Chapter Three

600 23 1
                                    

Crystal's POV

"Renz! huhubells, nasaan kana? kanina pa kita hinihintay" kasi naman tong si Renz, sabi niya hihintayin ko raw siya dito sa gate one nang school namin, eh kanina pa ako naghihintay eh. Nag promise siya kahapon na susunduin niya ako. Tsk nakalimutan niya nanaman. 

"Sandali lang Crys, hinihintay ko pa kasi si Jessie" tch! Si Jessie nanaman. I really hate her, inaagaw niya ang bestfriend ko at ang sama pa ng ugali niya, I mean okay lang naman na Renz is dating someone else, but mas ma appreciate ko if that person would be really nice to me. Kasi other half ko si Renz, and he doesn't even like all of my suitors, hidni nanga ako nagkaka boyfriend ng dahil sa kanya. 

"tsk" yun nalang ang nasabi ko. he sighed, alam niya kasing ayaw ko kay Jessie.

"basta Crys, hintayin mo nalang KAMI diyan ah? Don't leave hanggat hindi pa kami dumadating" he commanded! at talagang diniin pa ang KAMI huh? tss. Aalis ako. Bahala siya. Ayaw kong makita yung mukha nung Jessie nayun. Sabay kasi kami ni Renz na pumupunta sa room namin because that's what we do at nag aadjust na ako sa Renz na taken.

While walking in the hallway lahat ng tao nakatingin sa akin, is it because maganda ako? sikat ako? o dahil hindi ko kasama yung Renz nayun? 

"bakit kaya hindi sila magkasama?" bulong pa ba yun? Bakit rinig na rinig ko? I just shook my head and pingapatuloy nalang yung paglalakad hanggang sa nakarating ako sa classroom namin. pagpasok ko, niyakap agad ako ni Christian, pinsan kong strikto. Parang si daddy.

"bakit hindi kayo mag kasama nung best friend mong hambog?" yup, he really hates Renz. ewan ko ba! one day, inintroduce ko siya kay Renz, nag walk out agad? sabi niya, he hates the way Renz would touch my hands, kung maka chansing raw kala mo boyfriend ko, Oo nga naman. He's a very overprotective cousin. 

"kasama GIRLFRIEND niya eh" sabi ko kay Christian. nag grin naman siya. And a creepy cousin too.

"what's with the grin doofus? its creepy" tanong ko sa kanya. 

His grin became even wider. uh-oh ano kayang iniisip ng lalaking to?

"You sound like a JEALOUS GIRLFRIEND" he said and laughed. sinuntok ko siya sa braso at nakitawa narin.

"tumahimik ka nga" sabi ko. I'M A JEALOUS BEST FRIEND. pumunta na ako sa upuan ko which is sa dulo at kinuha yung ipod ko.

While listening to Taylor Swift's song na Red, pumikit muna ako at initindi ang song. it's hard na initindihin ang isang kanta kung wala ka namang experience diba? Ako, wala pa akong na boyfriend ni isa! Ewan ko ba,  maganda naman daw ako eh. I can be good at times. Siguro dahil wala namang may ganang maniligaw sa akin? marami naman pero madali lang silang sumuko, THEY NEVER PUT AN EFFORT! minsan naman, iiwasan agad ako. bakit ba ganun? Buti pa si Renz, maraming nagkakagusto sa kanya. mga babae nga nanliligaw sa kanya eh. Sino namang hindi magkakagusto kay Renz? he's handsome, makulit, mabait (at times), he's cool, he's got this smile that will definietly melt your heart.. wait...si Renz? bakit ko siya idinediscribe? tsss.. epekto ng init ng ulo, kasi naman eh! nag promise siya sa akin na susunduin niya ako, pero hindi naman pala! ay Oo nga, nakalimutan kong  BESTFRIEND niya lang pala ako!

"loving him was red" I whispered.

"CRYSTAL! BAKIT HINDI MO KAMI HININTAY!? DIBA SABI KO SAYO HINTAYIN MO KAMI SA FRONT GATE!? ANG TIGAS TALAGA NG ULO MO" nagulat naman ako! It's Renz, with his GIRLFRIEND. sinigawan niya ako, for the first time. nakakahiya. tapos, galit pa siya. tumayo ako at tinanggal yung earphones ko.  tinignan yung girlfriend niya. Ang clingy niya talaga.

"Bakit ba big deal yan para sa'yo?" sabi ko sa kanya. Oo nga, so what kung mag is alang akong pumunta dito? 

"I told you babe, malaki nayang BEST FRIEND mo. she can handle herself. pabayaan mo na yan. tss. sabagal lang yan sa atin. wala na tayong tima para sa isa't- isa dahil sa kanya" aba! Eh ako nga yung nawawalan ng oras sa best friend ko dahil sa kanya eh.

Always the Bestfriend, Never the GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon