Chapter Fifteen

7 0 0
                                    

Future

I'm no angel but I'm not a devil. I may be a brat but I have a feelings, too. Hindi ako naniniwala na sa murang edad, makakaramdam ka ng malalim na pag-ibig. Pero nang makita ko ang hagulgol ni Mae at pagmamakaawa ni Mark kina tiyo, parang gusto ko ng maniwala. Parang gusto ko ng bitawan lahat ng pinapatunayan ko sa kanila.

"I'm sorry." Bulong ko at nilingon si Mark.

Tahimik sya at tulala sa buong byahe papunta sa mansyon nila.

"Mahal ko sya. Mahal ko ang pinsan mo, Charlotte." Seryosong sabi nya at pumikit. Nakita ko ang pagtakas ng luha sa mga mata nya.

Wala akong masabi. Gusto kong tumutol, pero ayaw ko din. Somehow, naintindihan ko sila. Pero ito ang sinasabi ko, kahit saang anggulo mo tignan, mali. Mali kaya masasaktan lang sila. And now, nasasaktan sila. Dahil pilit silang pinaglalayo.

Huminto ang tricycle at agad kong naaninag ang mansyon na kahit isang beses ko pa lang na napuntahan, pamilyar na sa akin. Bumaba ako, sumunod si Mark.

Napalingon ako ng biglang bumukas ang gate ng mansyon nila at lumabas ang mala anghel at mala prinsepeng lalaki.

"What happened?" Matigas na sabi nito ng pasadahan ng tingin si Mark.

Mabilis ang paglapit nya sa aming dalawa. Mark is such a mess. Puno ng putik ang puti nyang damit, magulo ang buhok, may dugo sa labi, pasa sa ibaba ng mata at blood shot. At kagagawan to ng pamilya ko.

"I'm sorry, Zachary." Sabi ko ng tinignan nya ko.

Kumunot ang noo nya, "Ano bang nangyari? Mark?"

"Babawiin ko si Mae," malamig na sabi ni Mark, "hintayin ng tiyo mo, balang araw, makukuha ko si Mae at wala na silang magagawa pa."

Umuwi ako ng tahimik na ang bahay. Hindi ko alam kung nasan sina tiya at tiyo. Pero si Paul, diretso ang titig sa akin habang papasok ako ng bahay. Nilabanan ko ang paninitig nya at inirapan sya. Mabilis akong umakyat sa hagdan para sana puntahan si Mae ng higitan nya ang braso ko.

"Stop it, Paul, I don't wanna talk to you." Agad na sabi ko at pumiglas sa pagkahawak nya.

"Pumunta ka sa mga Vasquez?" Nahimigan ko ang galit sa boses nya at mas lalong humigpit ang hawak nya sa braso ko.

Hindi pa ko nahawakan ng ganito! Naiirita ako at nabibwisit.

"Ano naman?" Inis na sabi ko, "Bitiwan mo nga ako!"

"Hindi ba talaga kayo titigil ni Mae? Ano bang hindi nyo maintindihan sa bawal?" Galit na sabi nito at marahas akong binitawan.

Hinimas ko ang braso ko atsaka kalmadong nagsalita, "Wala akong kailangan intindihin dahil wala akong ginagawa na bawal."

"Bawal ang mga Madrigal sa Vasquez, Charlotte!" Halos pasigaw nya itong sinabi dahilan para lalo akong mairita.

"Wala akong pakialam, Paul! I dont care about your issues-"

"Isyu ito ng pamilya natin! Hindi lang isyu namin!"

"Wag mo kong sigawan!" Sigaw ko din.

Napapikit sya hinilot ang sentido nya, "Lumayo ka sa mga Vasquez. Yon lang ang hinihingi ko. At matatahimik na ang pamilya natin."

Buong gabi akong hindi makatulog. Ano ba talagang meron sa mga Vasquez at halos isumpa sila ng pamilya ko? At bakit ba nadadamay ako sa relasyon ni Mae at Mark? As far as I know, isa ako sa tutol. Dahil alam kong mali. What I didn't understand here is masyado silang OA.

