Buong linggo akong babad sa pagre-review kaya naging bala ako. Binigyan ko talaga ng pansin ang major ko at Algebra. Halos baligtarin ko na ang mga libro ko para lang pumasa.
Malaking tulong talaga yung binigay na techniques sakin ni Franco na sinulat niya. Mabuti na lang pala at naniwala ako sa kanya. Aba, matalino pala talaga siya yun nga lang may attitude.
Nasa huling number na ako at matatapos na rin ang exam ko. Kahit na Saturday ay pumasok kami para magtake ng exam. Ng masagutan ko na ay kaagad kong niligpit ang mga gamit ko at ipinasa ang lapel sa proctor.
Mararamdaman mo ang tensyon sa buong room. Tanging pagpindot lang sa calculator at tunog ng ceiling fan lang ang maririnig mo. Sa hirap ng mga tanong talagang pagpapawisan ka ng malamig.
Bumalik nako sa upuan ko para kunin ang bag ko. Ngiting-ngiti ako ng makalabas ako sa room.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Hinalughog ko muna ang bag ko bago ko ito nakita.
Jack
Calling....Nakalimutan ko palang magpasalamat sa kanila. Hindi ko siya nakausap buong linggo dahil narin sa exam.
"Hello? Napatawag ka?"
"Hindi ka naman siguro nakalimot, hindi ba?"
"Syempre, hindi. Itetext na nga sana kita para magpasalamat. Magaling yung nakuha mong tutor. Nakuha ko yung Algebra."Habang kausap ko siya ay nagpatulog akong maglakad dahil uwing-uwi nako. Sumakit na ang pang-upo ko sa apat na oras na hinugol ko sa pagsagot.
"Hindi na yun tinatanong pa. Alam ko na ang kalalabasan, ang ibig kong sabihin yung usapan natin. Nagkakalimutan na yata tayo."
"Hindi ko naman nakalimutan yun. Tumutupad ako sa usapan."
"Mabuti kung ganun. Pag-usapan na natin ngayon. Magkita tayo sa tapat ng school."
"Ano?! Agad-agad? Kakatapos pa lang ng exam ko. Give me a break!"
"We'll wait for you..."Aangal pa sana ako ng babaan na niya ako. What's wrong with these people?
Nasa labas na ako ng school. Inilabas ko ang phone ko para sana tawagan si Jack kung saan kami magkikita. Napatalon naman ako ng may bumusina sa bandang likuran ko. Isang pulang Chevy pickup truck ang huminto sa harapan ko.
Bumaba ang bintana at nakita ko ang mukha ni Jack at ni Franco. Inirapan ko lang silang dalawa, kailangan talagang gulatin ako?
"Hop in."
Binuksan ako ang pinto sa likod at doon naupo. Silang dalawa kasi ni Franco ang umokupa sa front seat. Kaagad na pinaandar ni Franco ang sasakyan.
"Next time naman sana sa ayusin niyo ang paraan ng pagpasok niyo. Saan ba tayo pupunta?"
"Sa SM Clark tayo." maikling sagot ni Jack.
Napansin kong iba sila ngayon. Hindi ko alam kung wala lang ba sila sa mood o talagang seyosong-seyoso lang sila. Pakiramdam ko tuloy ay may masama silang balak sakin. Nagsisimula na tuloy akong kabahan. Hindi ko pa naman sila ganoon kilala ng lubusan pero sumama sila sakin. Pano na lang kung gawan nila ako ng masama.
Lalo akong kinabahan ng maalala kong member sila ng frat. Pinanindigan ako ng balahibo sa mga imaheng naiisip ko. Hindi naman siguro nila ako gagawan ng masama. Wala pa namang nakakaalam na sumasama-sama ako sa kanila.
Napatingin naman ako kay Franco na diretsong nakatingin sa kalsada. Sa itsura nila ay mukha naman silang disente pero iba kasi talaga ang atmosphere ngayon. Masyadong seryoso. Maging si Jackson ay nakikitaan ko na ngayon ng maitim na aura.
"Oy, Mia! Okay ka lang ba?" Napatalon ako sa kinauupuan ko ng biglain ako ni Jack.
"Ba't ba nanggugulat ka?!"
"Kanina pa kaya kita tinatanong. Anong nangyayari sayo? Are you okay?"
Mukhang wala naman silang balak gawing masama sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Don't mind me. I'm fine." sagot ko.
Hindi ko napansin ang bilis ng pagmamaneho ni Franco. Nakarating din kami kaagad ng hindi ko napapansin.
"Kanina pa tayo paikot-ikot dito. Wala ba kayong balak pumirmi sa isang lugar?"
Tatlumpung minuto na yata kaming paikot-ikot. Hindi kasi makapagdesisiyon ang dalawang kasama ko kung saan talaga kami pipirmi. Masakit na kasi ang paa ko. Idagdag pa na gutom na ako kaya nagagalit narin ang mga bulate sa tiyan ko.
"Ang arte niyo kasi, sa Mcdo na lang kasi tayo." hindi ko na talaga napigilan ang pag-ikot ng mga mata ko.
"Sawa na nga kasi kami sa Mcdo, Mia. Iba naman ngayon, pampatanggal umay." sagot ni Jack.
Kanina pa ako nakakahalata parang kaming dalawa lang ang magkasama. Kanina pa kasi seryoso si Franco at walang kibo. Well, palagi naman pala siyang seryoso. Lalo namang nakadagdag sa pagkamisteryoso niya ang katahimikan niya. Nakasuot lang siya ng puting T-shirt na nakatupi ang dalawang manggas pero ang lakas parin ng dating. Magaling talaga siyang magdala ng damit.
Nakakaagaw na kami ng atensyon dahil sa kanilang dalawa. Dahil kapansin-pansin talaga silang dalawa lalo na't pareho pa silang matangkad.
Nagulat na lang kaming dalawa ni Jack ng biglang magsalita si Franco. "Sa Mcdo na lang tayo." At nagpatiuna na siya papuntang Mcdo.
Tinignan ko na naman si Jack at tinaasan ng kilay pagkatapos ay sumunod nako sa kanya. Wala rin namang nagawa si Jack dahil alam naman nating lahat kung sino ang batas.
Ng makaorder na kami ang nagsimula na akong magsalita. "So, anong plano?"
"Anong anong plano? Di ba nga tutulungan mo ko?"
"Oo, nga na tutulungan kita." sagot ko habang sumusubo ng fries.
"Yun naman pala. Magsimula na tayo."
"You mean, wala ka pang plano?!"
"Kaya nga mag-iisip tayo diba?"
"Kung makapag-demand ka naman ng tulong akala ko pa naman meron ka ng exact plans."
Sumakit yata ang ulo ko. Ang akala ko kasi magpapatulong lang siya para makausap niya si Eliana. Mukhang sakin pa yata manggagaling ang plano.
"Jack, tutulungan lang kitang makausap si Eliana. Ikaw parin ang iisip kung ano ang mga gagawin mo. Wala naman akong alam sa panliligaw. Trabaho niyo na yun!"
"Ano ka ba, Mia. Hindi ko siya liligawan."
Nagpantig yata ang tenga ko ng marinig ko yun. Hindi makapaniwalang tinignan ko si Jack. I can't believe him. E ano palang gagawin niya? Itinaas lang niya ang mga kamay niya sa ere. Sign of surrender. Shit ka, Cojuangco.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (Maybe #1)
RomanceWhy do we always complicate life? We always fall into bad one instead of choosing the right one.