Will
Isang linggo. Straight, ang hindi pagpasok ni Zachary sa klase. Hindi ko nga lang alam kung sa klase lang ba na kaklase ko sya o maging sa ibang subject nya pa. Hindi ko rin kasi sya nakikita sa cafeteria kapag lunch. O kahit makasalubong man lang kahit sa corridor o kahit saang lupalop ng school. Ayoko din naman magtanong kay Arkinn at kung ano pa ang isipin non.
Not that I'm worried.
Noong wednesday kasi, may natanggap akong note with box na naglalaman ng napakaraming chocolates sa bahay pagkauwi ko galing sa school. Paliwanag ni manang, magtatapon lang daw sana sya ng basura ng makita nyang may box sa labas ng gate. Sayang naman daw at baka makuha pa ng iba. At nakita nya pa daw ang pangalan ko kaya kinuha nya na talaga.
At sabi sa note,
'Hope you'll forgive me, Charlotte.'
Ayon lang. Hindi naman sa nagaassume, pero unang pumasok talaga sa isip ko ay si Zachary. Kanino lang ba ako nagalit?
Pumasok pa nga ito sa isip ko. Ano kaya ang hinihingi nya ng tawad? Ang pagsira sa pangako, o ang pagnakaw ng halik? Pero alin pa man don, alam kong patatawarin ko na sya.
Time to let go.
"Bakit andaming chocolate sa ref mo, Charie?" Tanong ni mommy habang kumakain ako ng pop corn at tutok sa tv.
Kahapon lang, saturday, dumating sina mommy at daddy. And as usual, busy pa din sa trabaho si daddy habang si mommy, balik na sa pagiging strikrang house wife.
"Binili ko, my. Ang tagal nyo, e." Sabi ko at binalingan si Jiro na naglalaro ng mga cars nya.
Nagdedaydream yata na nagsasalita ang mga kotse dahil nagsasalita sya. Napangisi ako. Ang cute ng bunso namin.
"Ikaw talaga! Hindi ka makapaghintay. Parang isang buwan lang." Umiling si mommy at binuhat si Jiro, "Take a bath na, Jiro."
"Almost two months kaya. Wag nyo na sama ulit si Jiro kapag lalabas kayo ng bansa. Malungkot ang bahay kapag wala yan si kulit." Tumayo ako at hinalikan si Jiro sa pisngi.
Jiro is an addopted child. Three years old na sya ngayon. Tatlong buwan pa lang si Jiro noong nakita sya nina mommy at daddy sa tapat ng gate namin. Nakita sa cctv ang babae na nag-iwan, pero nakatakip ang mukha. Hindi na namin hinabol o nireport pa. Legal addoption ang naganap kaya ang apilidong Madrigal, dala-dala ng isang Jiro Carl.
Hayaan na dahil mula naman ng dumating ang batang ito sa amin, halos wala ng mapaglagyan ng saya ang pamilya namin.
Martes ng muling pumasok si Zachary sa klase. Tinitigan ko talaga sya tagos kaluluwa ng papasok sya sa classroom. Habang sya, todo naman ang pag-iwas ng tingin sa akin.
"Gusto kong lapitan si fafa Zach at tanungin kung bakit ngayon lang sya pumasok." Sabi ni Ruru at nag-pout.
"Edi lapitan mo. Go, Ru!" Ani Julia at tumawa.
"Ayaw mo? Ako ang lalapit?" Si Yumi naman na natatawa. Nilingon ko sya at nakita ko ang ang pagtitig nya kay Zachary.
Whatever!
Sa kalagitnaan ng pagququiz namin sa pang-apat na klase ko, nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko yon sa bulsa ko at sinilip.
Napairap na lang ako sa nabasa.
Zachary:
Parking lot, after class. BMW M6. I'll wait.
Nag-uutos? Ngumuso ako at tinago ulit ang cellphone ko. Napangisi ako ng may maisip.
Matapos ang pang-apat na klase ko, dumiretso ako sa parking lot. Sinisigurado na naghihintay nga sya. And when I saw him, sa tabi ng kotse nya, nakahalukipkip at nakatunganga, tinext ko na.
Ako:
Okay. Otw.
Nakita ko ang mabilis na pagkuha nya ng phone nya sa bulsa nya, may binasa. Huminga sya ng malalit at saka nilibot ang paningin. Nagtago ako at bumungisngis. At ng masigurado ko na tuliro na sya, tsaka ako umalis.
Ang totoo nyan, may pang-huling klase pa ako. Kaya pupunta ako sa klase ko na yon ngayon.
Umupo ako sa armchair ko at dinungaw muli ang phone ko na may bagong text. Galing sa kanya.
Zachary:
I can't see you. Where are you?
Ako:
I'll be there, Vasquez. Just wait for me.
Ngumisi ako at pinatay na ang phone. Maagnas ka sana dyan! Kainis! Mang-utos ba!
Matapos ang halos isang oras at kalahati kong klase, mabagal ang bawat kilos ko. Ang pagliligpit ng gamit lalo na ang paglalakad pababa ng building.
Ginugutom yata ako.
Kaya naman ng makababa ako ng building, dumiretso agad ako sa cafeteria at kumain. Mabagal ang bawat pagsubo ko ng pagkain at panay ang ngisi ko sa lahat ng taong nahahagip ng paningin ko.
Nang matapos akong kumain, nagretouch muna ako at saka tumunganga. Hindi ko nga lang alam kung ilang oras na kong nakatunganga ng natauhan ako na madilim na pala.
Tumayo ako sa kinauupan ko at inayos ang shoulder bag bago lumabas ng cafeteria. Pinasadahan ko ng tingin ang relo ko, tatlong oras. Malamang sa malamang, wala na ang lalaking iyon. Nainip na at umuwi.
Pero para makasiguro, dumiretso pa rin ako sa paking lot bago lumabas ng school.
At talagang nanlaki ang mata ko at nangunot ang noo ko ng maaninag ko na nandon pa din sya, prenteng nakasandal sa sasakyan nya at nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa nya.
At ng magtama ang tingin namin, nanlamig talaga ako.
Umayos sya sa pagkakatayo. Ako naman, kabadong lumalapit sa kanya. Oh fuck! Naghintay sya?
Anong idadahilan ko? Na masarap syang paglaruan? Oh shit!
"Uh.. Natagalan ako. Bakit naghintay ka pa?" Sabi ko ng makalapit ako sa kanya, kabado.
Kumunot ang noo nya, halatang naiinis pero pinipigilan.
"When I say I will wait, I will." Aniya sa malamig na tono at binuksan ang pinto ng passenger seat ng sasakyan nya, "Let's go."
BINABASA MO ANG
Hidden Memories
RomanceNakaraan laban sa kasalukuyan. Kasalukuyan laban sa hinaharap. Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.