Screamin'
Tinitigan nya ko gamit pa rin ang madilim nyang ekspresyon.
"Stop the sexy dance, Charlotte. 'Cause if you won't..."
Tinawag nya ko sa pangalan ko!
Kumunot ang noo ko at kahit na parang tanga na kumakabog ng husto ang puso ko, nagsalita pa din ako, "If I won't?" Sabi ko at nagtaas ng kilay.
Sa gitna ng maingay at malakas na music, sa gitna ng mga taong lasing at nagsasayawan... at sa gitna ng naghuhurumintado kong puso, nilapit nya ang mukha nya sakin.
Hindi ako pumikit o kumurap man lang. Thanks to you, beer, vodka and whiskey at kahit na kabado ako, hindi ako nakaramdam ng pagkataranta.
"If you won't... Any minute from now, you'll be on my bed, naked and screamin' my name." Malamig na sabi nya at iniwan ako sa dance floor.
Kinaumagahan, sumakit ng husto ang ulo ko. Ni hindi ko na nga maalala kung paano pa ko naka-uwi. Ang tanging naaalala ko lang, matapos sabihin sa akin ni Zachary ang nakakapangilabot nyang line, hindi na ulit ako tumayo at nagpunta sa dance floor. Nilaklak ko na lang ang lahat ng alak na nakita ko. Kainis!
Takot ko lang at seryoso pala yung gago'ng yon at ikama nga ako, ano!
Tumunog ng pagkalakas-lakas ang phone ko na agad ko namang dinampot. Walang ano-ano ko yong sinagot kahit na hindi ko tinignan kung sino ang tumatawag.
"Letse, Charie!" Malakas na boses ang nagsalita sa kabilang linya.
Nailayo ko pa sa tenga ko ang phone at tinignan kung sino ang tumawag.
"Problema mo!" Inis na sabi ko sa phone at umupo sa kama ko.
Napahawak ako sa ulo ko na kumikirot pa. Damn, I won't drink again!
"Kainis! On the way na ako dyan at masasampal talaga kita!" Sabi ni Ruru sa kabilang linya at binabaan na ako.
Umirap na lang ako sa kawalan.
"Nasaan si Alelie, manang?" Tanong ko kay manang ng ihain nya sa harap ko ang mainit na soup.
"May saturday class daw iyon." Sagot nya at nagpamewang.
Kumunot naman ang noo ko ng tignan ako ni manang gamit ang matatalim na titig.
"Bakit po?" Tanong ko at humigop sa soup.
"Galit na galit ang kuya mo kagabi. Lasing na lasing ka ng iuwi ka noong lalaki na kasama mo." Sabi ni manang dahilan para masamid ako at maubo.
Nataranta sya at inabutan ako ng tubig. Lalaki?! Sinong lakaki?!
"L-Lalaki po, manang?" Tanong ko at halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko.
Si... Zachary ba? Palihim kong kinapa ang pagkababae ko! Anong nangyari? Hindi naman masakit. May nangyari ba? Oh my god!
"Oo. Iyong lalaki. Gwapo, e. Matangkad. Ayos sana, magalang. Kaso hindi nagustuhan ng kuya mo ang itsura mo. Kaya ayon, galit." Habang nagsasalita si manang, parang nagslow-motion talaga ang bibig nya.
Gwapo? Matangkad? Gwapo at matangkad si Zachary! Magalang? Hindi ko lang alam. My god! Ano ba? Paanong nagkasama kami ni Zachary? Binenta ba ko ni Ruru? Kaya ba tumawag sya sa akin kanina?
Habang nagrarumble ang utak ko sa mga tanong na naiisip ko, bigla namang bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa si kuya Carlo na pawisan. Nagjogging yata.
Mabilis ang paghakbang nya papunta sa kusina, sa akin.
"Charlotta!" Matalim ang titig na ipinukol nya sa akin ng humalukipkip sya sa harap ko, "Bakit lasing na lasing ka kagabi? At lalaki pa talaga ang naghatid?"
Napalunok ako, "Birthday ng kaibigan ko. Nagpaalam ako kina daddy." At hindi ko pwedeng sabihin na hindi ko maalala kung bakit may kasama akong lalaki.
"Nagpaalam ka din ba kina daddy na maglalasing ka at magpapahatid sa lalaki na hindi naman namin kilala? It's not Ruru, Charlotte, or Moris! Ibang lalaki!" Tumaas ang boses ni kuya dahilan para mairita ako.
"Stop the questions, please! Hindi na ako bata!" Inis kong sabi.
"Not because you are now eighteen, pwede mo ng gawin ang lahat!"
"Fine! Alright! I'm sorry. I won't do that again!" Sabi ko at umirap. Yan lang naman ang hinihintay nya.
Tinitigan nya ko ng masama. May sasabihin pa sana sya ngunit nag-ring ang phone nya. Kinuha nya yon sa bulsa nya at tinignan. Kumunot ang noo nya.
"We're not yet done, young Madrigal!" Seryosong sabi nya at umalis na sa kusina.
Kuya's sometimes a joker, but always a protective brother. Sa sobrang protective, nakakairita na. Hindi na kaya ako bata.
Matapos kong humigop ng soup ay nagtext ako kay Ruru.
Ako:
Where are you?
Naiirita ako sa dami ng tanong sa utak ko. And thank god, makalipas lang ang ilang minuto ay dumating na si Ruru.
"Babae ka!" Malakas na sigaw nya at sinalubong ako ng hampas.
"Aray naman!" Sabi ko at hinimas ang braso ko.
"Kainis! Bakit ba ang ganda mo?" Sabi nya at umupo sa tabi ko.
"Ha?"
"Ano bang gayuma ang pinainom mo sa lalaki na yon? Wala ka na ngang regalo sa tao, hindi mo pa binati ng maayos. Pero lintek, nabaliw na yata sayo." Tuloy tuloy na sabi nya.
Wala pa di akong maintindihan. Anong gayuma? Regalo? Bati ng maayos?
"Ano?" Pinagtaasan nya ko ng kilay, "Oh my god!" At nanlaki ang mata, "Wala kang maalala?"
Nakahinga naman ako ng maluwag ng ikwento nya ang lahat sa akin.
Aniya, matapos ko daw laklakin ang lahat ng alak na nakita ko, tsaka dumating si Arkinn at ako agad ang hinanap. Pero it turns out, embang na ako at tulog sa sofa. Si Ruru at Moris daw sana ang maghahatid ngunit pinigilan ni Arkinn at sinabi na sya na lang.
"Kahit ito na lang ang gift mo sa akin." Ani Arkinn kay Ruru.
Muntik pa nga daw magsuntukan si Moris at Arkinn dahil na misunderstood nito ang sinabi na yon ni Arkinn. Pinilit na lang ni Ruru na pumayag si Moris sa gustong mangyari ni Arkinn na paghatid sa akin. Pumayag si Moris pero ang hindi alam ni Arkinn, sinundan sya ni Ruru at Moris.
"Paano nalaman ni Arkinn ang bahay ko?" Tanong ko ng matapos syang magkwento.
"I gave him your address para maayos kang maihatid. At alam mo ba, binuhat ka nya, bridal style! Hindi ko nga lang nakita ang reaksyon ng kuya Carlo mo ng makita nyang buhat ka ni Arkinn."
And that was it. Hindi si Zachary ang lalaking naghatid sa akin sa bahay.
And I'm still a Virgin!
BINABASA MO ANG
Hidden Memories
RomantizmNakaraan laban sa kasalukuyan. Kasalukuyan laban sa hinaharap. Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.