Used you
Naririnig ko ang munting pagtatalo kahit na pikit pa ang mga mata ko. Gising ang diwa ko ngunit ayoko pang dumilat dahil sa bigat ng mga mata ko.
"Nito na ang alis namin, dad. If you want, I'll email my friend to get some tix for her." Tinig ni kuya iyon.
"Yes, please."
"Do you have to do this, Carlos? Malalayo ang anak natin sa atin."
"Your daughter is stubborn, Sharina. Makikipagkita pa rin iyan sa Vasquez na iyon!"
"Just tell her the truth. Our daughter isn't stupid!"
Dinilat ko ang mga mata ko at nakitang puro puti ang nasa paligid. Kumurap-kurap ako at napagtantong nasa ospital ako.
Why am I here? What happened? And what the fuck are they talking about?
"Charlotte, anak..." Rinig kong sabi ni mommy bago nakalapit sa akin.
Sinubukan kong umupo at nagawa ko naman. Bakit ako nandito? Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nakita kong titig na titig ang madilim na mga mata ni daddy sa akin. Si kuya at ate Sindeya naman ay nakaupo sa gilid habang si Alelie ay umaambang tatayo.
"What happened?" Namamaos na sabi ko.
Hinaplos ni mommy ang likod ko. "You collapsed earlier. But the doctor said you're now okay. Just a bit stressed... Anong ginawa sa iyo ng lalaking iyon?" May bahid na pag-aalala ang tinig ni mom.
Kumunot ang noo ko at nang napagtanto ang mga nangyari kanina ay napabalikwas ako.
"Mom, where's Zach? Anong ginawa ninyo sa kanya?" Pasigaw na sabi ko habang niligid ang paningin ko.
Hinawakan ako ni Alelie at inalalayan. Nilingon ko siya.
"Asan si Zachary, Alelie? What did they do to him?"
"Shut up!" Napatalon ako sa sigaw ni dad. Nilingon ko siya at nakita kong nakatayo na siya at pulang-pula sa galit. "Charlotte, stop it! Stop this nonsense! Niloloko ka ng lalaking iyon-"
"Dad-"
"No, Sharina. Your daughter needs to know about this!" Aniya nang pinigil siya ni mommy. "That guy is just ruining your life! Like what his father did to my sister-"
"Dad... Ang tagal na non! That was... what? Century ago? You all can't move on-"
Lumapit si dad sa akin at lumagapak ang palad niya sa aking pisngi. Nanlaki ang mata ko at hindi ako agad nakabawi.
Dad slapped me...
"Niloloko ka ng gago na iyon!" Sigaw niyang muli. "Habang nilayo ka niya, may nabuntis siyang iba! Just like his father!"
Nilingon ko siya sa gulat. Nanliit ang mata ko. This isn't my father. I never saw him this angry, I never saw him lying... This isn't him...
"Dad... don't lie. Hindi ko kailangan ng pagsisinungaling para lang mapalayo niyo ako sa kanya. Hindi ito tatalab-"
Napapikit si daddy at tumakas ang kauna-unahang luha na nakita ko sa kaniya sa tana ng buhay ko.
Umiling siya. Hinatak siya ni kuya at may binulong sa kanya. Patuloy lang sa pag-iling si dad hanggang sa muli niya akong hinarap.
"If you get hurt... anak... don't dare come to me." Matigas na pagbabanta ni daddy.
Bumuhos ang luha ko. Padarag na sinarado ni daddy ang pinto. Tinitigan ko iyon hanggang sa hinawakan ni mommy ang magkabilang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Hidden Memories
RomanceNakaraan laban sa kasalukuyan. Kasalukuyan laban sa hinaharap. Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.