Chapter Fifty Nine

5 0 0
                                    

The eyes

Pagtapak pa lang ng mga paa ko sa lupa nang pilipinas ay halos kumaripas na ako pabalik ng New York. Ewan ko ba. I feel like my home now is in New York. Pakiramam ko, pag babalik ako rito, masisira lang nanaman ang buhay ko.

Tinitigan ko ang anak kong tulog na tulog pa sa bisig ni Sych. Feel na feel niyang lawayan ang braso ng tito niya.

Nilapitan ko sila at pinunasan ko ang tumulong laway ni Brayden sa braso ni Sych.

"Ganiyan tayo kasweet noong kabataan natin, mahal, naaalala mo pa ba?" Rinig kong sabi ng matanda kung saan.

Nilingon ko iyon at nakita kong nakatitig ang matandang mag-asawa sa amin ni Sych.

"They think we're married." Hagikgik ni Sych.

Tipid kong nginitian ang mag-asawa tsaka hinatak palayo si Sych doon.

Really, palagi na lang ganito. Sa twing may makakakita sa amin ni Sych na magkasama at karga niya ang anak ko, palaging akala nila mag-asawa kami. And Sych always enjoying those moments. Laging malaki ang ngiti niya kapag nangyayari ang mga ganito.

"Ikaw! Talagang tatanda kang binata!" Iling ko nang palabas na kami ng airport at ngiting-ngiti pa rin siya.

Sina mommy ay nasa likuran lang namin.

"Hindi ako tatandang binata dahil nandiyan ka naman." Aniya at ngumisi.

"Sych..." Malungkot na sabi ko.

Laging ganito ang reaksyon ko sa twing sasabihin niya ang mga ganiyang linya. Sa twing parang ang mga salita niya ay umaasa na magiging isa kaming pamilya. Lagi akong nalulungkot. Kasi alam ko, alam ko sa sarili kong hindi ko iyon kayang ibigay sa kaniya.

Ngumuso siya. Nilapitan niya ako at inakbayan. Now, we're really look like a family.

"I'm joking, Charie. Ikaw naman! Syempre hanggat wala pa akong pamilya, kayo muna ni Bray. You know how much I love the two of you. We're bestfriends, hindi ko kayo kayang bitiwan ng ganon." Aniya at hinalikan ako sa noo.

I felt relieved when he say that. At least ay malinaw sa kaniya na mag-kaibigan lang kami at hindi ko iyon kayang higitan.

Mula nang dumating sa buhay ko si Brayden, sinarado ko na ang puso ko sa kahit na sinong lalaki. I'm distant and Isolated. Kay Sych lang ako malapit. Dahil na rin siguro sobrang hirap tanggihan ng pag-mamagandang loob niya.

Ngumisi ako. "Papano kang magkakaroon ng sariling pamilya? Sa sungit mong yan ay baka hindi ka na magkaroon ng asawa!" Pang-aasar ko sa kaniya na mabilis niyang ikinasimangot.

"I'm not. Nagkakataon lang talaga na wala sa kanila ang hinahanap ko." Seryosong sabi niya at sinulyapan ako.

Umiling ako at tumingala. Kumunot ang noo ko nang may naaninag akong pamilyar at kumakaway sa amin.

"Si Alelie ba iyon?" Lingon at tanong ko kina mommy habang tinuturo ang labas.

Tumango si mommy. "They insisted." Kibit balikat niya.

They?

Unti-unting nanliit ang mga mata ko nang palapit kami kay Alelie. May kasama siyang lalaki! Matangkad iyon, matipuno, nakashades habang nakahilig sa van na mukhang sasakyan namin pauwi.

"Shai!" Lumapit siya sa akin. She awkwardly smiled then hugged me.

"Boyfriend mo?" Bulong ko sa kaniya habang niyayakap niya ako. Sandaling yakap lang iyon.

She shyly nodded. Binigyan ko siya ng ngising mapang-asar. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-tanggal ng lalaki sa kaniyang shades at pag-ayos ng kaniyang tayo.

Pinasadahan ko iyon ng tingin. My smile immidiately faded and my jaw dropped. What the fuck?

Madalim ang tingin sa akin noong lalaki. Ngunit kalaunan ay ngumisi, na alam ko namang plastik.

"Is that your son?" Malamig na tanong ni Mark sa akin.

Yes, no other than Mark Vasquez. What the freaking fuck, right?

Kinilabutan ako ng husto ng mapansin ko ang magkakapareha ng mga mata nila ni Zachary. Damn, no doubt, the eyes of my son is from the Vasquez.

Ngunit nang napagtanto ang tanong niya ay agad akong nanlamig. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumango na lang ako. Nakikita niya ba? Nakikita niya ba ang resemblance ng hayop niyang pinsan at ng anak ko?

Tumango siya. "And your husband." Mas malamig pa na sabi niya. That's not a question, that's an statement.

Nilingon ko si Sych at ang anak kong nakatalikod at tulog na tulog pa rin. Nag-uusap ni sina mommy at Alelie. Si Sych naman ay kausap ang kaniyang ate at ang aking kuya.

Tama, I'm just overreacting! Tulog ang anak ko at walang mag-aakala na si Zachary talaga ang ama nito. I'm just probably overreacting...

Hindi ko na lang sinagot ang nahuling sinabi ni Mark. I think it's better that way. Bahala siya kung iyon ang iisipin niya.

But wait... did my family accept their relationship now? At ang tapang niyang iharap ang pagmumuka niya sa aming mga Madrigal?

But my question on my mind suddenly answered when dad appeared on my side. Ngumiti si daddy at kinamayan si Mark na ikinalaglag ng panga ko.

"Thank you for fetching us, hijo." Ani daddy.

"My pleasure." Si Mark at bahagya pang yumuko.

What the hell?

Gustong-gusto kong mag-tanong ngunit umuurong ang dila ko.

"I heard galing pa kayo ng Arseia. Is our ancestral house still okay? I doubt that. Ang tagal ko nang hindi nakakabisita." Halakhak ni dad.

"Your house is still okay, tito. Naparenovate iyon ni Paul year ago. But me and Mae decided to live in our mansion. Alam niyo na, now that she's my wife..." Mayabang na sabi ni Mark at nagkibit-balikat.

Mas humalakhak pa si papa sa sinabi ng hayop!

Pakiramdam ko aabot na ng lupa ang bagang kong nalalaglag sa bawat sinasabi nila.

What the fuck is this?

"Dad?" Patanong na sabi ko nang di ko na napigilan.

Nilingon ako ni daddy at sa nakikita kong tingin niya sa akin ay parang ngayon niya lang napagtanto na nandon ako sa kaniyang tabi at nakikinig.

"Uh, yes. Mark, this is my daughter, Charlotte Madrigal." Sabi ni daddy at nilahad ako kay Mark.

"Yes, tita. We've met before." Ani Mark ngunit naglahad pa rin ng kamay sa akin.

Umirap ako sa kawalan at tinanggap iyon. Hindi ako ngumiti.

May humawak sa bewang ko at agad ko iyong nilingon. Nanlamig ako nang nakitang gising na ang anak ko sa mga bisig ni Sych.

"Nagising." Malamig ang boses ni Sych nang sabihin ito.

Nilingon ako ni Brayden at umambang sasama na sa akin. Naglahad ako ng braso at binuhat siya. Yumapak sa akin ang anak ko at dinantay ang baba sa aking balikat.

"And of course, this is Sych Garcia. And Charlotte's son, Brayden." Walang pag-aalinlangang pakilala ni daddy sa mga bagong lapit.

Kumalabog ang puso ko sa pakilala ni daddy. It's good that he didn't mention Brayden's surname. Magtataka si Mark kung malaman niyang hindi apilido ni Sych ang dala ng anak ko. Alam kong iyon ang iniisip niya, na ang ama ng anak ko ay ang lalaking humahapit sa bewang ko ngayon.

Naglahad ng kamay si Mark na mabilis namang tinanggap ni Sych. Kitang-kita ang malamig na ekspresyon sa dalawang lalaki.

"Dad, care to explain?" Sarkastikong sabi ko sa ama kong wala yatang balak ipaliwanag sa akin ang kahibangang ito.

Medyo kumunot ang noo ni daddy, siguro'y sa pagtataka sa aking sinabi. Ngunit kalaunan ay tumikhim at nag-iwas ng tingin sa akin.

"We're all exhausted. Mabuti pa ay tumulak na tayo pauwi." Ani daddy at nauna pang pumasok sa van.

Nalaglag ang panga ko. What the fuck???

Hidden MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon