Just Today
In the end ay isang Romance ang napili naming panoorin kung saan ang dalawang bida ay namatay. It's sad. Halos bumaha ng luha ko habang nanunuod kami. Samantalang ang katabi ko naman ay panay lang ang titig sa akin at haplos sa balikat ko.
Natapos ang palabas at wala na akong ibang maalala. Sa bigat ng mga mata ko sa pag-iyak ay nakatulog na lang ako.
Nagising ako mula sa panaginip na ang tanging naalala ko na lang ay ang mga matang madilim. Kinusot ko ang mga mata ko at napagtanto kong nasa kama na ako. Wait... Kanina noong nakatulog ako ay nasa sofa kami at nasa bisig ako ni Zach! Nilingon ko ang tabi ko ngunit wala sya. Pinasadahan ko din ang relo sa itaas ng ding-ding. It's already 2:00! Nakatulog ako ng 11am!
Mabilis akong bumangon at lumabas ng kwarto. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nanuot na sa pang-amoy ko ang isa sa mga paborito kong ulam! Nagmartsa ako papunta sa kusina kahit na nakapaa pa ako. Sinuklay ko din ng daliri ko ang aking buhok.
"I said no! You can't go to my unit!" Sabi ni Zachary.
Kumunot ang noo ko at dinungaw sya sa kusina. He's topless again! May hawak syang sandok habang ang isa namang kamay ay hawak ang phone na nakatapat sa tenga.
"I'm with someone." Mahinahon na sabi nya sa linya.
Sino kayang kausap nito?
"No, Yumi. Of course not! Just... Let me be with her today. Just today."
Yumi? Let him be with... me? Just today?
Binaba nya ang phone at laking gulat nya ng pag-lingon nya ay nakita nya ako. Pinilit kong ngumiti. Kahit na pakiramdam ko ay sinasaksak na ang puso ko.
What does that mean? Hayaan syang makasama ako kahit na ngayong araw lang? Shit! I don't want to deny it but... maybe I'm hurt. Pero anong karapatan ko, di ba? Anong karapatan kong masaktan?
"You..." Aniya, hindi makakuha ng sasabihin.
Umiling ako. "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang makinig." Sabi ko at ngumisi.
Umiling din sya. Magsasalita sana ngunit mabilis akong lumapit sa niluluto nya.
"Adobo! Wow!" Sambit ko sa masiglang tono. "Paborito ko to!"
Kinuha ko ang sandok sa kanya at nagsalok ako ng konting sabaw. Tinikman ko yon and wow, ang sarap! Naalala ko tuloy ang una't huling tikim ko sa adobo ng lola nya sa Boro.
Damn, it hurts. Lalo na sa twing naalala ko ang nakaraan. Ang sakit lang! Ang sakit lang na nakaraan na yon at marami ng nagbago ngayon.
"Natutunan mo ang recipe na ito sa grandma mo, ano?" Sabi ko ng hindi sya nililingon.
Hindi sya sumagot kaya naman tinignan ko na. Tinititigan nya ako na para bang hindi nya maintindihan ang inaasal ko. Ngumiti akong muli at pabirong kumay sa mukha nya.
"Ang sabi ko, natutuhan mo itong recipe na ito sa grandma mo?" Nakangiti pa din.
Tumango sya ngunit nakakunot ang noo.
"Alam mo ba, isang beses pinatikim mo ko ng adobo ni grandma mo!" Sabi ko habang nagmamartsa naman palapit sa mesa. "Simula non ay naging paborito ko na ang adobo! Yang luto mo, katulad na katulad ng lasa ng sa grandma mo."
"Really?" Aniya, nanliliit ang mata.
Tumango ulit ako. "Lika na! Kain na tayo! Nagutom ako sa amoy." Ngumuso pa ko para magmukang makatotohanan.
Panay titig sya sakin habang kumakain kaya panay naman ang ngisi ko at pag-puri sa niluto nya.
Nang matapos kaming kumain ay sya namang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ito and it's mom. Anong problema?
BINABASA MO ANG
Hidden Memories
RomantizmNakaraan laban sa kasalukuyan. Kasalukuyan laban sa hinaharap. Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.