Chapter Thirty Seven

10 0 0
                                    

My Real Zachary

Pinagbuksan nya ako ng pintuan sa kanyang sasakyan. Ngumiti ako at nagpasalamat.

"Let go, Zach." Sabi ko ng hindi nya binitawan ang kamay ko kahit na kailangan na.

Umiling sya at ngumisi. "I'll never let go, babe."

"Come on! Paano tayo makakarating kung hindi ka bibitaw?" Iling ko din, natatawa.

Ngumisi sya at nilapit ang kamay ko sa labi nya. Hinalikan nya ito bago binitawan. Umiling lang lalo ako. Kapag ganito ng ganito, baka mahulog na talaga ako ng sobra. Malunod. Yung tipong kahit na anong pilit kong ahon ay hindi na ko makakawala.

"Saan tayo?" Tanong ko ng mag-umpisa sya sa pagdadrive.

"Mall?" Wala sa sarili nyang sabi.

"Mall?" Pinasadahan ko ng tingin ang relo ko. 9am pa lang! "It's so early, Zach. Hindi pa bukas ang mall."

Kumurap sya at sandaling tumingin sakin gamit ang nagtatakang mga mata. Binaling nyang muli ang mga mata sa kalsada ngunit nakakunot pa din ang noo.

"Oo nga, noh."

"Hindi mo to pinaghandaan, ano?" Tanong ko, nakangisi.

Kinagat nya ang pang-ibabang labi nya at muling sumulyap sa akin. "I'm sorry. Hindi ko napag-isipan."

Hinagilap ng isang kamay nya ang kamay ko. Nang nahanap ay pinagsiklop nya ito.

"It's okay. Pwede pa namang iba." Sabi ko at tumingin sa kamay naming mahigpit na magkahawak.

"Saan mo ba gusto?" Tanong nya hahang hinahaplos ang daliri ko.

"Anywhere, Zach."

"Sa condo ko?" Aniya sa inosenteng tono.

Nanlaki ang mata ko at hindi maiwasan ng utak ko na mag-isip ng madumi.

"What? Anong gagawin natin doon? Zach..." Sabi ko sa boses na nagbabanta.

Saglit ulit syang bumaling sa akin at ng may mapagtanto sa ekspresyon ko ay tumawa.

"Damn!" Sabi nya at kinagat ulit ang pang-ibabang labi. "Home date, babe. Movie marathon. I'll cook for us. Cuddle. Not what you're thinking... Not yet." At muling hinalikan ang kamay ko.

What? My god! Binawi ko ang kamay ko at mabilis kong nilagay ito sa mukha ko. I'm sure namumula ko! Nakakahiya! Ang green ko!

Narinig ko ang paghalakhak nya.

"Stop laughing! A-Akala ko lang..." Sabi ko habang nakatakip pa din ang mukha ko.

Mas lalo syang tumawa.

"Not yet, babe. But if you want it now-" pinutol ko ang maari nyang sabihin!

"Zachary! Stop it!" Hinampas ko na nga.

Humalakhak muli sya at umiling. Napapikit ako sa sariling kahihiyan. Damn this handsome creature!

Hanggang sa pag-akyat namin sa unit nya ay tatawa-tawa pa din sya. Habang ako ay hiyang-hiya pa din sa pagiging green minded ng utak ko. Bakit ba kasi yon talaga ang unang pumasok sa isip ko? Tss.

"Here we go." Mapang-asar na sabi nito habang binubuksan ang pinto ng unit nya.

"Will you stop, Zach? Nakakairita na!" Sabi ko sa naiinis na tono.

Tumawa ulit sya at nagkibit-balikat na lang. Pumasok sya at sumunod naman ako. Pagkapasok ay nilibot ko kaagad ang paningin ko sa buong condo unit nya. Pangalawang beses ko na ito dito pero noong unang beses ko ay hindi ko nadama ito. Kaya ngayon ay todo pasada ako sa bawat detalye ng kanyang tinitirhan.

Hidden MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon