I'm gonna miss you
"Sus! Ang akala ko pa naman ay magbabakasyon kayong lahat dito." Dissapointed na sabi ni tiya habang kumakain kami ng isaad ni mommy ang buong dahilan kung bakit kami narito.
"Believe me, tiya, I'm dissapointed, too." Sabat ko.
Mabilis naman akong nakakuha ng panlalaki ng mata kay mommy. Ngunit parang wala namang nakapansin na iba sa ibig kong sabihin sa 'dissaponted'.
"Wag kang mag-alala, ija, ipapasyal ka naman nitong si Paul o ni Mae dito sa buong Arseia." Ngiti ni tiya na plastic ko lang na nginitian.
Pagkatapos ng boring na kainan ay hinatid ako ni Mae sa magiging kwarto ko. Malaki ito kumpara sa kwarto ko sa maynila. Yun nga lang ay mas maraming gamit ang kwarto ko doon. Dito kasi ay isang malaking kama lang, lamp shade at cabinet.
"Gusto mo bang mamasyal, Charlotte?" Kaswal na tanong ni Mae sa akin.
"Hindi. Gusto ko sanang magpahinga lang ngayon." Walang emosyon kong sabi.
"Ganon ba? Sige, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka pa." Sabi pa nito bago lumabas ng kwarto.
Ipinagpasalamat ko pa sa kung sino ang pagiging hindi mapilit ng pinsan ko na yon.
Matapos kong ayusin ang mga gamit ko sa cabinet ay nagpahinga na ko. How could I survive my life here? Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Damn, walang signal. Hanep na lugar to! Pano ko macocontact ang mga kaibigan ko sa maynila!?
"Charlotte, baby!" Nagising ako kinabukasan ng naramdaman ko ang pagyugyog ni daddy sa balikat ko.
"Hmm.." Ungol ko at nagtakip ng unan sa mukha.
"Charlotte, we're going home. Kami ng mommy mo." Rinig kong sabi nya.
"Okay. Ingat." Sabi ko na lang.
Narinig ko ang buntong hininga ni daddy. Maya maya lang ay ang pagbukas-sara naman ng pinto sa kwarto. Mabilis akong napadilat at napatayo. Wala sa sarili akong humabol kay daddy sa hagdan at mabilis syang niyakap sa likod.
"Dad!" Sabi ko. Nilingon nya ko at ngumiti sya.
I hate drama but damn, I can't help it!
"I'm gonna miss you, daddy." I said between my sobs. God!
Hinaplos nya ang buhok ko habang nakayakap ako sa bewang nya. Narinig kong suminghot si daddy. He's crying!
"I'm gonna miss you, too, baby." Halik nya sa buhok ko.
"Stop making a scene, you two!" Rinig kong sabi ni mommy sa baba.
Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at tumingin sa sala ng bahay. I saw tiya, tiyo and mommy, staring at us.
Gumuhit ang ngiti sa mukha ng mommy ko. Mabilis akong bumaba ng hagdan at sa kanya naman yumakap.
"I hate you, mom! But I'm gonna miss you!" Sabi ko.
"You, spoiled brat! I'm gonna miss you, too. Be safe here, okay? I love you." Sabi nya sabay halik sa buhok ko.
Matapos ang mangilan-ngilan na bilin ni mommy at daddy sa akin ay tumulak na sila pabalik ng maynila. Anila, bukas daw ang alis nila palabas ng bansa. Business matter.
At ngayon, ito ako sa kwarto, nakahiga at nakatitig sa cellphone kong hanggang ngayon, wala pa rin signal. Really, how can I survive this life!?
"Charlotte! Charlotte!" Katok ng kung sino sa pinto ng kwarto ko.
Tamad akong tumayo sa kama at binuksan ang pinto para makita ang mukha ni Mae na nakangiti.
"Bakit?" Simangot ko. Ngumuso sya.
"Baka... Baka gusto mong mamasyal? Pwede kitang samahan." Ngiti nyang muli. Pinagtaasan ko sya ng kilay.
Hindi naman masama kung libutin ko tong impyerno na to, di ba?
"May tahimik ba na lugar dito?" Tanong ko na ikinangiti nya.
Tumango sya at mas lumawak ang ngiti, "Boro Falls."
Umirap ako sa kawalan at dumiretso sa cabinet ko.
"Teka, kita na lang tayo sa baba. Kukuha lang ako ng damit." Sabi ni Mae at saka naglaho sa pinto ng kwarto.
Kinuha ko ang isang libro sa cabinet ko at bumaba na. Masarap sanang humiga lang dito sa kama at dito na lang magbasa pero naisip ko din, pwede namang mamasyal di ba? And I'm curious about this place. Wala bang mga aswang dito?
Ilang minuto lang ay nakita ko na ang pagbaba ni Mae sa hagdan. Ngiting ngiti ito na para bang nakahanap sya ng bagong kalaro.
"Oh, saan kayo?" Rinig kong sabi ni tiya bago pa kami makalabas ng pinto ng bahay.
"Boro falls lang po, nay." Sagot ni Mae.
"Ah, ganon ba? Mag-ingat kayo don. Wag kang masyadong lumangoy sa malalim. Gusto nyo ba na ipasama ko si Paul sa inyo?"
"Hindi na po. Kaya na namin."
"Oh, sya. Umuwi kayo agad bago pa magdilim."
BINABASA MO ANG
Hidden Memories
RomanceNakaraan laban sa kasalukuyan. Kasalukuyan laban sa hinaharap. Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.