Chapter 16: Longest Ride

39 1 0
                                    

Amoy ng kape ang sumalubong sa akin pagtapak ko palang sa bungad ng building namin galing sa coffee shop sa ground-floor. Kakatapak palang ng paa ko sa unang baitang ng stairs ay may nakasalubong na akong estudyante. Sa pagmamadali niya ay nabangga niya ako dahilan para mahulog ang dala kong libro.

"I'm sorry, Miss!" aniya at madaling pinulot ang libro ko. "Pasensya na, nagmamadali kasi ako." dugtong nito pagkatapos iabot ang libro ko at nagmamadaling umalis.

Sinundan ko naman ng tingin kung saan siya pupunta at nakita kong pumasok siya sa Dean's office. Nagkibit-balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdan. Una kong nakita si Sophia sa hallway. Ng makita niya ako ay kaagad niya akong binati at sinalubong.

"Kumusta ang weekend, Mia?" tanong nito matapos akong akbayan. Nagtataka man ay sinagot ko din ang tanong niya. "Okay lang, gumawa ng kung anu-ano para hindi mainip." Tumango lang ito bilang sagot.

"May assignment ka ba sa funac? Pakopya ako, ha? Wala pa kasi si Andrew tsaka baka hindi ako pakopyahin nun." ani sophia.

"Kokopya ka lang naman pala ng assignment ang dami mo pang segwey." napailing na lang ako sa kanya. Isang nakakalokong ngiti ang isinagot niya sa akin.

Kung anu-anong bagay na ang napag-usapan namin habang hinihintay na lumabas ang mga nagka-klase sa room namin.

"Nasuspend daw yung grupo nina Franco. Kaya hindi rin siguro papasok sina Jethro ngayon." ani Sophia.

"Kanino mo naman nalaman yan?" tanong ko.

"I have my own ways!" sagot niya na sinabayan pa niya ng tawa. "Minsan ang tanga rin ng mga yun, makikipag-away na nga lang yung suot pa nila school uniform. Malamang talagang irereport sila! Dapat nagbaon sila ng extra shirt, diba?!"

"Baliw!" natatawang sagot ko.

Matapos ang ilang sandali narinig na namin ang bell hudyat na tapos na ang klase. Nagsimula ng magsilabasan ang mga estudyante kaya sumisikip na rin ang hallway sa dami ng tao. This is what I hate the most, yung siksikan na halos magpalitan na ng mukha.

Naabutan kong nagrereklamo si Sophia pagpasok ko sa classroom. "Shit! Pinagpawisan ako sa dami ng sumiksik sakin kanina!"

Nginitian ko lang siya bilang sagot. "Hindi ka nasanay."

Natigil lang siya sa pagrereklamo ng dumating na ang instructor namin sa Algebra. Bumalik na ako sa upuan ko at nagsimula ng kumabog ang dibdib ko dahil sa algebra.

"Mia, hindi ako makakasabay ngayon sayo. May gagawin kasi akong group project." ani Eliana.

Nagkita kami sa canteen sa basement at nakita ko siya kasama ang mga kagrupo niya na mukhang abala sa project na ginagawa nila.

"Sige. Mauuna na akong umuwi." sagot ko.

Madilim na ng makalabas ako ng building pasado alasais na kasi. Malalaking hakbang ang ginawa ko para kaagad akong makauwi ng bahay. Maririnig mo ang maiingay na pag-uusap ng estudyante at madalas mong maririnig ay ang mga reklamo ng mga Accountancy. Sa labas palang ng building namin maririnig mo na ang komosyon. Madalas usapan kung gaano kahirap ang quiz sa Accounting.

Siksikan na sa mga sakayan dahil dismissal kaya nahirapan akong makasakay ng jeep. Pasakay na sana ako sa jeep ng maunahan ako ng isang lalaki. Nakakadismaya na wala ng gentleman sa panahon ngayon.

Punuan pa naman ang mga jeep ngayon. Tinignan ko ang relo halos labinlimang minuto na pala akong nakatayo at nag-aabang ng jeep. Naisipan kong maglakad papunta sa may harapan ng simbahan para doon na lang mag-abang ng masasakyan.

"Wala ng matinong lalaki ngayon, friend! Hindi na lang bakla ang pineperahan at niloloko. Kapag manliligaw lang mababait ang mga hudas na yan! Kapag nakuha na ang gusto parang basura ka na lang na itatapon kung saan-saan!" sabi ng babaeng dumaan sa harapan ko.

"Ang bitter mo, be. Hindi naman lahat manloloko." sagot ng kasama nito.

Napakunot naman ang noo ko sa narinig kong usapan nila. May point din naman kasi yung babae. Sabi nga nila hindi mo naman maaalis sa lalaki ang mambabae dahil may mga lalaki talagang hindi magawang makuntento sa isa. Kaya rin siguro iniwan ang Mama dahil hindi magawang makuntento ng tatay ko.

Isang itim na Montero ang huminto sa tapat ko, lumayo ako ng konti baka sung sino pa yun.

"Mia!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Nakita kong nakababa ang bintana sa gawi ko at nakita ko ang seryosong mukha ni Franco. Nagtataka man ay bumalik ako sa kinatatayuan ko kanina at dinungaw siya sa bintana. "Uuwi ka na?" tanong nito.

Nakasuot ito ng itim na V-neck shirt. "Oo pauwi na." sagot ko.

"Come on. Ihahatid na kita mahihirapan kang makasakay ng ganitong oras." aniya.

"Thank you! Okay lang naman ako kaya ko na to."

"I insist, wala kang kasabay umuwi gabi na. Tara na isasabay na kita." pangungumbinsi niya at binuksan na rin niya ang pintuan sa front seat.

Nahihiya man ay sumakay na ako dahil mukhang hindi niya talaga ako hahayaang umuwing mag-isa. Pagkalagay ko ng seatbelt ay kaagad na pinasibad ni Franco ang sasakyan.

"Nasuspend daw kayo?" basag ko ng katahimikan. "Yeah. It's just for a week." sagot nito.

Matapos noon ay naging tahimik na naman kami. Naiilang ako sa kanya ngayon sa hindi ko malamang dahilan. Pinaglaruan ko na lang ang mga daliri ko sa pagkailang. Sinulyapan ko siya na abala sa pagmamaneho. Napansin ko ang peklat niya sa kilay na gawa ng pakikipag-away.

"It's seven stitches." maikling pahayag nito. "H-ha?" Sumulyap siya sa gawi ko at agad ding ibinalik ang tingin sa daan. "Sabi ko seven stitches ang peklat ko. Sinunod ko ang sinabi mo noong huli tayong nagkita. I went to hospital and the doctor said kailangan daw matahi."

Napangiwi naman ako ng maalala ko ang dumudugo niyang kilay. "Malalim pala yung sugat mo pero pinabayaan mo munang dumugo mabuti na lang pala at pumunta kasa ospital. Dapat yung mukha mo ang pinaka-iingatan mo kasi isa yan sa mga asset mo."

"Hindi naman maiiwasan yun." sagot nito.

Boys will always be boys. Nakita kong malapit na kami sa village namin. Hinarang kami ng mga guards dahil hindi pamilyar ang sasakyan. Binuksan ni Franco ang bintana para makausap ang mga guards. "Good Evening, Sir!" bati nila.

"Sa mga de Asis." ani Franco.

Nginitian ko naman ang guard ng makita niya ako. Ibinaba na ni Franco ang bintana matapos kaming papasukin ng mga guards. Hindi siya palasalita pero alam kong mabait naman siya.

"Dito na lang ako. Salamat sa paghatid." Tinanguan niya lang ako bilang sagot. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho." dugtong ko.

"I'll text you when I get home." sagot niya. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Pagbaba ko ay bumusina siya. Kinawayan ko naman ang sasakyan niyang palayo. Pagpihit ko sa gate ng bahay namin ay nakita kong nakatayo si Mama sa terasa ng bahay namin at nakatanaw sakin.

"Mag-uusap tayo, Mia."




Leave comments! Thanks. xoxo

Maybe This Time (Maybe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon