*riiiing...riiiing*
Tumayo na agad ako at pinuntahan si Clarrence.
"tayo na?" tanong ko sa kanya. he looked at me tapos si Jessie nanaman.
"kasi...ano....Crys, kasama ko ngayon si Jessie eh. sorry ah? babawi nalang ako next time" he said. I saw a smirk on Jessie's face. happy? tsss.
"a-ahh. ok" sabi ko at ngumiti. I'm not affected. I'm not. Okay!?
"sige. mauuna na kami ah?" sabi ni Clarrence.
"okay" sabi ko. pinuntahan ko agad si Venice tapos hinila siya.
"saan tayo?" Naguguluhan niyang tanong.
"mall" tipid kong sagot. Wala ako sa mood ngayon.
"Ha!? Eh akala ko ba mamaya pa tayo pupunta dun?" Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad habang hinihila parin siya.
"Change of plans. Ngayon nalang" sagot ko. I heard her sigh.
"Okay. But could we stop? Kukunin ko lang yung bag ko" sabi niya which made me stop. kanina ko pa pala siya hinihila. kasi naman eh! he promised! sabi niya ako yung kasama niya ngayon. Lalo na na malapit na yung Friendsary namin. nakakainis naman! what a waste of bull! iba na talaga kapag may ka relationshit-este- relationship na yung isa no? maiiwan ka nalang sa ere. tss
"tara" nakabalik na pala si Venice dala yung backpack niya. Tumango nalang ako. Naglakad na kami papunta sa Parking Lot at nagpahatid sa Driver ko.
"ok ka lang ba? kanina pa naka kunot yang noo mo" sabi ni Venice. tinignan ko siya tapos nag nod
"Oo naman" sabi ko.
"if you say so"
i breathed out HEAVILY. pupunta ako sa mall para makapag relax. kahit ngayon lang, pwede ko ba siyang kalimutan? na bubwisit ako kapag naiisip ko siya eh! UUGGGGHHH!!!!
Pagdating namin sa mall, pumunta muna kami sa jollibee at nag order ng pagkain. nag shades nalang ako kasi alam ko naman na dudumugin nanaman kami ng mga fans ko. Okay, ako na makapal ang mukha. Just bear with me. Nag order na kami at nagsimula naring kumain.
"ano ba kasi yung gagawin natin dito?" Pagbabasag ni Venice sa katahimikan.
"basta" sagot ko. she just pouted. Cutie.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa salon.
"do her hair" sabi ko sa parlorista. siya yung beki friend ko. nakita ko ang shocked expression ni Venice. you'll thank me someday.
"yes darling" sabi niya.
"nako girl, ano ba tong buhok mo. its so patay. Tignan mo oh." sabi nung bakla. I just let them do their thing. ako naman, nagpa manicure nalang
Natapos na akong manicurean ay hindi parin sila natapos so hinintay ko nalang si Venice sa waiting area at nag log-in sa facebook ko.
"And now, I present you, the newly transformed Venice Aguilar" sabi ni Johan (parlorista) tinignan ko si Venice at wow! ang ganda niya. ang straight ng buhok niya at may violet highlights pa.
"woah" I whispered. sinuot na niya yung eyeglass niya tapos ngumiti
"okay ba?" she asked me. Tumango ako at niyakap siya. Ang ganda niya. Natotomboy na ata ako eh. Mukhang mas maganda panga siya kaysa sa akin eh.
"Sobra noh. di mo naman to kailangan diba?" I asked her while holding her glasses. Ang kapal ng lens.
"k-kailangan pa eh" sabi niya at yumuko.
"bibilhan kita ng contacts. wag mo lang tong gamitin"sabi ko sa kanya. Wala siyang nagawa kaya nag nod nalang siya.
Pumunta kami sa isang eye optical at pinapili siya ng mga contact lens. Ako naman, naghahanap din ng babagay sa kanya.
"Gusto ko to"she said at pinakita sa akin yung dark brown na contacts. Maganda nga naman.
"sige" pinakita namin yun sa doctor at ginawa nanaman nila yung kanilang mga ka churvahan. Wala kasi akong alam ng mga ganitong bagay eh. Hello! I'm a Vet med. Haha.
Paglabas ni Venice, nakasuot na siya sa contact lens at binayaran ko na iyon. Sabi pa niya na siya nalang daw yung magbabayad pero nakakahiya naman nun. Ako nanga yung nagdala sa kanya dito sa Mall at siya pa yung pababayarin ko.
"Ang kulang nalang ay ang Braces mo. pwede naba yang tanggalin?" tanong ko sa kanya. Maganda naman siya kahit naka brace pero sure ako, MAS MAGANDA SIYA KAPAG WALA YAN.
"hindi pa eh" So I just nodded
"tara na sa school?" aya ko. Malapit narin kasi yung time. Baka ma-late pa kami.
While on our way, minake-upan ko muna siya at pinahirap ng spare clothes ko na nakatago lang dito sa sasakyan. Girls scout ata to. Pinasuot ko siya ng black na skater skirt at white na crop top. Buti nalang bumagay sa kanya yung shoes niya.
"Salamat talaga Crystal ah?" She said at tinignan yung sarili niya sa salimin. Ngumisi na lang ako.
"Okay lang no. And I had fun" sabi ko and shrugged.
Pagdating namin sa school, unang bumaba ay ako. As usual, marami nanamang nakatingin sa akin. Sa ganda kong to? de jk. Sumunod naman si Venice and I saw all guys staring at her. maganda nga siya diba? Drop dead gorgeous.
"hot babe"
"transferee ba yan?"
"nope. that's Venice Aguilar"
"yung tibong nerd?"
"Oo"
"wow. may igaganda pa pala yan?"it was a bit insulting pero hindi nalang namin iyon pinansin. Yumuko si Venice at binaba yung suot niyang palda. Hinawakan ko yung kamay niya para tumigil siya.
"Stop it. Ang ganda mo kaya. Wag kang mahiya" sabi ko sa kanya which made her nod.
Naglakad na kami papunta sa classroom at pagdating namin dun, huminto ang lahat sa kanilang mga ginagawa at tinignan kami. More like si Venice.
"Aguilar!?" tanong ni Jessie at tumayo. Lumapit siya kay Venice at pinagmasdan ito. Sumunod yung mga alipores noya at pinalubutan si Venice.
"po?" Nahihiyang tanong ni Venice. I rolled my eyes at Jessie.
"ikaw ba yan?" Tanong niya. Halos matawa na ako sa expression niya. Seryoso ba siya sa tanong niya?
"hehe" awkward na tawa ni Venice. Hinila ko na siya at umupo na kami aa likuran. Wala pa naman yung prof kaya tumayo si Clarrence at hinila ako. Anong problema niya!?

BINABASA MO ANG
Always the Bestfriend, Never the Girlfriend
Roman pour Adolescents"A guy and a girl can be just friends..but at one point or another, they will fall for each other. maybe temporarily, maybe in the wrong time, maybe too late...or maybe, FOREVER" Crystal Jade Parker fell in love with her best friend. Clarrence Matt...