisyon.

"Labas na kayong dalawa dito kaya wag na wag kayong makikialam. Ayokong nakikita kayong malapit sa mga lalaking yun. Kailangan ng matapos 'to." basag ni kuya s katahimikan.

"Both of you stay out of this."

Maybe This Time (Maybe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon