Nanlalamig ang mga kamay ko habang nakaupo ako sa sofa. Halos isang minuto na ang nakalipas hindi parin nagsasalita si mama. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan dahil nakita niyang hinatid ako ni Franco. Pero wala naman akong makitang masama doon sa ginawa ko. Napatingin ako kay mama ng marinig ko siyang bumuntong hininga.
"Mia, you didn't do this on purpose diba? I don't want you commit the same mistakes I did. Can you focus on your studies muna? Ayoko munang magpaligaw ka, nak. Kung anong ginawa ng ina hindi na dapat mangyari sa anak. Ayokong matulad ka sa akin. Mas lalo tayong kamumuhian ng lola mo pag nagkataon." ani mama na kunot na kunot ang noo.
"So, this is all about Lola parin? Ma, hinatid lang ako ng kaibigan ko. Walang nanliligaw at mas laong walang magpapaligaw. Ano ba 'tong iniisip mo? Hinatid lang ako kasi wala na akong masakyan dahil rush time." sunod-sunod na paliwanag ko.
"Been there done that. Baka nagpapalipad hangin na yang kaibigan mo pero di mo pa nararamdaman. Tandaan mo wag kang magpapabulag sa mga mamatamis na kasinungalingan ng mga lalaki."
"Kaibigan ko nga lang siya, Ma."
"Pwede ka namang kumaibigan ng hindi lalaki! Ano na lang ang sasabihin ng mga makakakita? Paano kung makarating pa sa lola mo?"
"Really, ma? Pati mga kakaibiganin kailangan may approval kay lola? Kahit yun lang naman, Ma. Kahit yun lang."
"I'm just protecting you. You need guidance. Matagal na ba kayong magkakilala ng taong yun? You can't trust someone you just know by name, Mia!" nagngangalit na sigaw nito.
"Ma, hindi. Kaibigan ko siya! Wag kang mag-alala kung sa tingin mo tutulad ako sayo!" ganting sigaw ko.
Huli na ng marealize ko kung ano ang lumabas sa bibig ko. Natigilan si mama sa napili kong salita.
"I'm sorry, ma."
Tumayo na ako at naiwang nakatulala si Mama. Tinakbo ko na ang hagdan patungo sa kwarto ko. Kinatok ko ang ulo ko para maliwanagan ako. Hindi naman sinasadyang sabihin yun sa kanya lumabas na lang bigla sa bibig ko. Hindi ko dapat sinabi yun. Pabalik-balik ang lakad ko sa paanan ng higaan ko.
Mukhang nasaktan talaga si Mama sa mga binitawan kong salita. Nakalimutan kong anak lang ako.
Halos wala parin ako sa sarili kinabukasan dahil sa naging pag-uusap namin ni mama. Nawawalan ako ng respeto kapag sa mga ganoong klase ng pagkakataon. Nadadala ako ng emosyon ko nakakalimutan kong nag-isip bago magbitaw ng mga salita o desisyon.
"Mia, gusto mo bang magpunta ng Baguio next week?" basag ni Elian sa katahimikan.
"Ano na namang pumasok sa isip mo?" tanong ko.
Nagpakawala ito ng buntong hininga bago sumagot. "Kasi naman! Darating yung mga pasosyal nating pinsan galing Manila. You know naman na ayoko sa kanila! Ayoko silang makita nag-iinit talaga ang dugo ko! Bakit ganun ang pag-uugali ng mga yon?! Dahil ba sa pollution sa Manila?!"
Napailing na lang ako. Hindi siguro ako papayagan ni mama lalo na sa ginawa ko kagabi.
"Ewan ko lang." maiksing sagot ko.
"Hindi mo man lang ba ako sasamahan? Ipagpapaalam kita kay Tita Ingrid." ani Eliana.
"Hindi ako papayagan. May nagawa akong kasalanan."
Napasimangot ito at mas lalong bumigat ang nga hakbang.
"Ano ba naman yan!"
Napailing na kang ako sa kanya. Mga bata pa lang kami palagi na niyang nakakabangayan ang mga pinsan namin na laki sa Manila. Kaya hindi na kataka-taka na nadala nila sa paglaki ang alitan nila.
"Pabayaan mo na lang kasi sila. Patay malisya ka na lang na parang hindi sila nag-eexist."
Nagpatuloy kami sa paglalakad sa boulevard papunta sa PGN. Napuyat ako kagabi sa paggawa ng assignment sa Accounting kaya wala ako sa wisyo ngayon. Ano ba itong napasok ko?
Naapakan ko ang paa ni Eliana dahil sa biglaan niyang paghinto. Nauuna siyang maglakad sa akin. Wala ako sa wisyo kaya hindi ko namalayan na nahinto pala siya.
"Ano ba naman ya-"
Nahinto ako sa pagsasalita. Nagisingyata ang diwa ko ng makita ang dalawang taong abala sa pagtatawanan. Patawid sila sa Paseo papunta sa PGN. Napapikit-pikit pa ako na parang sinisigurado kung tama ang nakikita ko.
"Teka si ano ba yun?" mahinang usal ko.
Umismid lamang ang kasam ko at naupo sa malapit na bench. Habang ako ay hindi nakatayo parin at napahalukipkip. May dala itong mga gamit na halatang pagmamay-ari ng kasama nitong babae. Hindi ko sila iwinala sa paningin ko hanggang nakapasok na sila sa building.
Humarap ako kay Elian na nakakunot ang noo.
"Sino yung kasama ni Jack?" usisa ko.
"Aba, malay ko ba!" maanghang na sagit ni Mia.
Inilabas nito ang notes niya at inabaka ang sarili sa pagbabasa. Napailing na lang ako.
Hindi ko na siya tinanong ulit dahil magmula pa kanina ay mainit na talaga ang timpla niya.
Sumulyap ako sa relong suot ko. Nakita kong meron pa akong 30 mins kaya naupo ako sa tabi ni Eliana para samahan siya.
Mukhang nasa process na ng moving on ang isang yun. Akala ko pa naman malakas ang fighting spirit. Bahala na siya sa buhay niya hindi ko na siya tutulungan.
Sayang boto pa naman ako sa kanya.
Mayabang siya. Mataray naman si Eliana. Perfect match.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Maybe #1)
RomanceWhy do we always complicate life? We always fall into bad one instead of choosing the right one.