Alipin
Sa gabing yon ay halos hindi ako nakatulog. Thinking about what he said... Anong ibig nyang sabihin? Damn!
"Malapit na ang exams. How's school, Alelie, Charlotte?" Malalim na boses ang bumalot sa hapagkainan, kinabukasan.
"Okay lang naman po, tiyo. Nagaadjust pa po sa mga kaklase." Ngiti ni Mae kay Daddy.
Tumango si Dad at nilipat ang tingin nya sa akin.
"It's okay, dad. I will study hard, though." Sabi ko at sumubo.
Wala akong ganang kumain ngayon ngunit pinipilit ko ang sarili ko para lang may laman ang tiyan ko bago pumasok.
Tumango si daddy at sumimsim sa kanyang kape. Kuya is silent, I dont know why.
"Hi." Lunch ng biglang sumulpot kung saan si Arkinn.
Tiningila ko sya at nginitian ng bahagya. Yes, sometimes I'm mean. But to this guy? He don't deserve that kind of treatment. Somehow ay nasasanay na ko sa kanya. Mabait ito. And unlike other guys, he has never crossed any lines for me. If he wants friendship, I can give it to him.
"Wala akong klase sa oras na to ngayon. Absent ang prof." Ngumisi sya at tumabi sa akin.
Kasalukuyan akong gumagawa ng part ko sa reporting namin sa isang subject. Mamayang hapon ay didiretso akong library bago umuwi para makipagkita sa mga kagroupmates ko at makapag-usap.
Nagtaas ako ng kilay ng wala akong narinig na kahit na ano kay Ruru tungkol sa pagdating ni Arkinn. You know, palagi syang nanunukso.
Napanguso ako ng naabutan syang nagpupokpok sa ulo at nakatitig sa paper works nya.
"What is it, Ru?" Tanong ko sa kaibigan.
Tumingala sya at bahagyang nagulat ng mapansin si Arkinn sa aking tabi. Napairap ako. He seems so preoccupied sa ginagawa nya. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan namin, ngayon ko lang ata sya nakitang nahirapan.
Ruru is smart, you know. Maaring haliparot nga sya at mapaghanap ng lalaki. But he never let that to ruin his study.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagngiti ni Arkinn sa kanya. Ngumiti naman ng hilaw pabalik si Ruru. At ng bumaling sa akin ay bumusangot na.
"Pinapahirapan ako ng prof ko sa major." Ngumuso sya at nilahad sa akin ang papel.
Inabot ko yon at binasa.
Tumango ako at nagkunot ng noo, "Si Mr. Alfonso ang prof mo dito? Mabait yon, ah!"
Umirap sya, "Mabait sa inyo, sa akin hindi. Kainis! Galit yata sa beauty ko!" At hinablot ang papel sa akin.
Bahagyang humalakhak si Arkinn sa aking tabi. Ngumuso ako.
Mabait talaga si Mr. Alfonso. At gwapo pa. He's, I think, 24 years old. Pinakabata sa mga proffesor dito.
Nilingon ko si Arkinn bigla syang tumayo sa tabi ko.
"I'll buy our lunch. I'll treat Ruru, too." Halakhak nya at pinasadahan ng tingin si Ruru.
Tumango ako, "Thanks, Arkinn."
"Salamat, pogi, at may naaawa pa naman pala sa akin."
Ngumiti lang si Arkinn at naglakad na papunta sa counter. Binaling kong muli ang atensyon ko sa ginagawa ko.
"Nanliligaw na ba yon sayo?" Biglang tanong ni Ruru.
Hindi ako nag-angat ng tingin ngunit umiling ako.
BINABASA MO ANG
Hidden Memories
RomantiekNakaraan laban sa kasalukuyan. Kasalukuyan laban sa hinaharap. Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.