Unusual Amnesia
"You've been to Arseia?" Tanong niya, naguguluhan pa din.
Binitawan nya ang magkabilang braso ko.
Kumunot ang noo ko. "O-Oo. That's my... hometown."
"That's my hometown too. Doon nakatira ang lola ko." Tumingin sya sa kawalan.
Ano bang nangyayari? Hindi nya alam na nagkakilala kami sa Arseia? Hindi nya na yon maalala? Bakit? Shit!
"Zachary... Five years ago, nagkakilala tayo sa Arseia." Sabi ko habang tinititigan sya ng mariin, binabantayan ang magiging reaksyon nya.
Kumunot ang noo nya. "This is not the time to throw a joke, babe." Aniya at umiling. "Umamin akong mahal kita. This is not the time for that!"
"Hindi ako nagbibiro! I'm telling the truth! And why will I be lying about that? Para saan?" Sabi ko, frustrated.
Wala akong maintindihan!
"That's beyond impossible! Matagal na kong hindi umuuwi ng pilipinas. Five years ago? And five years ago, naaksidente ako sa New York. Paano akong mapupunta sa Arseia?" Patawa-tawa nyang sabi ngunit nakakunot ang noo.
"N-Naaksidente?" Nanlamig agad ang pakiramdam ko.
Naaksidente sya five years ago? Kelan yon? Pag-uwi nya ba ng New York?
"Yeah... Car accident. Kaya umuwi si Mark ng New York." Sabi nya at tumango sa sariling sinabi.
"Zach..." Nanginig ang boses ko. "Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Muling tumulo ang luha ko.
Paano kung nagkaAmnesia nga sya? But no! Kung nagkaron sya non ay dapat alam nya. Dapat ngayon pa lang sinasabi nya na sakin na nagkaron nga sya ng Amnesia!
"N-Nagka... Amnesia ka ba after ng accident?" Halos napapikit ako sa sarili kong tanong.
Umiling sya at tumitig sa akin. "No, babe." Aniya at hinagkan ako.
Niyakap nya ko! Sa yakap na yon ay pakiramdam ko, nahanap kong muli ang Zachary na minahal ko. Humagulgol ako.
Thats impossible! Kung hindi sya nagkaron ng Amnesia ay ano?
Ilang minuto kaming ganon lamang ang posisyon. Niyayakap nya ko at ako naman ay umiiyak. Ayaw lang talagang tumigil ng luha ko sa pagbuhos. I dont know why!
"Hush, babe. Wala ka namang dapat iiyak. I'm inlove with you. Yon ang mahalaga." Sabi nya at hinagod ang likod ko.
Tumango ako at kumalas sa kanya. "Will you... ask your parents... about this?" Sabi ko habang pinipisil pisil ko ang mga daliri ko.
"Yes, babe, I will."
Matapos naming mag-usap ay hinatid nya ako sa bahay. Frustrated pa din ako. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nya na maalala ang lahat. Posible ba na nagkaron sya ng Amnesia? Pero kung nagkaron nga sya ay dapat nakalimutan nya ang lahat. At sinabi naman nya na hindi sya nagkaron non.
And he loves me? Hindi nya ko maalala pero mahal nya ko. Bigla akong kinilabutan at bumigat ang puso ko sa naisip. He loves me.
Napakaraming tanong sa utak ko na hindi ko man lang maisatinig. What about the flavor of the week? What about his girls? What about Yumi? At ano kami ngayong inamin nya na mahal nya ako? Or do he really loves me?
Kinabukasan ay nakatanggap ako ng mensahe kay Arkinn na magkita kami sa isang cafe. Importante daw.
Buong araw ko ding hindi nakita si Zachary. He texted me last night. Ang sabi nya ay magpahinga ako at wag mag-alala. Thats all at hindi na sya nagparamdam.
BINABASA MO ANG
Hidden Memories
RomanceNakaraan laban sa kasalukuyan. Kasalukuyan laban sa hinaharap. Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.