Chapter 21: Getting to Know Each Other

28 2 0
                                    


Huminto kami sa isang convenience store para bumili ng ilang makakain. I don't know wher we're heading. Hindi  ko din alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Abala ako sa pagpili sa mga nakahilerang junk food habang si Franco ay nasa mga beverages.

"Done?" tanong niya habang hawak ang mga napili niyang inumin. Nakakita pa ako ng apat na canned beer. Tumango lang ako bago sumunod sa kanya sa counter.

Kumuha ako ng bill para magbigay sana nt share ko sa binili namin. Inabot ko ito sa kanya pero tinitigan nila lang at tinulak pabalik sakin. Sinubukan ko lang kahit na alam kong hindi niya tatanggapin. It's really a turn off if a guy let you pay. Nang maibalot na at nabayaran ang mga binili namin bumalik na kami sa nakapark na sasakyan.

The ride only lasted for about thirty minutes. Pumasok kami sa isang subdivision around San Fernando. Nagsimula akong kabahan. Pupunta ba kami sa bahay nila.

"Franco?" I said hesitantly.

"Hmm?"

"Sinong pupuntahan natin dito?" sabi ko.

"May lot kami dito. Doon na lang tayo." aniya habang seryoso sa pagmamaneho.

After a few turns we reach a vacant lot. Malawak ito. Iilan pa lamang ang mga nakatayong bahay sa street nila. Sa 'di kalayuan may isang two-story house.

Nipark ang sasakyan niya sa bakanteng lote. Pinatay niya ang makina pagkatapos bumaba na siya kaya sumunod ako. Pumunta ako sa may bandang likod ng sasakyan. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Mukhang may kaya lahat ng nakatira dito. Pinakamaliit yung two-story pero malaki na rin yun kung hindi ihahambing sa mga bahay sa paligid.

Matapos makuha ni Franco ang mga plastic bags sa backseat binaba niya ang harang mula sa likuran ng pickup. Umupo siya doon pero nanatili akong nakatayo na nakatingin sa kanya.

Kumunoot ang noo niya. Tinapik niya ang tabi niya. Nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Inabot niya ang isang soda at junk food sakin. Kumuha naman siya ng beer para sa kanya.

Ilang minuto din ang katahimikang namayani. Nagiging kulay kahel na ang langit dala ng papalubog na araw. Tanging mga junk food na kinakain lang namin ang gumagawa ng ingay.

Bumuntong hininga siya ng ilang beses bago nagsalita. "I started using illegal drugs when I was in high school. I don't know why I'm telling you this but it feels like you need to know. You can't trust me this easily, Mia...." he said.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Napatigil sa ere ang kamay ko na may hawak na junk food. Hindi ko din maintindihan kung bakit niya sinasabi sa akin ito. Way niya ba ito para sabihing lumayo ako?

"You think I'm that judgemental? I don't judge people without even knowing the story behind." sabi ko. Of course you did. Remember the first time you saw him? Sigaw ng utak ko. Napangiwi ako.

"Hindi ka dapat basta-basta sumasama kung hindi mo naman masyadong kilala ang isang tao." kumunot ang noo niya habang nakatitig ng matiim.

"Alam ko pero hindi mo naman ako gagawan ng masama diba?" sagot ko.

Bumuntong hininga lang siya kaya dinugtungan ko ang sasabihin ko. "Lahat naman ng bagay may dahilan. Nasasabi lang ng iba na masama ang isang tao kasi hindi pa nila nakikilala hinuhisgahan na kaagad. Alam ko namang may dahilan ka. Isapa, I know hindi ka masamang tao."

"No. You don't know me. Marami na akong nagawa na hindi aakalaing magagawa ko."

"Saan ba mapupunta ang usapang ito?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "May pinsan din akong maihahalintulad ko sayo pero mas malala lang nga lang siya kaya naiintindihan kita. Gusto mo ba ng makakausap? I'm will to listen, you know."

Matagal bago siya sumagot. Inisang lagong niya ang hawak niyang beer. Linukot niya ang can pagkatapos ay malakas na binato.

"Some other time. Gumagabi na. Ihahatid na kita sa inyo," sabi niya. Bumaba na siya at mabilis na pumasok sa loob.

Iniwan niya akong nag-iisip. Alam ko namang gusto niyang mag-open up. Bumuntong hininga na lang ako at sumunod sa kanya.

Akala ko pa naman we're on that 'getting to know each other' stage. Akala ko lang pala. Instead nalaman kong isa siyang drug addict. Hanggang ngayon pa kaya? Kailangan kong makita ang mga mata niya!

Maybe This Time (Maybe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon