Chapter Twenty Five

9 1 0
                                    

Gatecrash

Kung mapaglaro ang tadhana, parang mas mapaglaro yata sya ngayon.

Matalim ang titig sa akin ng babaeng kadate ni Zachary. With her red dress, black pumps and red lips to kill. Yes, yung maarteng babae sa loob ng cr na nagrereklamo at may nanira daw ng date nila.

Nginisian ko sya. Ang pinakamapang-asar na ngisi sa balat ng lupa. Kung naiinis sya dahil may 'umepal' sa date nila ni Zachary, mas lalo ko syang iinisin gamit ang presensya ko.

"Ayaw yata ng date mo ng may kasabay, Zachary." Sabi ko at pinagtaasan ng kilay ang babae.

Nag-angat ng tingin si Zachary sa akin papunta sa kadate nya na nakilala ko bilang Jasmine Cruz. Hindi ko nga lang alam kung saan lupalop napulot ito ni Zachary.

Nabigla ang babae sa tingin ni Zachary kaya agad syang umiling, "H-Hindi. It's fine, Zach." Sabi nito at hinaplos ang braso ni Zachary.

Umirap ako sa kawalan. Aware ako. Playboy ang Zachary Vasquez na kaharap ko ngayon. The first time we talked, sumulpot si Ciara Ibañez. Then nakita sya ni Ruru kasama naman si Rycylynn Chua. And now, this bitch Jasmine Cruz. And god knows how many girls is with this guy!

Tahimik ang pag kain naming apat maliban na lang kung mag-uusap si Zachary at Arkinn sa kung ano-anong bagay. At kung hindi kami mag-iirapan ng bitch na ito!

"Uhm, dad's calling. Sagutin ko lang." Maya-maya'y bulong ni Arkinn sa akin, "Excuse me."

Tumayo sya at sinundan ko ng tingin ang paglabas nya ng resto.

"Dissapointed na hindi nasolo ang date?" Mapang-asar na sabi ni Zachary.

Binalingan ko sya ng tingin, "This is just a simple friendly dinner, Zachary. Besides, hindi ako katulad nyang date mo." Ngisi ko.

"What the- Anong pinagsasasabi mo?" Mataas ang tono ng boses ni Jasmine Cruz ng ibulalas ito.

Halos napatingin nga ang ibang kumakain na malapit sa amin.

"And she's kinda... no class, huh?" Mas lalo pang lumawak ang ngisi ko ng makita kong parang umusok ang ilong ng babae sa inis.

Yan ang pagbabayad sa pag-irap sa akin!

"What the fuck?!" Malakas na sabi nito at ambang tatayo ng hawakan ni Zachary ang braso nya.

Batid kong nakuha na namin ang atensyon ng mga tao sa paligid. So disgusting! Wala ngang class!

"Kapal ng mukha mo! Kala mo ang ganda mo?" Medyo malakas pa din na sabi nito habang hawak ni Zachary ang braso nya.

Hindi ko sya pinansin. Imbis ay binalingan ko si Zachary, "Don't you think na hindi maganda na ganyang klase ng babae ang isinasama mo sa ganito ka-sosyal na lugar, Vasquez?"

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Jasmine at pag-awang naman ng mga labi ni Zachary. Bulls eye!

"Kapal talaga-" akmang hahablutin ni Jasmine ang buhok ko ng mabilis akong tumayo at umiwas.

Akmang susugod pa sya ng nagsalita si Zachary, "Stop it, Jasmine!" Sabi nito sa galit at matigas na boses.

Sa malayo, nakita ko ang pagkaripas ni Arkinn palapit sa amin.

"What happened?" Tanong nya at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko sya binalingan. Imbis ay tinitigan ko ang pag-usok pa ng isang Jasmine Cruz sa galit.

"Make them leave, Zach!" Naiiyak na sabi ni Jasmine.

Kumuyom ang panga ni Zachary kasabay ng pag-lingon nya sa amin. I saw anger in his eyes ng magtama ang mga mata namin. Oh, bakit galit? Kasi napahiya ang date nya? Well, I don't care.

Huminga sya ng malalim at nagsalita, "Sorry for the mess. We will leave." at hinatak palabas ang babae.

Narinig ko pa na nagreklamo si Jasmine sa kung bakit sila ang aalis, sila naman ang nauna.

I rolled my eyes again.

"What was that for?" Tanong ni Arkinn ng nakasakay na kami sa kotse nya.

Hindi naman talaga ako maldita. Binabalik ko lang kung anong pinapakitang ugali sakin ng isang tao. Kung mabait ka, mas mabait ako. Pero kung bitch ka, ano pa ko?

"Nothing, Arkinn." Wala sa mood kong sagot.

"Oh, okay. Hatid na kita sa inyo. You look tired, sa pakikipag-away." Nilingon ko sya at naabutan kong nakangisi sya habang diretso ang tingin sa kalsada.

"Sorry, Arkinn. I think I ruined our dinner." Halakhak ko ng bumaba ako sa sasakyan nya.

"No. Actually, I'm happy. I saw your other side." Ngumisi sya, "By the way, good night. See you at school."

And thank god, walang goodbye kiss na naganap.

Pagod akong dumating sa bahay. Kaya naman ng matapos akong magbihis ng pangbahay, bagsak agad ako sa kama at mabilis na nakatulog.

Nasa kalagitnaan ako ng panaginip ko ng bigla akong napaupo sa pagkakahiga at nagising sa pagkatulog.

Mabilis kong dinampot ang phone ko na mukhang kanina pa nagriring.

Unregistered number.

Pinasadahan ko din ng tingin ang oras. 1:00 am. What the hell!

Pinindot ko ang answer button at sininghalan ang kung sinong istorbo sa pagtulog.

"What the fuck do you want!?" Sigaw ko.

Walang nagsalita. Tinignan kong muli ang phone at hindi pa naman binababa.

"Kung wala kang magawa sa buhay mo, wag kang mang-"

"Hangover sa galit?" Malalim ang boses ng nasa linya. At hindi ako pwedeng magkamali kung sino siya.

Dahil kahit na boses lang, malakas na ang kabog ng dibdib ko.

"W-Who are you?" Masungit na sabi ko kahit na medyo nautal pa.

"Don't act like you don't know me, Charlotte. I'm outside your house. Meet me here or I'll gatecrash." Aniya sa seryosong tono.

Mabilis naman akong napatayo sa kama at dumungaw sa bintana. At totoo nga, nandon sya. Prenteng nakatayo sa gilid ng gwapong sasakyan nya. Ang isang kamay, hawak ang phone at nakatapat sa kanyang tenga. Habang ang isa, nakapasok sa kanyang bulsa.

At kahit na malayo, alam mong gwapo talaga.

"At bakit naman ako makikinig sayo?" Sabi ko sa linya habang nakadungaw pa din sa bintana.

Nag-angat ang tingin nya at ng makita ako sa bintana ay tumayo ng maayos.

"No problem. I will gatecrash." Sabi nito at lumapit sa gate namin.

Tumaas ang kilay ko at bumaling sa pinto ng kwarto ko, "As if you can."

Ngunit paglingon kong muli sa bintana ay nanlaki ang mata ko. Narinig ko ang tunog ng pag-uga ng gate sa kabilang linya kasabay ng pagkakita ko ng pagsampa nya.

"Oh, shit!" Na lang ang nasabi ko at kumaripas palabas ng kwarto.

"Damn, Zachary! Fine! Pababa na ako! Just stop gate crashing our house!" Mariin kong sabi sa linya habang tumatakbo na pababa ng bahay.

Natanong nyo na ba kung ilan ang cctv na meron kami? Fuck! Malamang ay makita ni kuya iyon at kung hindi ko sabihin na kilala ko ang nagbalak na pasukin ang bahay namin, magrereport yon sa mga pulis. Fuck, really!

Hidden MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon