When It Rains- Paramore
Maybe this is the safest way to go. Ang tumakas sa hindi ko malamang kadahilanan. Iiwan ko dito ang mga taong malalapit sa puso ko para sa ikagagaan at ikatatahimik ng buhay namin.
"Mia, ilagay mo na yung nga gamit mo sa compartment. Hindi gagalaw yang mga bagahe mag-isa." saway ni Mama.
The hardest part is letting go. Ganito naman palagi ang setup namin kapag nakakaproblema hindi namin hinaharap... tumatakas kami. Just what Lola wants to dahil in the end kami din naman ang sisira sa kung anumang kasiyahan meron siya. Kami ang palaging maggi-giveway. Susunod naman si Mama without any hesitation. We have the same thing in common, yun ang may mapatunayan kay Lola.
Isinakay ko na ang mga maleta sa sasakyan para makaalis na kami. Namumugto pa ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi ayaw kasing tumigil ni Eliana kung hindi lang daw siya graduating ay sasama siya sa Alaska, doon kami itatapon ni Lola. I don't really saw this coming. Tinatago nila ako mula kay Papa kay aalis kami ng bansa. I just want to know kung bakit? Ganoon ba kalaki ang pagkamuhi ni Lola para ipagkait sa akin ang bagay na iyon? Dahil lang doon ay iiwan ko ang buhay ko dito.
Napabuntong hininga ako nang nagsimula na kaming tumulak papuntang airport.
Tanging driver lang ng Lola ang maghahatid sa amin ayaw kasing sumama ni Eli dahil baka iiyak lang daw siya. I will surely miss her. Naalala ko naman si Franco ng may madaan kaming pickup na tulad ng gamit niya. Hindi ko siya nakita hanggang sa matapos ang sem. Ano kayang iniisip niya tungkol sa akin? Baka iniisip niya parin na lumayo ako dahil sa sinabi niya. Kahit papano naging kaibigan ko sila lalo na kay Jack. Napakagaan ng loob ko sa kanya hindi naman kami lubos na magkakilala pero tinulungan ko parin siya kay Eli, na sobrang nakapagtataka. Mabait naman kasi talaga sila.
Nagulat ako nang may dumantay na kamay sa mga kamay ko. Nilingon ko si Mama at binigyan ako ng isang tipid na ngiti. "Babalik tayo no matter what." Ngumiti din ako pabalik sa kanya.
Kapag bumalik na ako dito sisiguraduhin ko ng magagawa ko na ang mga unfinish business ko na maiiwan. Makakaya ko na ring harapin ang takot ko kay Lola. This is not the end. I will make sure na pagbalik ko ay successful na ako. Wala ng ibang maipipintas si Lola. Hindi ko na rin kailangan patunayan ang sarili ko na hindi ako isang pagkakamali. Papatunayan ko iyon sa kanya.
Maybe this is not the right time but I will make sure it will be.
****
Minadali ko nang tapusin ito baka maudlot pa kasi yung next story ko sayang naman but eventually I'm hoping na may book 2 ito dahil wala pa talaga siyang closure. Maraming salamat sa mga matiyagang nagbasa ng MTT pasensya na dahil first time ko talagang magsulat. Pagbubutihin ko sa susunod. Hahaha
xx
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Maybe #1)
RomanceWhy do we always complicate life? We always fall into bad one instead of choosing the right one.