Pwede naman silang paghiwalayan ng walang nasasapak, ng walang humahagulgol ng todo at ng walang sumpaan ng pamilya. Pero bakit sobrang kumplikado nito? Ang gulo. Wala akong maintindihan.

Isang araw, laking gulat ko ng bumungad sa akin si mommy at daddy. They are here! Naguusap sina tiya, tiyo, mommy at daddy sa sala. Nilingon ko ang kwarto ni Mae ng may marinig akong ingay.

Naglakad ako palapit sa kwarto nya at mas malinaw kong narinig ang mga hikbi ng buksan ko ang pinto ng kwarto. Nakadapa sya habang nakasubsob ang mukha sa unan. Just like Mark, she's also a mess.

"Still crying?" Mataray na sabi ko at umupo sa kama nya. Hindi sya lumingon, "Stop it, Mae! Magkakasakit ka lang sa pag-iyak."

Gumalaw ang kama ng umupo sya, umiiyak pa rin. Magang maga ang mga mata nya. Halos isang linggo na syang umiiyak at hindi magandang pangitain yon. Lalapit ang sakit sa kanya.

Isang linggo na syang nakakulong sa kwarto nya dahil hindi sya pinapalabas. As of me, isang linggo na din akong ganon. Boring pero kailangan. Pinagbantaan kasi ako ni Paul na kung aalis ako ng bahay, susundan nya ko at isusumbong. Dont get me wrong, hindi ako natatakot sa kanya. Naiirita, oo. Nakakatamad lang talaga lumabas ng kwarto lalo na kung araw araw mong maririnig ang pagtatalo nila sa paulit-ulit na issue.

"Gusto ko na lang mamatay." Sabi nya sa gitna ng mga hikbi nya. Napailing ako, "Mahal na mahal ko si Mark. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kung wala sya."

"Stupid," bulong ko, "You can still live your life without him. He is not the water, the food. And he is not definitely your family."

Nag-angat sya ng tingin sa akin at kahit na nahahabag ako sa nakikita ko, nakipagsukatan ako ng titig sa kanya. I just want her to wake up to this situation!

"I don't know what the hell is really happening here, Mae," sabi ko at nagtaas ng kilay, "hindi ko alam ang mga sinasabi sa akin ng kuya mo. Wala akong alam kung bakit galit na galit si tiyo kay Mark o sa pamilya nya. But if you can see, pinapapili ka na ng pamilyang to."

"Pipiliin ko si Mark." Walang pagaalinlangan na sagot nito.

"Hindi na kita tatanungin. 'Cause I know that you're stupid." Irap ko.

Nasaktan na nga, baluktot pa rin ang mga desisyon. Ganon ba talaga kapag nagmamahal?

"Hindi ako tanga, Charlotte." Hikbi nya.

Umiling ako, "Tanga ka, Mae. Dahil kung hindi ka tanga, pamilya ang unang pipiliin mo."

"Pero sinasaktan ako ng pamilyang to!" Tumaas ang tono ng boses nya kaya nairita ako.

"Tanga nga." Iritadong sabi ko, "hindi ka nila sinasaktan. Sinasaktan mo ang sarili mo! Can't you see? Kaya galit sina tiyo, dahil bata ka pa! Bata pa kayo! Sa tingin mo, kapag pinili mo si Mark? Anong mangyayari?"

"Magiging masaya ako. Dahil mahal ko sya." Mariin syang pumikit at humikbi.

Naiinis na ko sa mga sagot ng babaeng ito!

"Oo, siguro nga, magiging masaya ka sa una. Pero pag tumagal? I don't think so, Mae. You're just fourteen. Pati sya. Anong mararating nyo? Anong maipagmamalaki nyo? Yang pagmamahal na sinasabi nyo? Papakain nyo sa mga magiging anak nyo? Don't just think about the present, Mae, think about the future."

Napadilat sya at parang natauhan. Umiling ako ng lumapit sya sakin at yumakap. Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng to. Hindi ko maintindihan ang pag-ibig.

Hidden MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon