Chapter 12: Friendship

40 1 0
                                    

Nakatitig ako kay Eliana habang sinusuklay ang hanggang balikat niyang buhok. Maganda talaga siya. Ang gustong-gusto ko sa kanya ay kanyang mapupulang labi at mapupungay na mata. Bata palang kami ay hinahangaan ko na talaga siya.

Matanda siya sakin ng dalawang taon pero ayaw niyang tinatawag ko siyang ate. Halos siya palagi ang kasama ko dahil wala naman akong ibang kaibigan. Siya na rin ang naging best friend ko. Paborito siya ng Lola dahil bukod sa maganda siya ay matalino pa.

Akala ko noon sa Maynila sa mag-aaral. Gusto kasi ni Lola na kumuha siya ng Law. Alam kong may katigasan ang ulo niya kaya nakuha niya ang gusto niya nasunod parin ang gusto niyang dito mag-aral sa Pampanga.

Nandito ako sa bahay nila dahil inaya niya akong mag-sleepover, wala naman daw akong kasama sa bahay.

Nakita niya akong titig na titig sa kanya. "Anong iniisip mo?"

Umiling ako bilang sagot sa kanya.

"Sa tuwing nag-iisa ako lagi kang to the rescue."

Tumayo siya at lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko.

"Higit pa sa kapatid ang turing ko sayo, Mia." Nginitian ko siya ng tipid.

Maswerte ako dahil may pinsan akong kagaya niya. Lahat na yata ng kabaitan na sa kanya na. Kaya siguro patay na patay si Jack sa kanya. Naalala ko naman ang naging usapan namin kahapon. Hambog din pala ang isang yun. Isa rin palang dahilan kaya ako narito ay ang alamin kung ano ang mga nasa isip ni Eliana.

"Eli, wala ka ba talagang balak kausapin si Jack?" pagbasak ko sa katahimikan.

Nag-aapply siya ng moisturizer at napahinto siya sa ginagawa niya.

Bumuntong hininga siya bago sumagot. "Wala. What happened last year was over. Teka nga, bakit parang interesado ka na ngayon?"

"Makisakay ka na lang lara may mapag-usapan tayo." depensa ko. "Sa itsura niyang yun hindi ko inakalang liligawan ka niya."

"Sinabi ko bang niligawan niya ko?"

"Eliana! Hindi ka man nagpaligaw sinagot mo na kaagad?" Nawindang takaga ako sa sagot niya. Hindi ko talaga inakala na ganoon si Eli. Whoa.

Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. Hindi kasi ako makapaniwala. Nung high school nga siya sa bahay pa niya pinapapunta ang mga manliligaw niya. Kaya paano nangyari yun?

"Hindi ko naman sineryoso, Mia. We just lasted for a month. Kagaya ng inaasahan ko hindi yun magtatagal. Isa pa, hindi rin naman siya seryoso. Kung seryoso man siya dpaat dinaan niya muna sa panliligaw. Ang kinalabasan wala akong choice na tumanggi. Parang inutusan lang akong maging girlfriend niya. Ako naman tong tanga di pumalag."

"Kasi nga gusto mo rin. Bakit kasi hindi mo pa kausapin? Baka this time manliligaw na siya. Baka gusto ka talaga niya at seryoso siya. You'll never know kung di mo naman siya hinarap." pinu-push ko talaga si Jack. Kasama narin ng pangangalap ko ng dagdag impormasyon.

Kakaiba rin yung isang yun di man lang marunong manligaw puro dada lang ang alam. Kung wala lang akong utang na loob sa kanya hindi ko na itutuloy 'to. Nakokonsensya na talaga ako.

"Wag na nga natin siyang pag-usapan. Matulog na tayo."

Tumayo siya at pinatay ang ilaw. Humiga na rin ako para matulog. Kawawang, Jack.

Isang buwan na kaming nag-uusap ng patago nina Jack. Nakumbinsi ko siyang ligawan si Eliana. Wala naman siyang magagawa kasi sinabi ko. Pero bago yung nakatikim muna siya sakin ng mahabang lecture. Sa halos isang buwan na palagi ko silang kasama ay nakuha ko na rin siyang kilalanin. Hindi naman pala sila ganun kasama kung siguro hindi mo talaga sila kilala masasabi mong nasama ang ugali nila base narin sa pinapakita nila sa uni. Itinuring ko na rin silang kaibigan sana naman itinuturing na rin nilang kaibigan.

Nandito na naman ako sa usual spot ko para hintayin si Eliana. Nakayuko ako at abala sa pagbabasa ng e-book ng may biglang tumakip sa mga mata ko. "Eliana!" hula ko. Ginawa niya parin yun kahit na alam niyang kilalang-kilala ko ang pabangong gamit niya.

Ng pagharap ko ay laking gulat ko ng kasama niya si Jackson at kinindatan pa ako ng patago. Finally!

Tinaasan ko ng kilay si Eliana bago tumayo. "Akala ko ba hindi mo kakausapin?"

Nginitian niya ako ng tipid. "Mapilit kasi pinagbigyan ko na."

"Talaga lang, a? Uwi na tayo."

"Tsaka yun din. Hindi ako muna sasabay, Mia. Hahatid na lang ako ni Jack." nagpalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Promise!" dugtong nito sa sinabayan pa niya ng pagtaas ng kanang kamay.

"Mapipigilan ba kita?"

"Thanks!" sagot niya at niyakap ako pinandilatan ko naman si Jack ngayon na tatawa-tawa habanag yakap ako ni Eli. Ang hirap kayang umarte na parang walang alam. "Ingat ka sa pag-uwi."

Napagdesisiyunan kong manatili na lang muna dito sa di ko malamang dahilan.

Maybe This Time (Maybe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon