Crystal's POV
Nagsimula na kaming maglibot ni Renz sa mall pero ang awkward lang kasi yung mga tao grabe kung makatingin sa amin. Hindi naman kami sikat eh. Well, si Renz siguro.
Pumasok kami sa F21 kasi bibili ako ng bagong dress para sa birthday party ng kaibigan namin ni Renz this coming saturday. Pero etong kasama ko naman, nandun lang sa sulok at kung may ano-anong ginagawa sa phone niya.
May nakita akong pink na floral dress na super cute talaga kaya binili ko nalang at nagmadaling lapitan si Renz. Kawawa naman. Siya kaya yung gustong pumunta dito para gumala tapos siya pa yung mabo-bore. Di yun pwede. Tsaka hindi bagay sa kanya ang mabore no! He's super fun kaya.
So I had to do the right thing. Dinala ko siya sa arcade and hinayaan siyang mag-enjoy. He can be childish at times. But it's okay because he's cute. I mean-it's cute. I meant cute yung minsan may pagka bata siya. Oh gosh! Kapag narinig niyang nagco-compliment ako sa kanya, sure akong lalaki nanaman yang ulo niya.
"RENZ! laro tayo" sabi ko sabay bigay sa kanya ng baril, yung house of the dead kasi yung gusto kong laruin. Nagsimula na yung game at yung mga tao naman, panay picture samin. Ang ganda ko naman kasi eh. Sa first round, nanalo si Renz kaya nakipag laban ulit ako. Ayaw kong magpatalo sa isang Clarrence Matt Lim eh. Weak siya. Weeeaaaak.
"Waaah!" sigaw ko, grabe talaga, ang dami ng zombies eh, si Renz naman, tinawanan lang ako, walangya to. Eh kung tulungan niya kaya ako? Mas mabuti siguro yon!
"Renz, patayin mo na sila"sigaw ko sabay tutok kay Renz sa baril. Narinig kong tumawa yung mga nanunuod sa amin.
"Kaya mo yan Crys, ikaw na ang pumatay sa kanila" sabi niya at tumawa. Talaga bang best friend ko to? Ang duga masyado eh.
"Ayaw ko! Ampangit ng mga zobies eh. Ugh" sabi ko at tumawa. He did the same. Napatingin tuloy ako sa kanya. Ang gwapo niya talaga. Na-miss ko rin siya eh. It's been three days bago kami makapag-bonding ng ganito. Yung kami lang dalawa. I smiled at thought of that. Di ko namalayan na kanina ko pa pala siya tinitigan. Napangiti ulit ako nung nakita ko siyang tumawa. Di niya siguro napapansin na sa kanya lang ako nakatingin. Ang tingkad ng ngiti niya. Ang saya niyang tignan.
*dug dug* *dug dug* *dug dug* *dug dug*
Luh. Ano yun? Bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko!? Hinawakan ko yung dibdib ko at umiwas sa kanya ng tingin. Hindi to pwede. Kinakabahan ako. Palagi nalang akomg may nararamdaman na kakaiba tuwing kasama ko siya, pero wala lang to diba? best friends kami ni Renz at yun na yun.
"Yes!" Nagulat naman ako sa biglaan niyang pag-sigaw. Napatay niya na pala yung mga zombies kaya siya bigla nalang sumigaw. Niyakap niya ako which left me speechless. Natauhan lang ako nung nawala na siya sa harapan ko.
Nagikot-ikot pa kami hanggang sa nakita namin ang..
"BASKETBALL" sigaw naming dalawa. Mahilig talaga kaming maglaro ng basketball. Varsity siya sa school at team captain ng basketball team kaya tinuruan niya ako kung paano ito laruin. Hindi naman kasi ako puro barbies and unicorns and anything pink. Naglalaro rin ako ng basketball or soccer, thanks to Renz. Plano ko ngang sumali sa female varsity team kasi kakasimula pa lang naman ng klase pero wag na kasi magiging busy na kami since graduating nanga.
"Ang may kaunting shoots ang manlilibre ng Ice Cream ah?" sabi niya at nilagay na yung token para makapag simula na kami sa paglalaro.
"Deal" then we shook hands. Nagsimula na kaming magshoot at aaminin kong mabilis talaga si Renz, ang score ko palang ay 15 habang siya naman 25. Kaya mo to Crystal!

BINABASA MO ANG
Always the Bestfriend, Never the Girlfriend
Teen Fiction"A guy and a girl can be just friends..but at one point or another, they will fall for each other. maybe temporarily, maybe in the wrong time, maybe too late...or maybe, FOREVER" Crystal Jade Parker fell in love with her best friend. Clarrence Matt...