Earning your trust
Hinintay nya na matapos ang dalawang klase ko at nag early dinner kami sa isang restaurant. Tahimik ako habang sya naman ay palinga-linga sa akin.
Ayoko ng magsalita. Ayoko ng magkamali sa sasabihin ko. Wala naman na dapat akong pakealam kung sino man ang kasama nya sa mga oras na hindi ko sya nakikita dahil wala naman akong karapatan.
"Yumi is just a friend." Mababa ang boses nya ng sabihin nya ito.
Tumango ako kahit na hindi ako nakatingin sa kanya. "You really don't have to tell me kung ano kayo." Walang emosyon kong sabi.
He lifted my chin. "Look at me, babe." Aniya.
Tumikhim ako at hindi inurungan ang paninitig nya.
"Ask me anything. Anything, babe, and I'll answer it with the truth." Seryosong sabi nya.
Ako naman ang napatikhim. Peke akong tumawa. "No. I won't do that. Anong karapatan ko-"
"You have all the rights!" Putol nya sa akin. "You really have all the rights, babe. I told you I love you. Hindi pa ba iyon sapat para malaman mong may karapatan ka sa buong pagkatao ko?"
Natulala ako sa sinabi nya. Yeah? Ano iyon ulit? Napapikit ako at nag-isip. Dapat ko bang itanong sa kanya ang lahat ng ikikabagabag ng loob ko?
"Okay." Buntong hininga ko. "Zach, I don't really know whats between you and Yumi. Pero kung nakakagulo ako, you should be with her at wag ng makipagkita sa akin."
"No." Agad nyang sagot. "I shouldn't be with her. I should be with you." Aniya at kumunot ang noo.
Bumuntong hininga ako. "You don't understand me! Sinasabi mong mahal mo ako pero palagi mo syang kasama." Halos pigilan ko ang sarili ko sa pagsabi ng mga salitang yon.
Dahil kahit na sinabi nya na may karapatan ako, ay hindi ko dapat sya pinalalayo sa kahit na sino. It's his life. His life isn't my business. Pero hindi ko mapiligan. I'm being a jelous brat. Yeah, you heard me. I'm jelous. Jelous as fuck.
Hinawakan nya ang kamay ko.
"My dad and her dad is a good friend." Sambit nya.
Kumunot ang noo ko. "Yumi has no father!" Matigas na sabi ko.
Is he lying?
Tumango sya. "She has, Charlotte. Anak sya sa labas. And because Tita Erlinda, her father's wife, didn't want to accept her... hindi sya matutukan ni Tito."
Nagulat ako sa rebelasyon na nasabi nya. Hindi namin alam ang tungkol dyan. Ang alam lang namin ay wala na syang mga magulang. Na Tito at Tita nya na lang ang nagsisilbing guardian nya.
"I'm sorry. I didn't want to cross any line-"
"No, babe. I want you to trust me. Tito ask me to be with her... always. Dad says yes kaya wala akong nagawa. They wanted me to take care of her." Aniya ar huminga ng malalim. "I'm sorry. Hindi ko alam na dadating pala ang araw na mapapalapit ka sa akin... kaya hindi ko na pinilit na may gawin pa."
Mahigpit kong hinawakan ang kamay nya. "I understand, babe. I'm sorry. I didn't mean to ask you such things. It's too personal."
"Nothing is personal when it comes to earning your trust."
Pagkatapos kumain ay napagpasyahan namin na ihatid na lang nya ako sa bahay. Nangako sya sa akin at humingi ng panahon para masabi nya kay Yumi ang lahat ng tungkol sa amin.
"You don't have to tell her, babe. Okay lang naman kung... magkikita pa din kayo. It doesn't matter. I trust you. At naiintindihan ko ang sitwasyon nya." Sabi ko ng sabihin nya yon sa akin.
"No, babe. I need to tell her that I'm not available all the time to be with her. I have you, I only have you and I should be with you everytime." Aniya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Hindi na ako nagpumilit pa. Wala naman na akong magagawa kung iyon talaga ang gusto nya. Besides, pabor sa akin yon. Don't get me wrong! Naaawa ako sa sitwasyon ni Yumi but the way I see it, mali na palagi pa syang sasamahan ni Zach dahil masasanay lang sya. At mahihirapan sya dahil mawawala din naman ito sa tabi nya.
Dumating ako sa bahay at naabutan ko ang pamilya ko kasama ang pamilya ni Sinteya... or should I call her ate Sinteya, now. At doon lang sumagi sa isip ko na sinabihan pala ako ni mommy na may ganito ngayong gabi!
"I'm sorry, I'm late." Sabi ko at pinasadahan silang lahat ng tingin.
Ngumiti sa akin ang sa tingin ko'y mommy ni ate Sinteya. Yumuko ako sa kanila.
"Good evening po." Sabi kong muli.
"It's okay, Charie. Umupo ka na." Si kuya at nginuso sa akin ang harap nyang upuan na bakante. Sa tabi nito ay may isang lalaki na sa tingin ko ay kapatid ni ate Sinteya.
Tumango ako at humalik muna kay daddy at mommy bago umupo.
"Where's Jiro, my?" Tanong ko ng napansin na wala ang bunso kong kapatid.
"He's asleep. Nagtotopak, e." Nanliit ang mata ni mommy sa akin, parang gustong magtanong ngunit hinahadlangan ng mga bisita.
Nagkibit balikat na lang ako.
"As I was saying, it's okay kung gusto na muna nilang dito sa bahay." Si dad ng matapos kumain.
Hindi na ako kumain at nagdessert na lang dahil na din sa busog ako galing sa dinner namin ni Zach.
And speaking of Zach, he texted!
Dinungaw ko sa ilalim ng mesa ang aking phone.
Zach:
Hey, babe. What are you doing? I miss you. :(
Bahagya akong natawa sa sad emoticon na nakalagay. How gay.
Ako:
Dinner with fam. You miss me already? Kakauwi ko lang kaya.
"To be honest, mr. Madrigal, hindi ko gusto ang desisyon ng anak nyo na madaliin ang kasal nila. At hindi ko din gusto kung mamadaliin nyo ang pag-iisang bahay nila." Rinig kong matigas na sabi ng ama ni ate Sinteya.
Napa-angat ako ng tingin. Narinig ko ang pagtikim ni daddy at mommy. I saw kuya Carlo's body tensed. Napasinghap naman si ate Sinteya habang ang noo ko lang ang tanging gumalaw.
"For your information, mr. Garcia, hindi din namin gusto ang desisyon ng anak namin. Pero wala kaming magagawa dahil mahal namin sya at tatanggapin namin kung sino man ang minamahal nya." Si mommy at tumaas ang kilay.
Napatango ako.
Pekeng umubo si kuya kaya lahat kami ay napatingin sa kanya. Nakita ko ang pagpulupot ng braso ni ate Sinteya sa braso ni kuya. Parang sinasabi na kahit anong mangyari ay kay kuya'ng desisyon ang susundin nya.
"This is long overdue, actually." Panimula nya at tumingin kay ate Sinteya bago bumaling sa ama nito, "I loved her for all my life, high school pa lang po kami. I waited for decade, kung yon po ang sinasabi nyong pagmamadali. And now that I have her, now that she loves me, hindi ko na po sya pakakawalan. I want her to marry me because I love her. At kung gusto nyo pong maghintay ako ulit ay kaya kong gawin. Pero bakit pa po kung pwede naman ngayon."
Nakita ko ang namuong luha sa mga mata ni ate Sinteya. Tumikhim ako. Ngayon ko lang nakitang ganito ang kuya ko. For all my life, akala ko puro kalokohan lang ang alam nya. Akala ko puro pang-aasar at pangbibwisit lang alam nya. Hindi pala.
Everyone has this kind of side. Yung tipong kahit pa anong ugali ang meron ka, hindi iyon masusukat non para magmahal ka. Everyone will be fall in love, no matter what. Walang hindi. Walang makakatakas dahil ang pagmamahal ay isa ng sumpa sa mundong ito. Sumpa na ikaw ang hahatol kung pagagandahin mo ba o sisirain mo.
And kuya Carlo and ate Sinteya wants it to be beautiful and wonderful. Why not give it to them? Nagmahal lang naman sila.
Natapos ang dinner pati na rin ang usapan nila na si kuya pa din ang nasunod. So it settled. They will marry each other.
I wish that I'll fall in love like that. Iyong tipong maipaglalaban. Iyong tipong worth-the-wait dahil sa dulo ay kayo pa din naman. Iyong tipong desisyon nyo ang masusunod at wala ng makakapigil sa inyo dahil ang tanging panlaban nyo ay ang pagmamahal.
BINABASA MO ANG
Hidden Memories
عاطفيةNakaraan laban sa kasalukuyan. Kasalukuyan laban sa hinaharap. Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.