Chapter Twenty Two

8 0 0
                                    

Do you

"Come on! Alam kong nagdadahilan ka lang. Charie naman!" Pangungulit sa akin ni Ruru sa cafeteria.

Friday ngayon at mamaya lang ay party na ni Arkinn sa Club 888. Babatiin ko na lang sana sya ngayong birthday nya at hindi na pupunta sa party. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa din nakikita ang pagmumukha nya. Samantalang noong mga nakaraang araw, halos magsawa ako sa ngisi nya.

"I' said I'm busy." Iritang sabi ko at sumubo sa porkchop ko.

"Sa tagal na nating magkaibigan, Charie Shai, kilalang kilala na kita. And I know you're not busy. Pinaasa mo yung tao!" Sabi nya at pabiro akong tinampal.

Pinagtaasan ko sya ng kilay, "Hindi ako ang nagpaasa, ikaw."

"Oo na. Pero sayang, e, alam mo yon? Ang gwapo ni Arkinn! Tapos iindianin mo?" Humawak ito sa dibdib nya at umacting na nasasaktan.

"Hindi ako uhaw sa gwapo, Rudolfo. Tumigil ka at wag mo kong itulad sayo." Irap ko, "At ano naman ang mapapala ko kung sasama ako sa party na yan!"

At sa sinabi kong yon, parang may umilaw sa tuktok ng ulo ni Ruru. Ngumiti sya ng pagkalawak-lawak na nginiwian ko. Gwapo sana ang bakla na to, e, sayang lang talaga at gwapo din ang hanap.

"Ililibre kita ng lunch for one week." Malakas na sabi nya at pinagtaasan ako ng kilay.

Sinasabi ko na nga ba.

"One week?" Umakto akong nagulat at natuwa, "One week lang?" tsaka ako sumimangot.

"Oh, edi two weeks."

"Lunch lang?"

"Edi kahit na anong ipabili mo!"

Ngumisi ako, "Deal!"

Sanay naman ako sa pagsosoot ng mga dress. Ang problema ko lang ngayon, masyado yatang maiksi ang dress na ipinasoot ni Ruru sa akin.

"Para seductive." Aniya.

Pumayag ako dahil kasama yon sa deal namin. Hayaan na dahil sa loob naman ng dalawang linggo, mauubusan sya ng pangbigay sa mga lalaki nya dahil sa akin.

Inabot namin sa dalawang bouncer ang mga invitation namin. Kasabay kong dumating sa Club 888 sina Yumi, Karen, Julia at Ruru. Sasakyan nina Yumi ang naghatid sa amin. Nakakahiya nga dahil dinaanan nya pa kami sa bahay.

Pag-pasok pa lang namin sa bar, sumabog na sa pandinig ko ang maingay na music. Halos magsiksikan din sa ilong ko ang amoy ng alak at sigirilyo. This is why I hate clubbing!

Hindi gaanong kalakihan ang club na to. Kaya hindi na ko nagulat ng malaman ko na inarkila ito ni Arkinn para sa birthday party nya. Gayon pa man, masyado pa ding madami ang mga tao. Napaisip tuloy ako kung kilala nya ang lahat ng to?

"Ayon sina Moris!" Sigaw ni Ruru at hinatak kami paakyat sa hagdan.

"Shit!" Mura ko ng muntik na kong matapilok sa hatak nya.

Mabilis ko syang sinamaan ng tingin ng makaakyat na kami. Kainis to!

"Hi, boys!" Malanding sabi nito at bumeso sa mga lalaki.

Umirap ako sa kawalan. At ng mahigip ko ang isang waiter na pakalat-kalat at may dalang mga alak, mabilis kong hinablot ang isa at nilagok kahit na hindi ko alam kung ano iyon.

Hindi na ko ignorante sa mga ganito. Well, I owe Ruru for that. Nung nag-18 kasi sya last year, ganito din ang ganap. Yun nga lang, kami kami lang ng mga classmates ko at hindi ganito kabongga na inarkila pa talaga ang buong club. And beside, before and after the finals, nagparty din kami. Pangpa-relax ba.

Mabilis na gumuhit ang init sa lalamunan at tiyan ko. Lasa pa lang alam ko na. Damn, vodka!

"Charie! Why are you so hot tonight?" Manyak na sabi ni Moris at hinimas ang braso ko.

Tinampal ko na. "Tigilan mo ko sa mga kamanyakan mo, Moris, ah!"

Humagalpak sya sa tawa, "Damn, ang hirap mo talagang paamuin, ano?" Sabi nya at inakbayan ako.

Moris is a friend. Not just a friend, actually. Best bud, kamo. Noong first year college ako, unang kita nya pa lang sa akin, pinormahan na ko. Diniretso at binasted ko nga agad. Manyak kasi. But after that, no hard feelings at naging friends naman din kami.

Ruru, Moris, Jayvee, Yumi, Karen and Julia is my squad. Sila ang palaging kasama ko noong first year college ako. Pero si Ruru at Moris ang pinakaclose ko. Si Ruru dahil since high school, magkaibigan na talaga kami. And si Moris because he's kinda clingy, kahit na manyak.

Sa isang round table and round chair, magkakasama kami. May mga dumagdag nga lang na dalawang babae at isang lalaki na hindi pamilyar sa akin.

Umupo ako sa gitna ni Ruru na nilalandi ang isa nya pang katabing lalaki at kay Moris na panay ang ngisi sa akin.

"Ngayon lang kita nakita na ganyan ka-revealing, Charie. Para ba yan kay Arkinn?" Nagtaas ang kilay nya habang ako, nangunot ang noo.

"Kadiri na, Moris. Tahimik na!" Sabi ko at umirap.

Natawa sya, "Di nga, seriously. Sa wakas ba may nakapagpalambot na dyan?" Sabi nya at ambang duduruin ang dibdib ko.

Mabilis kong tinampal ang kamay nya. Manyak talaga!

"Dare lang, Moris. Itong si Ruru."

Tumango sya ar inabot sa akin ang isang beer sa mesa na agad kong nilagok.

Nasaan na ba kasi ang birthday boy at ng mabati at makauwi na?

Sa tagal ng pag-aantay ko kay Arkinn, naka-apat na bote ng beer, limang shot ng vodka at tatlong shot pa ako ng whisky.

Humiyaw si Ruru at tumayo.

"Sayaw tayo, Charie!" Hindi na ko nakapalag dahil hinila nya na ako pababa at papunta sa dance floor.

Nanuot sa sistema ko ang lahat ng alak na nainom ko. Nahilo ako at napamura ng bigla akong i-sway ni Ruru, sexily. Humalakhak sya at pinagkatuwaan pa ko.

"You better be dancing, Charie Shai! Show the world that you're a very good dancer!" Malakas na sabi ni Ruru at humalakhak pa.

Napailing ako at natawa, "Fuck you!"

Siguro kaya minsan, gustong-gusto talaga akong isama ni Ruru sa mga party na ganito. Maybe because alam nya na dito nya lang masisilayan ang hidden talent ko. Kadiri man aminin, pero I'm a sexy dancer.

Tinapik nya ang bewang ko at para iyong kalabit at nagsway ako. The music got louder kaya mas lalo akong naengganyo na sumayaw. Alam mo yon, yung feeling mo free ka kapag nasa ganitong sayawan ka. Kasama ang alak sa sistema, mas lalo mong mailalabas ng maayos ang gusto mong ilabas.

Naramdaman ko na may yumakap sa bewang ko patalikod at nakaramdam ako ng kaonting pag-iinit. Hindi ko yon pinansin at pinagpatuloy ko ang pagsayaw. Ang sarap sa feels ng malaya.

"Do you always dance like this?" Malamig na bulong galing sa likuran ko.

Napahinto ako sa pagsasayaw at kahit na maingay, nakilala ko pa din ang boses na yon.

Hinaplos nya ang braso ko pababa... hanggang sa tiyan ko. At sa hindi malamang dahilan, nanlamig at nag-init ako at the same time. Umikot sya at hinarap ako.

"Do you?" Sabi nya at hinaplos ang mukha ko.

Pakiramdam ko nawala ang tama ng alak sa sistema ko ng tumama ang mga mata ko sa madidilim nyang mga mata. And I know this kind of stare. Bakit sya galit?

"Z-Zachary..." Bulong ko sa sarili ko.

Hidden MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon