Chapter 14: Panic

28 1 0
                                    

Pababa kami ng hagdan ni Sophia ng makita naman na may pinagkakaguluhan ang mga estudyante.

"Ano kayang happening?" tanong niya.

Halos kasi lahat ng makasalubong namin nagbubulungan. Hinila niya ako at lumapit sa may Dean's office. Nakakita siya ng kakilala niya para mapagtanungan.

"Be, anong happening dito?"

"Ewan ko, narinig ko lang na may pinatawag daw na students na na-involve sa ayaw dyan sa harap ng school." sagot ng babae.

Bumaba kami dahil may inutos na ipa-photocopy ang prof namin pero heto kami at nagkiki-chismis. "Sige, be. Salamat." sagot ni Sophia.

"Be, hindi kaya kasama sina Jethro sa mga napatawag? Kahapon kasi nakita namin sila tapos wala pa sila sa room ngayon."

"Ano bang nangyari kahapon?" tanong ko. Hindi naman ako umuwi kaagad kahapon bakit di ko alam kung anong nangyari.

"Hindi ko din alam, be. Nakasumpong kasi si Andrew kahapon kaya maaga kaming umuwi." Nagsimula na siyang maglakad patungong photocopy station habang hila niya ako.

"Palagi namang may sumpong si Andrew buti nga pasensyoso siya." Madaldal kasi siya at sa ugali ni Andrew palagay ko ayaw niya ang madadaldal.

"Kung alam mo lang, be." Nangiti na sagot niya.

Habang hinihintay namin ang mga photocopy naalala ko na pinuntahan ako kahapon ni Franco na may sugat. Hindi kaya kasama siya sa mga ipinatawag ng OSA. Baka naman sina Bryant ang kasama niya kahapon with their other members.

Pagdating namin ng room ay hinanap ng mga mata ko si Jethro at Bryant. Tama yata si Sophia kasama sila sa mga pinatawag at siguradong si Franco ang kasama nila.

Magkikita kami ngayon ni Jack kailangan niya na naman daw ang opinion ko sa gagawin niyang kalokohan. Pagpasok ko nakita ko na siya na nakaupo malapit sa bintana, malalim ang iniisip.

"Wag mong masyadong isipin si Eliana." bungad ko sa kanya. He's busy spacing out kaya di niya napansin ang pagdating ko.

Nakasuot na naman ito ng cap at uniform.

Ngumiti siya bago sumagot. "Hindi naman palaging si Eliana laman nito." turo niya sa ulo niya.

"Oo nga pala, pinaki-usapan mo ba si Franco na ihatid ako kahapon? He approached me. Nagulat pa nga ako ng makitang dumudugo pa yung kilay niya."

Nawala ang ngiti niya at biglang dumilim ang mukha niya. "Hindi ko alam na pinuntahan ka niya. Napa-away sila kahapon. Badtrip nga wala ako."

"Sila siguro yung usapan kanina. Akala ko kasi pinaki-usapan mo kasi tinangay mo yung kasabay ko umuwi. Maiba tayo, ano na palang plano mo?"

Napayuko siya at napakamot. "Hindi ko alam, Mia. She just rejected me. Ramdam ko naman pero kahapon talagang sinabi na niya sakin ng harapan. Inunahan na niya ako."

Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Ang bilis naman niyang sumuko. I can feel naman na sincere siya.

"Ganun na lang? Suko ka na? Akala ko pa naman wala kang inaatrasan."

"Ayokong ipilit ang sarili ko sa taong ayaw naman sakin." Nakita ko ang sakit sa mga mata niya ng sabihin niya sakin yun. Kailangan talagang makita ni Eliana 'to. Hindi ako papayag na they wouldn't end up together.

"I'll help you." Determinado kong sagot sa kanya. Magugustahan ka ni Eliana, I swear to cupid. Natawa ako sa naisip ko, dinamay ko pa si cupid.

Napailing na lang siya ng makita akong determinadong ipair-up sila.

Hindi na ako nagpahatid kay Jack dahil sobra na ang pagiging sipsip niya. Pag magkikita kami palagi nilang sagot ang kinakain ko natatamaan din ako ng hiya. Heto ako ngayon at nilalakad ang daan wala kasi akong nasakyan na tricycle kaya nilakad ko na safe naman sa village namin.

Inabutan na rin ako ng dilim sa paglalakad, dalawang blocks pa ang bahay namin nasa Phase ll kasi kami bandang dulo na siya ng village kaya kailangan talaga sumakay ng tricycle. Napahigpit ang kapit ko sa strap ng shoulder bag ko pakiramdam ko kasi may sumusunod sakin.

Lumingon ako sa likod ko pero wala namang nakasunod sakin. Ilang minuto akong tumingin-tingin sa paligid. Nagsisimula na akong kabahan. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinawagan si Eliana. Binilisan ko na rin ang paglalakad ko. Ilang ring lang ay sinagot na ni Eliana ang tawag ko. Hindi ko na siya pinagsalita pa.

"Eli! Nasa village nako nilakad ko lang. Parang may sumusunod kasi sakin. Natatakot nako kaya tumawag nako sayo." sumbong ko sa kanya.

"Ano?! Madilim na bakit mo naman linakad? Ikaw lang mag-isa alam mo namang maraming napapabalitang nakawan malay mo kung may nakapasok na rin dito sa village." sermon niya.

"Hindi ko naman akalain na ganito mangyayari sakin. What should I do?" kinakabahang tanong ko.

Patingin-tingin parin ako sa likuran ko kung may sumusunod na sakin.

"Relax lang, okay? Pupuntahan na lang kita. Pumunta ka sa part na may taong makakakita sayo then text me. Papasama ako kay kuya."

Pagkababa niya naghanap kaagad ako ng lugar. I texted her kung nasaan ako. Palingon-lingon parin ako sa paligid. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita ang sasakyan nila.

Kaagad akong sumakay nasa front seat silang dalawa ni Kuya Jeff. Nakuha ko pang batiin at ngitian si kuya na ikinairap ni Eliana. "Akala ko kung anong nangyari sayo. Sa susunod wag kang maglalakad ng mag-isa iba na ang panahon ngayon." paalala ni kuya Jeff.

Minaneobra na ni kuya Jeff ang sasakyan. May nahagip ang paningin ko sa ikatlong poste malapit sa kinaroroonan ko kanina. Nanindig ang balahibo ko ng may makita akong anino mula doon. Siya kaya ang sumusunod sakin kanina? Kailangan ko sigurong magreport sa mga guards.

Maybe This Time (Maybe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon