Chapter Fifty One

2 1 0
                                    

Seducing

"Huwag kang aalis sa tabi ko." Ani Zach habang nilalagok namin parehas ang bourbon na inorder niya.

Ayaw pa nga nitong ito ang inumin ko. Inoorder niya ako ng ladys drink but I refused. Kaya ko naman inumin ang iniinom niya so why not?

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bar at humalakhak.

"Of course. Dito lang ako sa tabi mo." Sabi ko.

Umupo kami sa highchair kaharap ng mga barista. Hawak ni Zach ang pangalawang baso niya at pinaglalaruan. Umiling ako at nilagok ang akin.

"At hinay-hinay, miss. Nandito tayo para magpalipas lang ng gabi, hindi para mag-lasing." Masungit pa na dagdag nito.

Umiling ako at sumenyas pa sa bartender ng isang bourbon. Nilingon ko si Zach at nakita kong matalim na ang tingin niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at nagulat ako nang bigla niyang hapitin ang aking bewang.

"Matigas talaga ang ulo..." Bulong niya.

Nawala ang ngiti ko at naglakbay ang parang kuryente sa aking katawan. God! I should ignore this feeling.

Tinulak ko siya at bahagya akong humalakhak. "Kung malasing ako, nandito ka naman. You can take care of me." Sabi ko at nilagok ang pangatlong shot ng bourbon.

Niligid kong muli ang paningin ko sa paligid. Ang bar na ito ay mistulang sand bar. Iyong sahig kasi ay white sand pa rin katulad noong buhangin sa labas. Pati ang dancefloor na marami na ngayong tao ay buhangin din ang inaapakan. Ang mga walls naman ay kulay tsokolate ngunit may desenyo ng punong kahoy. And take note, may iilang puno pa ang nasa loob.

"Sino ang nakaisip ng desenyo nitong bar?" Tanong ko kay Zach.

I assumed that he knows it since ang may-ari nito ay ang pinsan niya.

"Iyong architect, syempre, nitong resort." Sabi niya at niligid na rin ang paningin.

Ngumuso ako. "Siya rin ang nakaisip?"

"Actually, Mark wants it modern. But I suggest it should looks like this. Gusto ko na kapag may tumapak sa lugar na ito, wala silang maaalala sa syudad." Kibit balikat niya. "I think everyone whos going on a vacation is the one who needed a escape from the city. At paano naman nila iyon makakamit kung pati ang pinuntahan nila ay mukhang syudad? So it's should be like this."

Namangha ako sa mga sinabi niya kaya naman medyo natulala ako sa mukha niya. So, siya ang naka-isip nito? But wait...

"You have a say on this?" Inosenteng tanong ko.

"I'm one of the investor."

Oh fuck!

Tumango ako kahit na windang pa. How old the fuck are these people again? Twenty. Young and rich!

Kamusta naman ako? Tss.

Napuyat kami nang gabing iyon. Sumayaw, uminom, sumayaw at uminom nang kaming dalawa lang.

Kinabukasan ay tinanghali kami ng gising at halos sumabog ako sa iritasyon.

"Zachary! Wake up! It's already 8am at hindi pa tayo nakakapag-ready!" Sigaw sigaw ko nang papasok na ako sa banyo para makaligo.

I turned the shower on at mabilis na nag-scrub ng katawan. Sa susunod ko na lang siguro itatry ang bathtub.

Nang natapos ako sa pagligo ay nagising na si Zach. Nakaupo siya sa dulo ng kama. Topless at gulo-gulo ang buhok. Pinasdahan niya ako ng tingin at pinagtaasan ng kilay. Namula nang parang kamatis ang mukha ko ng napagtantong nakabathrobe lang ako. Damn!

Hidden MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon