Chapter Twenty Three

359 16 0
                                    

Saturday. Nakakawalang gana naman. Ang boring. Huhu gusto kong gumala pero hindi pwede. Alam niyo na, mapapahamak pa ako. Nakita ko si Clarrence na palapit na sa akin. Nakasuot siya ng fitted ripped jeans at white na v-neck shirt. Ang hoooot. Anong ginagawa niya dito sa bahay? Well, may practice kasi kami mamaya sa sayaw namin para sa Mr. And Ms. Heart 2015 but ang aga niya naman.

"Aga mo ah?" Pang-aasar ko sa kanya. Tumawa lang siya at hinawakan ang kamay ko. And again, I felt the whole zoo in my tummy. Lumakas yung heartbeat ko.

"Tara na?" Tumango nalang ako. Magkahawak kamay kaming pumunta dun sa Dance Studio dito sa bahay namin.

In-on ko na yung speaker at nagpa tugtog ng Love Me Like You Do. Seducing at daring yung sayaw namin kaya hanggang ngayon at naiilang parin ako sa kanya.

Hinawakan ko yung mukha niya at pinalapit iyon sa akin, yun bang parang hahalikan niya na sana ako, lumayo ako at tinulak siya ng mahina. Hooh tae! Kinakabahan ako sa sayaw nato.

--
Natapos ang sayaw at okay naman. So far so good.

"Well, that was okay. Umm.. C-Crystal...m-may lakad kaba ngayon?" Tanong sakin ni Clarrence habang nakalagay ang kamay niya sa bulsa niya. Ang hot tignan.

"Wala naman" nakangiti kong sabi habang pinupunasan yung pawis ko sa noo. Ngumiti siya at kinuha yung bimpo ko. Pumunta siya sa likuran ko at pinunasan yung pawis ko doon sa likod.

Bumilis nanaman yung tibok ng puso ko. Palagi nalang. Enebe! You stahp it heart! Masasaktan ka lang.

"Ok then. Go out with me today" nakangiti niyang sabi. Wait-- is he asking me out on a date? Ano ba! Date agad? Baka bored lang? Oo nga. Bored lang siya.

"Hmm sure" sabi ko sa kanya at tumayo na. Nauna akong naglakad. I can feel myself getting red kasi. Nagbu-blush siguro ako.

"Wait up" sabi niya at hinawakan yung kamay ko. Eto nanaman. Minsan, may mga sweet gestures din tong lalaking to na hindi ko maintindihan eh. Ayan tuloy. Umaasa ako :3

Pumasok kami sa sasakyan niya at tahimik lang na nakikinig ng music.

"So.. Saan tayo pupunta?" Pagbabasag ko sa katahimikan.

"Hmmm, mall?" Tanong niya sa akin. Ngumiti ako at umiling. Ang mall ay isang delikado at crowded na lugar. At hindi ko pa naman kasama ngayon ang mga guards ko.

"Eh saan mo gustong pumunta?" Nagtataka niyang tanong. Kahit saan basta kasama ko. Ew ang corny ko.

"Sa Cementeryo nalang" sabi koz ngayong araw, I'll introduce him to my real parents.

"Huh? What are we going to do there?" Nagtataka niyang tanong. But I just smiled.

"You'll meet the love of my life" sabi ko. Nawala yung matamis niyang ngiti at umiwas narin siya ng tingin. Bakit? Hmmm.

"Sandali lang Renz, bili muna tayo ng flowers" sabi ko. Tumango na lamang siya. Ang tahimik niya naman.

Pagdating namin sa pinakamalapit na Flower Shop, bumili agad ako nang dalawang pinaka maganda na bulaklak. My parents deserve the best.

"Bakit dalawa binili mo?" Naguguluhan niyang tanong.

"Dalawa silang mahal ko eh" sabi ko at nginitian siya. Tumango nalang siya at umiwas ulit ng tingin. Really Renz?

Pagdating namin sa Cemetery ay agad kong hinanap ang puntod nila mommy. Nung nakita namin iyon at umupo agad ako sa grass. Ang sarap ng simoy ng hangin. Lumapit din siya sa akin at binasa yung pangalan sa puntod.

Kim Audrey S. Jones
Dark Andrew H. Jones

Tumingin siya sa akin at mukhang naguguluhan talaga siya.

Always the Bestfriend, Never the GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon