Hallucinating
Two years ago, sabi ko sa sarili ko, kakalimutan ko na sya. Pati ang mga pangakong binitawan nya. Kagabi, sabi ko sa sarili ko, huling iyak ko na yon para sa kanya. Na hindi na ko magpapaapekto. Alam ko na hindi ko napaghandaan o naisip man lang ang pagkikita naming muli. Pero iyon ang dapat. Wag magpaapekto. Kaya kung bakit nagbabara ang lalamunan ko ngayon ay hindi ko alam.
"Ang gwapo talaga, noh! Tao ba talaga yan?" Manghang-mangha na sabi ni Ruru habang nakapangalumbaba.
Ngumisi si Zachary sa kung anong sinabi ng mga katabi nya. Napapikit ako. Maging ang ngiti nya, nag-iba.
"Madami na kong nakasalamuha na gwapo, but he is more different." Pagsang-ayon ni Yumi.
At hindi ko alam kung bakit parang kinurot ng kaunti ang puso ko doon.
Dumating ang professor namin sa subject na yon at doon lang sila tumigil sa pag-puri kay Zachary. At halos gusto kong lapitan ang prof. namin at pasalamatan sa hindi malamang dahilan.
"Uyy! Charie, hintay naman!" Sigaw ni Ruru ng magmadali ako palabas ng classroom matapos magpaalam ng professor namin na si Mrs. Aruante.
Patalikod akong kumaway at sumigaw, "Cr break, Ru."
Tumakbo ako pababa at papasok sa cr ng building at halos magpasalamat ako sa lahat ng santo ng maabutan na walang tao sa loob.
Agad naman na nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko. Ano ba tong pakiramdam na to! Ni hindi ko na alam kung ano bang iniiyak ko.
Ang weird ng pakiramdam. Wala akong maintindihan. Five years ago, he said that he likes me. No, he said that he loves me. He even promised that he'll come back for me. Pero hindi sya bumalik. And now, magpapakita sya sakin na para bang wala syang pangako na binitawan? Magpapakita sya sakin na para bang hindi nya na ko kilala.
Sa totoo lang, kating-kati na kong lapitan sya. Kating-kati na kong sampalin sya at sigawan. Kating-kati na tong dila ko para manghingi ng eksplinasyon para sa mga nangyare at mga nangyayari ngayon!
Pero ayoko.
Ayoko kasi natatakot ako.. natatakot ako na baka tama tong iniisip ko. Baka tama ako na hindi nya na ko kilala. Na hindi nya na ko maalala. Na laro lang ang lahat ng sinabi at binitawan nyang pangako sakin.
I'm scared because maybe, we're not in the same page. Umasa ako habang sa kanya, laro lang pala ang lahat. And it hurts.
Natapos ko ang limang klase ko kahit na medyo lutang ako dahil sa pag-iyak sa cr. Ang bigat pa din ng pakiramdam ko. Buti na lang at wala pang masyadong lesson ngayon.
Tinext ako kanina ni Alelie na may last subject pa daw sya at kung pwede, hintayin ko sya para sabay na kaming umuwi na sinagot ko naman ng okay lang.
Kaya ngayon, ito ako, tulala sa library. Ewan ko din kung bakit dito ko napiling maghintay. Maybe because walang maingay. And for now, I want a peaceful place. Kumuha din ako ng isang libro para props kay Ms. Librarian.
Nangunot ang noo ko ng mahagip ng tingin ko ang tatlong lalaki na nagsisikuhan at nagbubulungan sa kabilang lamesa habang nakatitig sa akin. Namula naman ang pisngi noong nasa gitna ng napansin nya ang pag-tingin ko sa kanila. Yumuko ito na para bang nahihiya. Sa tanya ko, mas bata sila ng dalawang taon sa akin.
Umiling ako at napangiti. Alam ko yung mga ganyan.
May binulong yung lalaking nasa kanan na dahilan ng pag-iling ng lalaking nasa gitna. Pero kalaunan, tumayo ito at nagkamot ng ulo. Cute.
Tinitigan ko sya ng tinahak nya ang daan palapit sa akin. Nagtaas ako ng kilay ng huminto sya sa harap ko.
"Anong kailangan?" Ngisi ko.
Usually, kapag may ganito, binabara at sinusungitan ko. Pero dahil sa cuteness ng lalaki na to, hindi ko magawa.
Nagkamot ulit sya ng ulo, "Ah-eh.. Kasi... ano po... p-pwede ko po bang... m-malaman ang pangalan m-mo?" Utal utal na sabi nito.
Natawa ako at napakagat sa pang-ibabang labi. Ang cute. He has this chinito eyes, pointed nose, thin lips and rossy cheeks. Mapayat lang din sya at maputi. At kung tatayo ako, paniguradong one inch lang ang tangkad nya sakin.
"Why do you want to know my name?" Mahina ngunit natatawa kong sabi.
"D-Dare lang po." Sabi nito at namula pa lalo ang pisngi.
"You are so cute." Sabi ko at mas tinitigan pa sya.
Nanlaki ang mata nya, "P-Po?"
Lalo akong natawa sa reaksyon nya. Tumingin sya sa likuran ko pabalik sakin at mas lalong nanlaki ang mata. Nagtaka naman ako. And when I'm about to turn around, kumaripas na palayo si cute guy.
Napailing ako at napa-pout na lang. Sayang. Gusto ko pa sanang pagkatuwaan.
Nilingon ko ang pinanggalingan ni cute guy at nakita kong nagtawanan ang mga kasama nya. Nilapitan sila ni Ms. Librarian at mabilis silang umalis palabas.
"You're flirting with an twelve year old guy." Halos mapatalon ako ng marinig ang malamig na tinig na yon.
Pumikit ako. Naghahallucinate na ba ko? My god!
"But you didn't even bother to look at me." Mas malamig pa na sabi nito.
And for some reason, kumabog ng husto ang dibdib ko.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at halos mapatalon ako ng mapagtanto ko ang lahat. I'm not fucking hallucinating. He's real. Zachary Vasquez is now talking to me.
BINABASA MO ANG
Hidden Memories
RomanceNakaraan laban sa kasalukuyan. Kasalukuyan laban sa hinaharap. Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.