Chapter 15: Message

33 1 0
                                    

Sabado ng umaga ng malingat ako dahil sa naririnig ko na pakikipagtalo ni Mama. Bumangon kaagad ako at lumabas ng kwarto to check on her.

Nakita ko siya sa sala, nakatalikod sa gawi ko habang hawak ang phone niya. Nakikipagtalo siya ngayon sa kausap niya. "Don't you ever dare to call me again! May kanya-kanya na tayong buhay ngayon! Mahirap bang intindihin yun?!"

Binabaan niya ang kausap sa telepono at humarap sa direkyon ko. Natigilan siya ng makita akong nakatayo sa may hagdan. Tumikhim siya bago ako tanungin. "Kanina ka pa ba nakikinig diyan?"

Umiling ako pagkatapos ay sumunod sa kanya sa kusina. "Kakababa ko lang. Sinong kausap mo, Ma? Bakit umagang-umaga high blood ka na?"

May nakahain ng pagkain sa mesa mukhang wala siyang duty ngayon kaya nagawa niyang makapagluto ng agahan. "Don't mind that. Umupo ka na, para makakain na tayo." walang emosyong sagot nito.

Tahimik kaming kumain ng agahan. Marami akong tanong sa isipan. Alam kong marami ngayong tinatago si Mama. I hope someday masabi niya lahat sakin.

I was busy checking my social media accounts ng bumaba si mama na bihis na bihis.

"Mia, iwan muna kita dito may lakad ako with friends." Hinalikan niya ako sa pisngi at nagmamadaling umalis ng bahay.

What's happening to her? Palagi siyang aligaga hindi ko na siya masyadong nakikita dito sa bahay. Hindi ko na lang siya pinansin. Naisip ko na ito ang paraan niya para mag-unwind dahil alam kong pagod din siya sa trabaho.

Ng mainip ako sa kaka-scroll sa phone ko naisip ko na lang na gumawa ng household chores bilang ako naman ang naiwan sa bahay. Una kong ginawa ang magdiling ng halaman. Napapabayaan na namin ang mga halaman sa mini garden namin. Nalalanta na ang mga bulaklak na tanim ni mama. Abala ako sa pagdidilig ng biglang tumunog ang phone ko.

Iniwan ko muna saglit ang mga halaman na dinidiligan ko para matignan kung sino ang tunatawag sakin. Sa sobrang pagmamadali kong madampot ang phone ko nadulas ito sa kamay ko at nahulog sa sahig. "Shit!" tili ko.

Tumigil na ito sa pagtunog kasabay ng pagtigil ng hininga ko. Patay ako kapag hindi na 'to nagwork. Dahan-dahan kong dinampot ang phone ko mabuti na lang hindi nabasag ang screen nito. Nakahinga ako ng maluwag ng muli itong umilaw.

"Thank God!" Matapos kong siyasatin ng mabuti ibinalik ko na ang phone ko sa table at binalikan ko na ang pagdidilig ko sa mga halaman hindi rin naman kasi tumunog ulit ang phone ko.

It's already seven in the evening at wala parin si mama. Nagawa ko na lahat ng pwede kong gawin dito sa bahay pero wala parin siya. Tinawagan ako ni Eli kanina para icheck ako daig pa niya si Mama mabuti pa siya naalala niya ako. Hindi ko masabi kung masyado lang bang preoccupied si Mama this last few days para pabayaan niya ako ng ganito. Hindi ko talaga maiwasang magtanim ng sama ng loob. Ano ba talagang nangyayari sa kanya? Yan ang katanungan na gustong-gusto kong mabigyan ng kasagutan. Pakiramdam ko ako na lang talagang mag-isa sa buhay.

Tumunog naman bigla ang phone ko notifying me that I received a text.

From: 09276502439
Hi.

Di ko ugaling sagutin ang mga text or tawag lalo na kung unregistered ang number. Pero out of curiosity naisipan ko siyang replyan.

Who's this? I typed and tap send.

After more than a minute ay nakareceive na rin ako ng reply.

From: 09276502439
Is this Mia de Asis?

Nagdalawang isip ako kung rereplyan ko ulit siya baka naman tinitrip lang ako nito. Ayoko din naman sa lahat yung pinagtitripan ako. Unang pumasok sa isip ko ang nakakalokong ngiti ni Eliana. Siguraduhin lang niya na hindi siya 'to. Pag tinatamaan pa naman ng katripan yun sa katawan kung anu-ano ang naiisipan niyang gawin. Sa bandang huli ay naisipan ko din siyang replyan.

To: 09276502439
Sino ba 'to and may I know where did you get my number?

Ang lakas mantrip ng mga tao ngayon kaya dapat doble ingat lalo na kung hindi mo naman kilala ang nagtetext sayo. Ilang minuto lang ay nagreply na siya. Nanlalaki ang mga mata ko ng mabasa ko ang message content.

From: 09276502439
This is Franco. I got your number from Jack, hope you don't mind?

Hindi na talaga ako makapag-isip ng maayos pagkabasa ko ng reply niya. Hindi ako makapaniwala na magagwa niyang hingin ang number ko kay Jack what more kung itext oa ako. Magagalit talaga ako kapag nalaman kong si Eliana ang nagtetext sakin. Pero bakit naman gagawin yun ni Eliana, diba? Hindi talaga ako makapaniwala na ite-text ako ni Franco. Hindi pa naman kami ganun kalapit sa isa't-isa para hingin niya ang number ko kay Jack.

Para matapos ang pag-iisip ko na di ko din naman mabigyan ng kasagutan tinawagan ko na si Eliana. Ilang rings lang ay sinagot na ni Eliana.

"Eli, please tell me na you're not tripping me!" tuloy-tuloy na saad ko.

'Ha? What are you talking about? Bakit naman kita pagti-tripan. Busy ako sa paggawa ng baby thesis ngayon.' bored na sagot nito.

"For real? May nagtetext kasi sakin, ni-claim niya na siya daw si Franco."

'Bakit ka naman itetext ng isang yun?' mataray na tanong niya. 'Unless you're not telling me something! Are you two close ba para itext ka niya?'

Uh-oh. I think bad idea na tinawagan ko si Eli baka maungkat pa na nakikipagsabwatan ako kay Jackson para magka-ayos sila at magkausap. Ngayon ko lang naalala, hindi ko pa pala naa-update si Jack about that. There is no way in hell na sasabihin ko sa kanya yun.

"Hello! Paano naman kami magiging close? Imagination mo talaga, Eli." pagrarason ko.

'Napaisip lang naman ako kasi walang magtatangkang gumamit ng pangalan ni Franco, girl. No one messes with him and you know naman kung bakit dahil karamihan sa mga nakakakilala sa kanya ay may malaking takot sa kung ano man ang kayang gawin ni Franco sa kanila. So you better tell me the truth, Mia.' paliwanag niya.

Mali talaga na tinawagan ko siya. ''Diba may ginagawa ka pa? Babye na, baka naiistorbo na kita. Ibababa ko na, a? Bye!"

Hindi ko na siya hinintay na maka-angal pa kaya pinutol ko na ang tawag. Paniguradong nagtataka siya kung paano kami naging close. Ako din naman di makapaniwala. Ito na ba ang katapusan ko? Medyo nakakatakot pa naman magalit si Eli. Umilaw ang phone ko at tinignan ko kung sino ang nagtext.

From: 09276502439
You didn't complain so it means you didn't mind.

Oh. My. Gosh. Don't tell me he's really Franco Navarro. I can't imagine him texting, not in my wildest dream. Oh my gooooooosh! I just received messages from Franco Navarro!

Maybe This Time (Maybe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon